Saturday, September 17, 2011 | By: Klent

Wala, umalis, tulog

Ano ba pwedeng gawin? Marami akong options eh, 3..

1. magpaka depress ako sa bawat sasabihin at pakikitungo ko sa nanay ko

2. magretaliate ako at hindi ako magpatalo sa kanya

3. magpakamanhid at masanay sa ganoon ng ganoon


wala, umalis, tulog ang utak ko ngayon..
nakaharang sa pinto iyong dibdib ko, hindi makapasok iyong delivery ng dugo
kaya kung ano2ng katarantaduhan iniisip ko..



nakakainis lang.. alam kong magulo isip ko ngayon kaya hindi ako makapagdesisyon ng ayos.. hindi ako makaisip ng tama at mali.. alam kong may mali ako pero ayaw tanggapin ng sistema ko ang mali.. error daw.. tae mali na lang, ineerror pa.. paano pa kaya ang tama?

iniwan ko lang ang twalya sa upuan sa sala bago ako pumasok sa skwelahan.. hinanap ko ngayon sa ate ko, hindi ko naman tinatanong nanay ko nagalit agad sa akin, tinanong ako kung saan ko daw ba iniwan.. sinabi ko sa upuan.. pero sinabi sa akin ng kapatid ko kanina na sa kanya daw iyong twalya na nakasampay sa kwarto niya at sinabing nasa likod ng bahay namin iyong akin... tinanong ko iyong ate ko upang manigurado.. ang dating pinagalitan pa ako ng nanay ko hindi naman siya ang kausap ko..
alam ko ako ang mali pero ayaw tanggapin ng sistema ko ngayon.. badtrip..

nagpapalamig muna ako ngayon.. may bahagi pa rin naman ng sistema ko na gumagana at maayos pa.. nadadaluyan pa ng dugo kaya nananatili itong nasa wisyo.. kinakalma nito ang kabuuhan ng sistema kong walang pahinga at nagwawala..  alam ko pa rin naman na walang tamang gawin diyan sa tatlong iyan, salamat sa sistemang ito na nananatiling maayos pa.. buti na lang.. konting palamig lang, sana maayos ang buong sistema ko..

BV

3 comments:

Gillan ;) said...

chill badzy stress ka yata..

Klent said...

haha, minsan bv tlga.. hehe..

Gillan ;) said...

yeah nararamdaman ko din yan badzy di ka nag-iisa ang lagay lang ehh sa ninang at tita ko nababaling kasi waley naman di dear mother dito :))

Post a Comment