Wednesday, October 26, 2011 | By: Klent

Ngayon din mismo naisip ko..

Habang sinusulat ko ang mga nais kong sabihin sana sa kapatid ko, naalala ko ang kasabihang "kung ano ang sinasabi mo sa ibang tao ay ganoon ka". Noong una, iniisip ko lang ang mga pagkukulang nang kapatid ko sa mama ko.. mga bagay na hindi maintindihan nang anak sa magulang niya.. Subalit sa kabilang banda, nang patapos na ako.. naisip ko ang relasyon namin ng tatay ko.. hindi rin pala ganoon kastable..
May mga puntong sumasapol sa akin sa kung ano ang sinulat ko sa kapatid ko.. Ou, hindi ko gusto ang karamihan sa ugali niya.. pero minsan kong sinabi sa nanay ko na "hindi ko naman iyan tatay eh" pero pabiro lang.. Gayonpaman, hindi maipagkakailang tumatak iyon sa isip ng nanay ko, mga katagang hindi niya maiisip na nanaggaling sa akin.. Miski sa akin din naman, hindi ko makalimutan ang mga sinabi kong iyon, kaya nga laging nasa huli ang pagsisisi eh.. Kahit na hindi ko naman talaga literal na pinagsisihan iyong mga sinabi kong iyon o hindi ko naman gustong bawiin, sadyang tumatak sa isip ko iyon dahil siguro noong mga panahong iyon, tulog ang brain cells ko na nagfufunction para sa normal thinking.. hindi biro lang. xD
Pero naisip ko din naman na kung hindi ko man gusto ang ugali niya, atleast respetuhin ko naman siya bilang siya at bilang aming ama.. Naisip ko rin naman kasi (ngayon-ngayon lang) puro flaws, puro mali, puro pagkukulang, puro sama ng loob ang naiiisip ko sa tatay ko.. pero hindi ko naisip agad noon ang mga simpleng bagay na ginagawa niya sa amin.. bilang isang ama, bilang isang haligi ng tahanan.
Hindi ko agad naisip na sa simpleng pagbuhay niya sa amin sa araw-araw, naipapadama niya na ang pagpapahalaga sa amin..Mga "extrang" bagay gaya ng luho na ibinibigay niya sa amin kahit hindi naman ganoon kaimportante.. at higit pa doon ang pagmamahal niya sa amin bilang ama.. Alam kong hindi expressive ang mga kalalakihan subalit sa mga bagay na ginagawa nila para sa mga taong mahalaga sa kanila, makikita mo kung paano sila magparamdam sa mga mahal nila sa buhay.. Naisip kong ang mga kilos pala bilang expresyon ay mauunawaan sa mas malalim na pang-unawa at pag-iisip.. xD

Bakit ganyan ka?

Bakit ganyan ka? Madalas nakasimangot, hindi maintindihan ang uglai, kung anong gusto, kung anong hinaing?
Bakit ganyan ka? Ibinibigay naman sa iyo ang lahat ng gusto mo sa abot ng makakaya nina mama at papa pero bakit ganyan ka pa rin?
HIndi mo ba naisip na sa bawat pagsimangot mo, nalulungkot at nababahala si mama sa iyo? Hindi mo ba naisip na sa bawat pagsimangot mo, hindi lubos maisip ni mama kung anong iniisip mo, idinaramdam mo o ikinamumukmok mo?
Hindi mo ba naisip na kahit pagod sila mama at papa sa opisina pinipilit pa rin nilang magkaroon ng oras para sa atin dahil anak nila tayo..
Sa bawat pagsimangot at pagmukmok mo, sinasaktan mo ang damdamin ni mama.. Lahat binibigay nila para mabigay lang ang gusto mo at huwag kang sisimangot o ayaw niyang makita kang malungkot tapos ganyan ang ginagawa mo?
Thursday, October 13, 2011 | By: Klent

Minsan lang..

Sa totoo lang, ayokong nagpopost ng mga bagay na may kinalaman sa "pag-ibig" kuno.. Ewan, sadyang medyo bitter, haha! Hindi biro lang.. Normal naman sa tao ang magmahal (akala mo ang dami kong alam) pero diba totoo naman.. Mayroon nga lang tayong kanya-kanyang perspective dito..

