Isang beses nagpunta ako ng National Bookstore sa SM Manila, pero matagal na iyon, mga November pa yata, para bumili ng bagong libro ng isa sa paborito kong author na si Eros Atalia, iyon ay ang "Wag Lang Di Makaraos."
Sobrang nakakaloko itong libro niya, iyon bang malupit pero kapag ini-spell "astig." :)) Sulit ang bili ko sa librong ito kaya naman, nag-aabang pa ako ng susunod niyang libro. :)
Siya nga pala, mayroon pa siyang tatlong naunang libro pero dalawa lang iyong nabili ko doon, (1) Peksman [mamatay ka man] Nagsisinungaling ako at (2) Ligo Na U, Lapit Na Me . Iyong isang hindi ko nabili, hindi ko gaanong maalala iyong title pero parang Manwal ng mga Napapagal (?) yata ang title noon. Wala na kasi akong makitang ganoon ngayon eh, published yata iyon ng UST Publishing House. Gayon pa man, magaganda at nakakatuwa ang mga libro ni Sir Eros, kaya sulit kapag bumili ka. ^_^V
from top to bottom
Peksman (mamatay ka man) Nagsisinungaling Ako
Ligo Na U, Lapit Na Me
Wag Lang Di Makaraos
Subalit higit pa sa hinahangad ko ang nakamtam ko noong araw na iyon, pagtingin ko section kung saan ko kinuha ang Wag Lang Di Makaraos, mayroong side ang shelf noon kung saan nakasiplay ang mga best seller na libro, syempre isa na iyon doon. Pero may napansin akong kulay pink na libro na parang pocket book na ubod nang pangit ang cover (ang sama eh ^_^V) at may wirdong title na "Lumayo Ka Nga Sa Akin", subalit ang higit na ikinagulat ko, si Bob Ong ang author. Talagang nagulat na natatawa ako sa sobrang hindi ako makapaniwala- at nasabi ko pa sa sarili ko na "weh, kay Bob Ong 'to?! haha"!
Maganda iyong libro niya, sa pagkakataong ito, para kang nanonood ng live movie shooting - teka spoiler yata? :P Basta nakakatuwa iyong libro niya, pero syempre, andoon pa rin ang Bob Ong style na pagkakagawa ng libro, talagang madidistinguish mong siya nga. :) Hindi man kasing ganda ng cover iyong loob, pero sobrang mag-eenjoy ka 'pag binasa mo. At dahil doon, nadagdagan na naman ang koleksyon ko ng mga libro ni Bob Ong, hehe. Heto nga pala ang site kung saan makikita ang mga gawa ni Bob Ong :) ---> Bob Ong Books
from the top
A B N K K B S N P L A Ko?!
Bakit Baliktad Magbasa ng Libro Ang Mga Pilipino
Ang Paboritong Libro ni Hudas
Alamat ng Gubat
Stainless Longganisa
Macarthur
Kapitan Sino
Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan
Lumayo Ka Nga Sa Akin
Magkaiba man ng pamamaraan sa pagsulat ang dalawang may-akda, ang mahalaga, sila'y tunay na alagad ng sining ng Pilipinas at tunay na maipagmamalaking Pilipino. :) Tangkilikin sana natin ang mga akdang sariling atin ^^




0 comments:
Post a Comment