Friday, January 18, 2013 | By: Klent

Lighting Strike =)

Nagbukas ako ng Facebook at nakita ko sa News Feed ko na si "babae" (iyong taong una kong nagustuhan) ay nag-update ng relationship status.

".... is in a relationship with kababayan niya"

Dalawang beses ko itong binasa at hindi nga nagkamali ang aking mga mata, talagang in a relationship na nga ang status niya.
Anong naramdaman ko? Syempre masakit pero nangibabaw ang gulat sa akin, gulat na hindi makapaniwala. Bumilis ang pintig ng dibdib ko na akala mo may mga tumatakbong elepante, daig ko pa ang kinakabahan. Sa sobrang gulat ko, tawa na lang ako ng tawa pero ganoon pala masaktan kahit hanggang pangarap mo na lamang siya - nakakatawa.
Subalit hindi pa ako nakuntento sa nalaman ko, dinalaw ko din ang Facebook ng kababayan niya at nakita ko sa wall nito na matagal na pala silang nagpapalitan ng personal na pagpapahiwatig ng halaga nila sa isa't isa (kung nauunawaan mo ako). Lalo akong nagulat sa nalaman ko.. siguro parang pinanguya ako ng bubog pero masaya pa rin ako. Ewan ko, ang gulo pero ganoon pala umasa, kahit hindi ka naman pinaasa, haha!
Ngayon ninanamnam ko pa ang mga bubog na nasa gitna ng bituka ko. Gayon pa man, kailangan ko ring lumakad na at umasang sana magiging masaya siya sa pinili niyang tao at desisyon. Wala naman akong magagawa kung ganoong klase ng tao ang gusto niya, ang tanging masasabi ko lamang sa gitna ng malinaw na salamin ay walang makapagdidikta sa kung sino ang para sa kanya, at ang pagiging masaya para sa kanya na lamang ang tangi mong maibibigay bilang isang kaibigan.
Tuesday, January 15, 2013 | By: Klent

A Handful of Blessings

People celebrate their own special day in their own special ways. Some would like to treat their friends and relatives in a fine dining. Some would prefer to have a vacation and chill to unwind some stress. Some would prefer to celebrate it in cinemas and theaters. There are lot more ways to celebrate someone's special day but what's the best part of celebrating a special day is having gifts. Everyone knows what happiness brings to someone who receives gifts and how thankful they are about it.
Anyway let's get it straight to the point. I'm grateful for the many things I've received from God in this special day of mine.

  • I'm thankful that I'm able to thank God today.
  • I'm thankful that I'm healthy and fine.
  • I'm thankful for my family, friends, relatives who knows me well and supports me unconditionally.
  • I'm thankful for the love, care and attention I have with my family.
  • I'm thankful that I am able to celebrate this day together with my family.
  • I'm thankful for every piece of blessing I receive from God.
Maybe there's so much more to say that I've forgot to mention but anyway I'm thankful deep in my ribs for all the blessings that I've received from God. Happy Birthday to me. :D
Monday, December 17, 2012 | By: Klent

Pasko 2012

Malamang marami na sa atin ang abala kung paano bibili ng mga regalo sa mga minamahal sa buhay, kung paano pagkakasyahin ang salapi sa munting salo-salo o sa pagbili ng mga regalo. Ang iba naman ay abala sa pag-iisip o sa pagplano ng mga mapapamaskohan. Ang iba naman ay tiyak na magdiriwang ng masayang pagsasama-sama ng mga kapamilya, kaibigan, kamag-anak o mahal sa buhay sa loob ng maiksing panahon.

Subalit sa isang bahagi ng Pilipinas hindi natin masasabing ganap na masaya ang Disyempre o ang pagsapit ng pasko sa kanila lalo na kung ganoon ang sinapit na sitwasyon. Kamakailan lamang ay tinamaan ng malakas ng bagyong Pedro ang Mindanao. Lingid sa kaalaman ng iba gaya ko noon, na mayroon na palang tumamang bagyo sa timog na bahagi ng Pilipinas kung saan marami sa mga kababayan natin ang naapektohan. Nalaman ko na lamang sa balita na matindi ang inabot ng mga kababayan natin sa Mindanao. Nakakalungkot isipin na ganoon ang sinapit nila gayong malapit na ang kapaskohan. Hindi na nakapagtatakang mahirap, kalunos-lunos, at higit sa lahat sobrang masakit sa kalooban ang ganoong pangyayari lalo na ngayo't magtatapos na ang taong ito. Tiyak na hindi madali sa ganoong lagay ang bumangon at mag-umpisa muli lalo na kung minamahal sa buhay ang nawala sa kanila. Sobrang mahirap sa lagay ng mga kababayan natin lalo na't parang pinagsakluban ng langit at lupa ang sitwasyon nila.

