Showing posts with label DRAMA. Show all posts
Showing posts with label DRAMA. Show all posts
Friday, January 18, 2013 | By: Klent

Lighting Strike =)

Nagbukas ako ng Facebook at nakita ko sa News Feed ko na si "babae" (iyong taong una kong nagustuhan) ay nag-update ng relationship status.

".... is in a relationship with kababayan niya"

Dalawang beses ko itong binasa at hindi nga nagkamali ang aking mga mata, talagang in a relationship na nga ang status niya.
Anong naramdaman ko? Syempre masakit pero nangibabaw ang gulat sa akin, gulat na hindi makapaniwala. Bumilis ang pintig ng dibdib ko na akala mo may mga tumatakbong elepante, daig ko pa ang kinakabahan. Sa sobrang gulat ko, tawa na lang ako ng tawa pero ganoon pala masaktan kahit hanggang pangarap mo na lamang siya - nakakatawa.
Subalit hindi pa ako nakuntento sa nalaman ko, dinalaw ko din ang Facebook ng kababayan niya at nakita ko sa wall nito na matagal na pala silang nagpapalitan ng personal na pagpapahiwatig ng halaga nila sa isa't isa (kung nauunawaan mo ako). Lalo akong nagulat sa nalaman ko.. siguro parang pinanguya ako ng bubog pero masaya pa rin ako. Ewan ko, ang gulo pero ganoon pala umasa, kahit hindi ka naman pinaasa, haha!
Ngayon ninanamnam ko pa ang mga bubog na nasa gitna ng bituka ko. Gayon pa man, kailangan ko ring lumakad na at umasang sana magiging masaya siya sa pinili niyang tao at desisyon. Wala naman akong magagawa kung ganoong klase ng tao ang gusto niya, ang tanging masasabi ko lamang sa gitna ng malinaw na salamin ay walang makapagdidikta sa kung sino ang para sa kanya, at ang pagiging masaya para sa kanya na lamang ang tangi mong maibibigay bilang isang kaibigan.
Saturday, December 15, 2012 | By: Klent

Ganoon talaga..

Minsan sa buhay ng isang tao ay darating iyong pagkakataon na kung saan maiisip mo na minsan may mga tao pala na sadyang dadaan lamang sa buhay natin subalit walang katiyakang sila'y mananatili bilang kaakibat natin hanggang dulo.

Minsan pala ang pagkakaibigan parang isang malamig na bugso ng hangin.
Minsan parang pampublikong sasakyan, maraming sasakay at bababa sa kahabaan ng byahe subalit iilan o walang tiyak na mananatili mula umpisa hanggang dulo.
Minsan parang laruang eroplano na masayang paliparin subalit nakakapagod habulin.
Minsan parang lobo na masayang hawakan subalit masaklap kapag napakawalan.
Minsan parang daloy ng tubig, mararamdaman mo subalit hindi mo mahahawakan.
Minsan parang waiting shed na panandaliang silong ng mga tao.
Minsan parang screw driver at turnilyo, may kombinasyon na hindi uubra sa dulo.

Siguro sadyang darating ang panahon na tanging sarili mo lamang talaga ang dapat mong pagkatiwalaan dahil walang katiyakan ang mga kaganapan sa pag-ikot ng buhay ng tao.
Friday, June 22, 2012 | By: Klent

Tae ang drama

Kaninang pag-uwi ko, humarap ako sa salamin. Matagal. Tinitignan ko ang sarili ko kung may itsura nga ba talaga ako. Hindi ko alam. Kaya ko lang ayusin ang buhok ko para magmukhang presentable pero kahit maayos man ito, hindi pa rin magbabago na tan ang kulay ko. Kung naging medyo maputi lang din ako.. sana kahit papaano masasabi ko na ring gwapo ako.
Tae ang drama, amp! Haha!
Tuesday, June 5, 2012 | By: Klent