Minsan gusto kong sabihing mahal ko siya pero para sa akin.. parang may hindi sapat.. parang may inappropriate.. Naisip ko, bata pa ako, kami, para isipin ang mga ganyang bagay, mahaba pa ang byahe para mag-settle down.. Marami pa naman talaga akong makikilalang tao sa buhay ko (lahat naman tayo actually) kaya mahirap mag-conclude, mahirap lumagay.. walang kasiguraduhan.. Bukod pa doon, nag-aaral pa ako, siya, tayo... wala pa akong kayang patunayan sa sarili ko at dependent pa ako sa parents ko.. Sarili ko pa lang ang kaya kong panghawakan, minsan nga sumasablay pa sa mga responsibilidad eh.. paano pa kaya sa hinaharap at sa totoong buhay pamilya? And lastly, para sa akin, a God given relationship is a true and real relationship.. kasi kahit paghiwalayin man kayo ng mga bagyo at alien sa kung saan-saang lupalop, kahit sino pa man ang pumorma sa kanya, at kahit sino pa man ang makita ko, kung kami talaga, hindi magbabago ang mararamdaman ko para sa kanya at kung itinadhana talaga kami ng Diyos sa isa't-isa, eh di "perfect!" :)

Saturday, October 8, 2011 | By: Klent

Karapatan ng mga Bus Driver at Konduktor

Minsan kong nausisa at naisip kung paano pinapasweldo ang mga driver at konduktor dito sa Pilipinas. Naiintindihan ko naman na ang iba sa kanila ay nakikibahagi, nakikiporsyento, o nakiki-boundary lamang mula sa mga operator nila.
Hindi na nakapagtataka kung bakit talaga namang agawan ang mga driver at konduktor sa mga pasahero. Kung ako tatanungin hindi naman talaga dapat uso ang standing sa bus o di kaya, kung mag-iistanding man, kung sino lang ang may gusto. Ang nangyayari kasi ngayon, nagkakaroon na ng agawan sa pasahero, pinipilit pang makarami sa sobrang pagpapasakay ng pasahero sa bus kahit talikuran na ang standing. 
Ang kalusugan din ng mga driver at konduktor ng bus, minsan ay napapabayaan na dahil sa kayod kalabaw na ginagawa nila para lang kumita ng malaki kahit na minsan ay sobrang kulang na ang tulog nila. Ang mga pangyayaring ganito pa ang minsang nagiging sanhi ng mga aksidente sa kalsada, sa halip na kumita, makukulong o di kaya naman ay mabawian pa sila ng buhay. Naalala ko noon, nasa Vito Cruz iyong bus na sinasakyan ko papuntang Maynila, mayroong isang matanda na nasa 55 pataas (yata) ang edad na sumakay ng bus at nanghihingi ng konting tulong. Sinabi niya na driver daw siya nang isang bus company at ginagawa niya na daw iyon (ang panghihingi ng tulong) dahil sobrang kulang daw ang kinikita nila sa kanilang pamamasada. Ayaw niya daw matulad sa isang kasmaahan nila na matapos maaksidente ay wala man lang daw natanggap na tulong, pensyon, benefit, o kahit philhealth man lang daw mula sa operator nila. Maaaring huwad, peke o raket lamang iyon ng matanda, pero hindi maaalis nag katotohanang may mga operator nga na hindi man lamang magbigay ng konting benepisyo sa mga driver at konduktor nila na nagpapakapagod sa maghapon sa kalsada para sa perang natatanggap nila. Sadyang kahabag-habag ang sinapit ng driver na iyon kaya naisip ko na baka ganoon din ang sistema ng ibang operator ng iba't ibang bus company sa mga driver at konduktor nila kaya kung ano-anong hirap sa kalsada ang hinaharap ng mga driver, konduktor, at maging ng mga pasahero sa araw-araw na pagbyahe.

Nakabalik din..

matapos ang ilang buwan na pagiging abala sa apg-aaral, salamat naman at nakabalik pa ako dito sa blog ko.. haha!

makakapag post na ulit ako ng maayos pero depende pa rin sa mood ko, haha!

balak kong magpaka-feeling fit ngayong bakasyon.. ay mali, sembreak, pala! haha!ano iyon?

magbibike ako every morning,
mag eexcercise
mag sstretchings
etc, etc..
haha!

sana maacomplish ko lahat ng iyan haha! minsan kasi katamad eh,, haha! talo ang willpower, haha!