Ngayong Pasko ipagpaliban muna natin ang mga bagay na maituturing nating pansarili, sa halip isipin muna natin kahit sandali ang kalagayan ng mga kababayan natin sa timog na bahagi ng Pilipinas. Hindi man tayo makapagbigay ng donasyon o kahit anong materyal na tulong, ang maipagdasal man lamang natin sila at ang pansamanatalang isipin ang ikabubuti ng buhay nila ay makatutulong na rin. Tiyak na hindi madali ang muling pagbangon sa ganoong sitwasyon subalit ang pakikiramay ng kapwa Pilipino sa mga pagkakataong gaya nito ay nagpapatunay ng pag-asa sa kabila ng hirap na pinagdaraanan. Alam naman nating ang himig ng Pasko ay pagbbigayan, at kahit ang munting pagdadasal para sa kanila ay makakatulong na, ika nga nila it's the thought that counts. Ngayong Pasko patunayan natin na sa kabila ng paghihirap sa buhay ay mayroong mga kababayang umaalala sa ikabubuti ng lagay ng kapwa kababayan. Patunayan nating buhay ang tunay na diwa ng Pasko sa isip at damdamin ng mga Pilipino.
Saturday, December 15, 2012 | By: Klent

Ganoon talaga..

Minsan sa buhay ng isang tao ay darating iyong pagkakataon na kung saan maiisip mo na minsan may mga tao pala na sadyang dadaan lamang sa buhay natin subalit walang katiyakang sila'y mananatili bilang kaakibat natin hanggang dulo.

Minsan pala ang pagkakaibigan parang isang malamig na bugso ng hangin.
Minsan parang pampublikong sasakyan, maraming sasakay at bababa sa kahabaan ng byahe subalit iilan o walang tiyak na mananatili mula umpisa hanggang dulo.
Minsan parang laruang eroplano na masayang paliparin subalit nakakapagod habulin.
Minsan parang lobo na masayang hawakan subalit masaklap kapag napakawalan.
Minsan parang daloy ng tubig, mararamdaman mo subalit hindi mo mahahawakan.
Minsan parang waiting shed na panandaliang silong ng mga tao.
Minsan parang screw driver at turnilyo, may kombinasyon na hindi uubra sa dulo.

Siguro sadyang darating ang panahon na tanging sarili mo lamang talaga ang dapat mong pagkatiwalaan dahil walang katiyakan ang mga kaganapan sa pag-ikot ng buhay ng tao.
Sunday, October 28, 2012 | By: Klent

Daloy


Kabanata 1 - Pagkakataon
"I'm 17 years of age. Thank You".
First day iyon ng pagpapakilala bilang first year psychology student noon. Hindi ako namamansin at hindi ako kumikibo kung hindi ako kakausapin.Madalas sa canteen lang ako kumakain dahil tinatamad akong lumabas at wala rin naman akong kasama. Subalit maraming bagay ang mabilis na naganap sa loob ng isang semestre.
"Pwede maki-share ng table"? Isa sa kaklase ko na ubod ng kulit pero wala akong balak kilalanin siya. Tumango lang ako subalit walang reaksyon.
"Hello classmate! I'm Myca, anong pangalan mo"?
"Aldwin".
"Ano ulit"?
"Ald-win".
"Ok. Hello Aldwin, nice meeting you". Sa buong oras na kumakain ako, hindi niya ako tinigilan sa kung ano-anong pangungulit niya pero pino ang sagot ko, diretso at straight to the point. Kung hindi ko lang siya ka-block iiwan ko na siya na parang ewan eh. Pagkatapos kong kumain, dumiretso na ako ng room namin at medyo mahaba-habang lakaran iyon at napansin kong sumunod pa siya sa akin.