Junior

Jun 13, first day of school bilang isang irregular 3rd year student. Irregular kasi mayroon pa akong mga pang 2nd year subjects na kinukuha. Kung itatanong mo pa kung bakit ako naging irregular, mahabang kwento pa iyon. 
Pero sa school namin, lalo na sa college namin, uso na ang umuulit ng subjects na binibigay per sem. Syempre bumabagsak pero hindi ibig sabihin noon, tanga lahat ng estudyante. Sadyang may mga professor lang talaga na ang hilig makipagkita sa mga estudyante niya sa susunod na semester. Maraming kwento, maraming spekulasyon, maraming hinala, maraming sabi-sabi tungkol sa 3rd year life ng college namin. Subalit ayokong manghusga agad nang hindi ko pa nasusubukan o nalalaman talaga. Mapalad iyong mga wagas na matalino at tunay na masipag sa college namin, sila iyong mga hindi na umuulit ng mga binigay na subjects at ibig sabihin wala silang bagsak. 
Ako bilang incoming irregular 3rd year(first timer) ng college namin, marami na akong nasaksihan at narinig na matatalino at magagaling sa klase na umuulit/bumabagsak sa mga 3rd year subjects namin. Bilang pag-iingat ko na rin dahil syempre ayokong umulit ng subjects at lalong ayokong magkaroon ng hindi magandang records sa grades, kailangan ko ng matinding sakripisyo.
Seryosong bagay ang pagsasakripisyo. Kung kailangan kong isakripisyo ang oras kasama ang mga kaibigan ko at sa paglilibang, gagawin ko matawid ko lang ng maayos ang mahirap na 3rd year life namin. Mahirap-halos lahat naman ng estudyante napapalaban kapag majors na eh.. pero sa kaso ng college namin, iba talaga. Hindi mo masasabi takbo ng utak ng mga professor namin subalit gaya nga ng sinabi ko kanina, ayokong mang-husga kung hindi ko pa naman nararanasan.
Malamang maraming masasaktan, maninibago at magbabago pero kailangan ko muna talagang magtiis, magtyaga, at magsipag sa mga majors ko. Sabi ng iba kumuha daw ng inspirsyon sa pag-aaral para lalong ganahan at lalong sumipag, ang sa akin lang, kailangan ko lang ng panahon na makapag-focus sa mahirap na parte ng pag-aaral ko sa pamamagitan ng pagsasakripisyo. Alam kong mahirap para sa lahat at hindi madaling tanggapin, pero alam kong kapalit naman ng konting sakripisyo ay mas mahabang nakagiginhawang paglalakbay para sa mga susunod na semester ng pag-aaral.
Tuesday, May 8, 2012 | By: Klent

Mighty Bond

Magaspang?
Makasarili?
Sarado?
Nagpapanggap?

Siguro hindi lang talaga gustong gawin. Tinatamad. Hindi, hindi lang ganoon kasimple iyon. Tiyak na marami pang ibang mas konkretong mga sagot at paglilinaw ang nagkukubli sa naguguluhang isipan. Subalit bakit mayroong takot sa pagsabi ng katotohanan at paglilinaw gayong wala namang balak na pagsabihan? Tiyak na hindi malinaw ang lahat.
Subalit kahit basag na salamin man ang tingnan, ibinabalik pa rin nito ang dapat ibalik. Hindi naman binabaliwala ang ganoong katotohanan subalit pinangungunahan ng nalason na dibdib ang isipan. Inaalipin nito kung ano ang dapat na katuwang sa mga bagay-bagay. Hindi pa rin malinaw ang lahat at nakabusal pa rin ang isipan. Matagal na itong gustong sumigaw subalit pigil at tikom ang bibig. Sadyang humanap lamang ng paraan upang kahit papaano ay maisiwalat ang katotohanan:

.Hindi lahat ng plano at mga mungkahi sa isang pangkat ng tao ay napag-uukulan ng atensyon.
.Tiyak na ang bawat isang suhestiyon ay para sa ikaaangat o ikabubuti ng nagsambit ng mungkahi.
.Walang isang mungkahi na kung saan makikinabang ang lahat. 

Subalit ang ibang nais sambitin ng bihag na isipan ay hindi na lubos na mahalaga at sa halip ay mga hinaing na lamang.

.Mahirap humarap sa isang laban kung saan halos ang lahat ay nakapagsanay na nang mabuti at ang isa'y bagong miyembro lamang.
.Hindi lahat nang nagtutungo sa giyera ay makikipagdigmaan para sa kanilang ipinaglalaban, ang iba ay labag sa kalooban.
.Ang tagumpay ng isang pangkat ay hindi lamang nasusukat sa husay sa pag-eensayo, dapat ding bigyang pansin  ang kasiyahan ng bawat kasapi sa paraan ng pag-abot sa tagumpay.


Sa huli, naisiwalat man ang katotohanan, bihag pa rin ng nalason na dibdib ang isipan at tiyak na nilagyan ng piring upang lalong mabulag sa katotohanan. Inaasahan din naman ng bihag na maaaring humantong sa pagkabulag at pag-iwas, o mas malala pa ang paglisan matapos maisiwalat an katotohanan.
Ano't ano pa man, ang isipan ay dinidiktahan pa rin ng nalason na dibdib at hangga't walang katiyakan ang mga bagay-bagay, tiyak na ikukubli nito ang isipan sa mga bagay na magbibigay paglilinaw sa lahat.
Sunday, April 29, 2012 | By: Klent

Labo-labo

Pahina nang pahina. Hindi na kasing liwanag gaya ng dati. Sino ba ang mag-aakala na aabot sa ganoon. Kaya pa kaya ang isang malaking kwarto? Tatagal pa kaya ito o maaupos din ang munting liwanag na nalalabi? Makayanan pa kaya nito pagdaan ng malakas na ihip ng hangin? Walang kasiguruhan pero nakasalalay mismo sa sarili ang tagal ng liwanag nito.
Subalit ano nang mangyayari kung pati ang munting liwanag ay maglaho na? Mahanap pa kaya ang gusot na papel sa loob ng silid? Maging kaaya-aya pa kayang tingnan at sulatan ang munting papel kahit na mayroong gusot? Subalit kahit lagyan ng pandikit, hindi na maibabalik ang dating malinis at maayos na anyo nito. May tagpi, may tahi, may tupi, may gusot, may lukot. Hindi ito gaya ng tela na kapag dinaanan ng plantsa ay magiging maayos muli. Itatapon na kaya ito o gagawan ng paraan para muling mapakinabangan?
At kung sakaling mapakinabangan man, magiging maayos pa kaya ito sa lahat ng klase ng panulat? Makakasalamuha ba ng lahat ng uri ng panulat ang papel na ito? Tiyak na may malinaw  at mayroon ding malabo, at mayroon ding hindi na talaga uubra dito. Mababasa pa ba ang nilalaman o hindi na pag-uukulan ng panahon? Maging katanggap tanggap pa kaya ang ito?

Walang kasiguruhan. Walang katiyakan. Magkakaroon lamang ng katiyakan kung susubukan ang mga tanong na naglalaro sa laman.
Monday, April 16, 2012 | By: Klent

Nakakaloko

Ang hirap mag-adjust.. lalo na kapag alam mong ang mahal mo..... umutot sa loob ng FX, haha! >:))


Seryoso na 'to, bilang isang estudyante, ang hirap mag-adjust mula sa pahinga mode papunta sa zombie mode kapag may pasok na ulit. Summer tapos may pasok? Oo, may pasok ako kasi may summer class ako, hindi dahil bagsak ako kundi dahil gusto kung mag-advance. Ang iba kasi iniisip na bagsak ang isang estudyante kapag nakarinig nang balita na mag-susummer class na kung tutuusin hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay ganoon.
Magsisimula ang summer term ko sa April 18, 2012 (Wednesday) hanggang May 25, 2012 (Friday). At kahit na isang araw na lang ang pagitan bago ako pumasok muli at maging estudyante na naman, hindi pa ako naghahanda ng kahit ano o kung ano man, as in walang pang paghahanda. Pero ang pinakamahirap gawin ay nag pag-aadjust. Halos lahat naman ng estudyante nag-aadjust kapag galing sa mahabang bakasyon pabalik sa kalbaryo ng pagpasok sa paaralan, pero para sa akin at bilang isang college student, ibang antas ng pag-aadjust na naman ang ibabalik namin mula sa pagpapahinga. Kung alam niyo lang kung gaano nakakapagod ang maging college student, haha! Pero sobrang sulit naman kapag nakapagtapos na, talagang determinasyon, sipag, tyaga at higit sa lahat, tiwala, at pananampalataya ang magdadala sa iyo sa tagumpay. :)
Thursday, January 26, 2012 | By: Klent

Downfall

Kahapon pa dapat ito kaso sobrang pagod at istres ako kaya natulog na lang ako ng maaga. ^_^

Nagkaroon kami ng long quiz sa major subject, namin Analytical Chemistry particularly Quantitative Analysis. (Hindi naman talaga siya major kundi prerequisite lang para sa major subjects namin sa susunod na taon kaya lumalabas na major na rin siya.) As usual, mahirap, haha! 7 main questions iyon at may mga sub-questionsa sa loob, basically puro computation siya, hehe.. Halos mahigit 30 mins. ko yatang tinitigan ang kalinisan ng papel ko tsaka ako nakaisip ng paraan para maglagay ng panggap na sagot at kunyaring solution, haha!
Nag-bell, wala akong gaanong nasagot, halo-halong giniling na emosyon ang nadama ko.. parang malungkot na parang ok lang.. parang timang.
Saturday, November 19, 2011 | By: Klent

Walang katiyakan

Nagpagawa ng first assignment ang prof namin sa Analytical Chemistry Lecture noong Wednesday (11-16-11) at dapat na ipapasa siya noong Friday. Mahaba at marami iyong pina-assignment niya. Sinulat ko lahat ng iyon sa notebook ko at isinulat ko din ang (1 whole sheet) - ibig sabihin intermediate pad. Sinimulan ko siyang gawin sa library ng school noong thursday sa scratch paper lang. Pag-uwi ko nang bahay, nag-finalize ako ng lahat ng mga sagot ko sa bond paper at inabot na ako ng 1am para matapos iyon pero hindi kinaya ng katawan ko kaya hindi ko nagawang tapusin, sa halip, sa mga breaks in between classes ko na lang tatapusin iyon. Kailangan ko na ring matulog kasi 7am pa ang klase ko kinabukasan. Pagpunta ko ng school kinabukasan (friday) nagtaka ako bakit wala pa iyong mga kaklase kong block section (ako lang irregular sa kanila). Nag-antay ako ng almost 30 mins. sa kanila pero hindi rin sila dumating kaya umalis na lang ako. Hindi rin naman nasayang ang oras ko dahil tinapos ko nga iyong assignment sa Ana.Chem (Analytical Chemistry) Lecture namin. 
3pm ang start ng klase namin, kasama ko na iyong mga kaklase ko sa subject na ginawan ko ng assignment. Napansin ko na halos lahat sila sa "1 whole sheet" nila nilagay iyong mga assignment nila kahit na ilan-ilan pa lang naman ang nakikita ko. Nag-isip ako pero hindi na maganda ang nararamdaman ko nang mga oras na iyon. Kapag ako lang ang naka-bond paper na magpapasa, hindi ko na lang itutuloy.. At noong oras nang pasahan ng assignment, ako nga lang ang may gawa sa bond paper kahit hand written naman, so hindi ko na tinuloy magpasa kasi alam ko din namang rejection at shame lang din naman ang aabutin namin ng papel ko. Ayun na, major frustration na ang aura ko noon, ni hindi ako makapag-isip ng ayos dahil sobrang dinibdib ko ang hindi ko pagpasa ng assignment ko. Nadagdagan pa ng fact na alam pala nilang wala iyong teacher namin kaninang 7 am (laboratory class kasi iyon, 3 hours). Sinabi sa akin ng katabi ko sa upuan na sinabihan niya pala daw ako. Ang nasa isip ko naman, iyong lecture iyon kaya lalong nagkanda gulo-gulo na lahat. Major frustration na, epic failure pa. Matapos ang klase naming iyon, kinuwento ko sa isa sa mga malapit kong kaibigan na irregular din ang mga pangyayari, ang mga frustration, ang mga failures, regrets at kung ano-ano pa na naramdaman ko matapos ang klaseng iyon.

Noong una, pumapako sa isip ko ang pagsisisi sa mga kaklase kong iyon, block section kasi sila, irregular lang ako, sadyang bitter lang ako. O 'di kaya'y sadyang ilag ang instinct ng isip at katawan ko sa kanila dahil may hindi maganda akong narinig sa kanila as a block section mula sa isang kaibigan ko.Noong mga panahong iyon, iyon ang naiiwan sa utak ko kaya nagkandaloko-loko na ang schedule at assignements ko noong araw na iyon. Pero sa kalaunan, matapos ang isang araw, naisip ko, ako pala ang mali. Una sa lahat, hindi sila involved sa personal na nararamdaman ko. Pangalawa, sinabihan niya (katabi ko sa upuan sa lecture) na mawawala pala iyong teacher namin sa lab noong friday kung saan hindi ko siya gaanong pinakinggan sa pag-aakala kong iyong lecture iyong mawawala sa amin ng isang araw. Ang point doon, hindi ako gaanong nakinig sa sinabi niya, sa halip binale wala ko lang iyon dahil siguro sa pagiging instinctive ko sa narinig ko sa kanila at sa hirap kong magtiwala. Sa assignemnt ko naman na hindi ko na pinasa, doon talaga ako sobrang na-bitter, as in sobrang apektado ako na kahit hindi ako nalulungkot, pinapatay naman ako ng bagay na iyon sa loob ko kakaisip. Pilit ko mang alisin sa isip ko iyon, sadyang bumabalik siya kaya nagiging masakit at mahirap sa lagay ko iyon. Pero kung tutuusin, ako din ang mali at nagkulang dahil hindi ko piniwalaan ang sinulat ko sa notebook ko na (1 whole sheet) kaya namali ako nang paggawa ng assignment. Noong una ayokong tanggapin na ako iyong mali pero sa katagalan nga, narealize ko na  nasa akin ang pagkakamali, hindi ako naniwala sa sarili ko at sa sinulat ko. Kulang ang pagtitiwala ko sa sarili ko at sa mga kakayahan ko kaya nagkakaganoon ang buhay ko sa klaseng iyon. Kahapon hanggang ngayon pinipilit kong hanapan ng positibong punto iyong pagkakamali ko, pero sa huli, bumabagsak sa wala dahil na rin siguro sa sarili kong pagkukulang. Nakakainis, nakakapanlumo, nakakalungkot. Sa ngayon, pampakalma na iyong, isang assignemnt pa lang naman at may susunod pa; bawi na lang sa mga quizzes at exams; galingan na lang sa susunod. Sana lahat ng iyan tumatak na sa akin sa katagalan ng panahon.
Saturday, September 17, 2011 | By: Klent

Wala, umalis, tulog

Ano ba pwedeng gawin? Marami akong options eh, 3..

1. magpaka depress ako sa bawat sasabihin at pakikitungo ko sa nanay ko

2. magretaliate ako at hindi ako magpatalo sa kanya

3. magpakamanhid at masanay sa ganoon ng ganoon


wala, umalis, tulog ang utak ko ngayon..
nakaharang sa pinto iyong dibdib ko, hindi makapasok iyong delivery ng dugo
kaya kung ano2ng katarantaduhan iniisip ko..

Tuesday, August 9, 2011 | By: Klent

pahinga -_-

gusto ko nang mahabang mahabang mahabang pahinga.. as in pahinga..

hindi ko gustong mamatay, lol!
at ayoko rin namang itigil ang pag-aaral ko kung gusto kong magpahinga..

lunes hanggang sabado kasi pasok ko at bitin ang linggo para makapagpahinga. Sa halip na pahinga pa nga, gagawa ka ng mga assignemnts, quizzes, projects, requirements, etc.etc. whew -_-

hindi na ako nakakatulog ng ayos
laging pagod
laging puyat
laging bitin ang tulog
hindi ko na nalilinis ang kwarto ko
hindi na ako nakakpagbasa ng Bibliya
at marami pang iba na gusto kong gawin,

pero higit sa lahat ang gusto ko naman ay magkaroon ng maraming oras para matulog.. umiiyak na ang katawan ko sa sobrang gusto nito ng mahabang tulog eh.. hehe..

pero naisip ko rin ngayon, ngayon-ngayon lang mismo, maswerte pa ako sa lagay na ito dahil mayroong mga taong sa pagtulog nila ay hindi na sila nagigising at mayroon din namang mga taong hindi na nakaktulog sa dami ng mga iniisip at inaalala. maswerte pa pala ako sa lagay na ito kaya hindi pala dapat ako complain ng complain. :)
Sunday, August 7, 2011 | By: Klent

Kinalakihang hindi dapat tularan

Noon pa man, hindi na kami malapit sa isa't isa ng tatay ko hanggang ngayon naman.. Nag-uusap naman kami pero walang personal na usapan, hindi pa kami nagawi sa ganoong usapan.
Ngayon bumabalik na naman siya sa dati niyang gawain, ang mag-inom, manigarilyo, at magsugal. Itinigil na niya iyan dati pero ang hindi rin umubra at ngayon nga ay nagbalik na naman siya sa datin niyang gawi..
Sabi nga ni mama, "kinalak'han na niya 'yan eh.." kung totoo man iyon, iyon ay masaklap na katotohanan.. Hindi ko alam kung anong problema niya bakit siya nagkaganyan, Christian pa naman siya.. ang purong motibasyon sa pagdidisiplina ay hindi uubra sa kanya.. Faith ang kulang sa kanya. Ang mga ginagawa niya kasing pamamaraan ay Self-help, ginagawa niya ang mga bagay nang sa sarili niya lang, na sa dulo, mabibigo din siya at babalik na naman sa dati niyang siya.
Kaya minsan nahihirapan akong irespeto siya eh.. kasi kung sarili niya nga hindi niya marespeto at kung ganyan ang mga kilos niya, parang ang hirap magpakita ng respeto sa ganoon. Nitong nakaraang araw nga, sa huli ko lang naisip na dapat hindi ko tinanggap ang binigay niyang pera sa akin pandagdag sa baon ko dahil naalala kong maaaring galing sa sugal iyon. Minsan hirap akong kausapin siya dahil sa mga kilos at pag-uugali niya. Nitong mga nagdaang araw nga, matapos manggaling sa opisina, sa sugalan ang punta, hindi nakakatuwa iyon. Mayroon naman siyang pinag-aralan pero ang pag-uugali niya parang hirap turuan, bumabalik at bumabalik sa dati. Kaya minsan ilag ako sa kanya, minsan hirap akong respetuhin siya, hindi ko maintindihan ang ugali niya at mga kilos niya, idagdag pang ipinapakita niya ang nakakababang pagrespeto ng mga kilos at ugali niya.
Gayon pa man, dahil ama ko siya sa dugo, ipinagdarasal ko na lang na sana dumating ang araw na mamulat siya sa mga kamalian niya bago pa man mahuli ang lahat. Ako naman bilang anak niya, hangga't maaari, hindi ko siya tutularan, gagawa ako ng sarili kong daan, malayo sa kanyang kinalakihan.
Wednesday, August 3, 2011 | By: Klent

Sapatos ko :(

Pati ang pinaka iingatan kong sapatos, napasok na rin ng tubig ulan.. :(
Iyong W. Brown kong sapatos na medyo me kamahalan ang presyo, ntatagusan na rin ng tubig kasi ramdam ko sa medyas ko kaninang umaga na medyo nabasa.. Napasukan na nga ng tubig iyong sapatos kong iyon.. Sobrang ingat ko pa naman doon kasi ang mahal noon at talagang magandang klase, tapos sisirain lang ng ulan.. whew. Nakakalungkot tuloy.. wala na akong maayos na sapatos, pati iyong pinaka iingatan kong black shoes nadali na rin ng tubig..
Wednesday, July 27, 2011 | By: Klent

:/

Ang kagandahan sa isang maliit na grupo, tropa o barkada, nabibigyan ng atensyon lahat ng miyembro.. Hindi tulad ng isang napakalaking grupo, ilan ilang lang ang nabibigyan ng atensyon at sa pagpapasya ng isa, susunod na lang ang iba dahil hindi rin naman sila makaporma dahil sobrang dami nga..

Buti pa sa Tropang Oasis, sobrang mahal namin ang isa't isa bilang magkakapatid at lahat ng boses, tinig, hinaing, saloobin, o damdamin namin ay napapakinggan. Walang nagmamagaling, walang nagsusunod sunuran. Pantay patany kaming nagmamahalan bilang tropa.
Hindi tulad sa mga kaklase ko noong high school na sa sobrang dami namin ay hindi na nabibigyan ng atensyon ang bawat isa, bagkus kung sino lang na magaling, marunong at madalas at ma-boka ang nangunguha ng atensyon ng karamihan, hindi na napapakinggan ang mga muntig tinig na mayroon sa paligid. Madlas, kapag masyadong marami, hindi na natutupad ang pinaka rason ng pagkikita kita o pagkakamustahan.. nauuwi rin naman sa pilian, hindi rin nabibigyan ng pagkakataon ang iba na magsalita..
Monday, July 25, 2011 | By: Klent

bitter lang siguro ako ngayon

in relation to previous post

Iba eh..

Wala akong pakialam sa kung sino man ang makabasa nito.. gusto ko lang alisin ang gumugulo sa nagwawala sa loob ko.. May exam ako bukas, maaga pa pasok ko pero magpapahayag pa rin ako..

Mahirap malayo sa mga masasayang katropa.. lalo na't kaclose mo na..
Iba talaga kapag sila ang kasama, tawanang walang sawa..
Marami akong iba pang tropa, pero sadyang sila ay naiiba..
Sa kanila ibang saya ang nadarama, unique ika nga nila..

Ewan ko.. nagkaroon naman kami ng bonding ng mga kaklase ko noong High School (4-Einstein Pioneers SHS) pero parang may kulang, parang may kakaiba.. hindi ko maintindihan, hindi ko maunawaan, ako'y nahihiwagaan.. Ewan ko, hindi ko alam, parang kulang, parang hindi kumpleto, parang hindi isandaang porsyentong masaya.. Nandoon ang presensya ng bawat isa pero sa akin parang may kulang.. Parang may hindi ako maintindihan..

Ngayon naman dahil irregular ako pero may section ako sa Major Subject namin sa Med.Tech, sila na siguro ang ituturing ko na other group na "nakikita/nakakausap" ko lang kapag Majors namin.. Kasali rin ako sa groups nila kasi para sa mga announcements and assignments.. Nababasa ko ang mga posts ng mga trip/gala, at kung ano-ano pang bagay na pwedeng pagsaluhan ng mga tropa sa kanila.. Mga bagay na pinagkatuwaan, mga pangyayari, experiences nila.. Sa isang banda sa organ sa dibib ko, may kulang.. may hinahanap hanap..

Hinahanap hanap ko iyong pakiramdam na nakakatawa ako ng walang bukas, nakakatawang walang pakialam sa mundo, at higit pa doon, nakakatawa ako na kasama sila..
Syempre hindi mo lubusang nauunawaan ang sinasabi ko dahil hindi naman ikaw ang nasa lagay ko.. sadyang miss ko lang sila.. iba kasi ang pakiramdam talaga kapag sila ang kasama ko.. "wala kaming pakialam sa mundo" kapag sila ang kasama ko.. ibang iba talaga.. basta, iba, MALAYA KAMING NAGTATAWANAN, masayang-masya na parang walang bukas.. hindi iniintindi ang paligid, bagkus sa amin-amin lang naktuon ang atensyon ng bawat isa.. Sobrang miss ko na sila..
Sunday, July 24, 2011 | By: Klent

Parang ang bilis lang..

Nitong mga nagdaang araw, parang ang daming pangyayari ang hindi ko namalayang dumaan sa buhay ko..

parang ang daming kaganapang hindi ko naitala o naisulat para man lang maalala o bilang pabaon..
subalit kung itatala ko man, hindi rin magiging maganda ang magiging bunga nito..
karamihan sa mga ito ay hindi magagandang pakiramdam, emosyon, at karanasan..
mas makabubuti pa nga sigurong hindi ko na sila naitala at muling maalala pa..

ang emosyon nga naman, parang hangin lang..
nandyan, dadaan sandali, maya-maya'y mawawala, mapapalitan
minsan pa parang bato, wala kang maramdaman, hindi sa manhin o kung ano man
kundi sadyang wala ka lang emosyon sa naturang pangyayari o pagkakataon
palibhasa'y nakatuon sa mga gawain kaya hindi na mabigyang pansin ang mga ito..

gayunpaman, mabuti na rin iyon dahil hindi rin naman ganoon kaganda, ang mga kaganapang nagdaan
hayaan na lang tangayin, sa hangin ay anurin..
hayaan na lang maglaho, nang sa gayo'y hindi na manggulo..
Friday, July 8, 2011 | By: Klent

May naalala lang ako..

Kapag ako naglalakad o may pupuntahan or bibilhin, minsan hindi ko naman kailangan ng kasama. Sapat na sa akin iyong mag-isa lang ako para walang inaabala.

Pero most of the time hindi ganoon, noong lumipat ako sa CEU, sabi ko noon, mas gusto kong mag-isa para walang inaabala o iniisip. Patagal nanag patagal, namimiss ko na ang may kasabay, may kasama, may kausap, may katawanan at kung ano pang advantages ng may kasama.

MInsan nakakalungkot lang umuwi kasi mag-isa lang ako lagi sa byahe.. pero ganoon talaga, that's life.. Makakapag-adjust din soon, hopefully.
Sunday, July 3, 2011 | By: Klent

pitik

Napapadalas ang psots ko nang lablayp dito ah.. lul.

Huh?

Mahirap iexplain.. hindi ko alam.. ewan, haha!

Hindi naman kasi ako nagmamadali sa ganyang bagay.. kewl!

Sabi ko pa nga noon IDC (wala akong paki) sa mga ganyang bagay.. hindi iyan ang priority ko..

pero bakit ganun? minsan parang may pitik. pitik na hindi ko maexplain.. pitik na nagsasabing gusto mong maramdaman ang isang espisipikong pakiramdam..

para bang kakaibang feeling na hindi mo pa nararamdaman noon.. parang iba.. basta iba..

minsan, mga 5% siguro.. minsan pero sobrang minsan, tumatama sa akin iyong pitik na iyon.. na parang gusto ng iba sa tipikal na araw-araw.. sa tipikal na nakakasalamuha.. sa tipikal na nakakusap.. pero anyway, hindi ko naman talaga priority iyang pitik na iyan at wag na sanang lumago pa.. okay? whew.. mahirap na..
Thursday, June 30, 2011 | By: Klent

If I am to comfort myself..

I am here..

I can give comfort advises..

I will not speak of you do not want..

I will talk to you if you need someone to talk to..

I can just wait..

I am wiling to listen patiently to you..

I am willing to be quiet..

I am here.. will not leave you until you're OK.

I am not a joker.. but I can be with you as long as you want..

I can leave if you want to..

Yet, I could not stop caring for you no matter how far I am..

I'm here.. I'm here..