Showing posts with label LITRATO. Show all posts
Showing posts with label LITRATO. Show all posts
Tuesday, July 10, 2012 | By: Klent

It was a success.

Simula nang mag third year college ako, may subject kami na Clinical Chemistry (BS Med.Tech po ako) at isa sa mga skill na dapat naming i-train ay ang pag-extract ng blood. First few tries puro fail ang kuha ko. Isang beses na nangyari, graded iyon at semi-failed ang nagawa ko, hindi ako fully nakapag-extract ng blood. 
Kinalaunan sa ibang araw, nalungkot, nafrustrate ako. Hindi ko magawa, hindi ko kaya. Noong mga panahong iyon, na pressured ako. Kailangan kong maka-extract ng blood kasi requirement, kasi may grade, kasi peer pressure. Sobrang nadepress ako noong mga oras na iyon.
Pero noong mamulat ako, nagdasal ako, sabi ko para kay Lord ang gagawin kong ito. Wala na akong pakialam kung hindi man ako pumasa sa practical sa school, kung hindi man nila makita na nagawa ko. Ang sa akin lang, mahalaga, magwa ko ito para kay Lord to give Him the glory. Iyon na ang naging mind set ko nitong last few days at sa awa ng Diyos, nagawa kong makapag extract ng blood. :D TO GOD BE THE GLORY! ^^


Thursday, May 31, 2012 | By: Klent

Kojie =)

Mayroon kaming aso, halong Japanese Spitz at Pomeranian. Nabili namin siya sa isang online buy & sell store mula sa magkapatid na Filipino-Chinese. Ang pangalan niya ay Kojie.

Friday, April 27, 2012 | By: Klent

IMBAha

Thursday, April 26, 2012, paalis ako sa bahay namin pasikat pa lang ang araw. Lagi ko kasing tinitingnan ang langit bago ako lumayo ng bahay namin para makita ko kung uulan o hindi. Kung sakaling uulan, makakabalik pa ako ng bahay para kunin ang payong ko (dahil tamad akong magdala ng payong ngayong summer) o kung hindi naman, didiretso na ako papasok ng skwelahan. Standing sa bus, hindi na bago sa akin iyon. Pagdating sa Baclaran, nakaupo na ako at naisipan kong umidlip. Nagising ako sa may kahabaan na ng Taft Avenue. Napansin ko, may mga patak na ng ulan sa bus, hindi ko gaanong pinansin iyon dahil baka hanggang ambon lang, pero sa loob ko nakaramdam na ako ng kaba kasi wala akong dalang payong at ayokong mabasa, lalo na't papasok pa lang ako ng skwelahan.
Wednesday, February 15, 2012 | By: Klent

double treat :D

Isang beses nagpunta ako ng National Bookstore sa SM Manila, pero matagal na iyon, mga November pa yata, para bumili ng bagong libro ng isa sa paborito kong author na si Eros Atalia, iyon ay ang "Wag Lang Di Makaraos."
Sobrang nakakaloko itong libro niya, iyon bang malupit pero kapag ini-spell "astig." :)) Sulit ang bili ko sa librong ito kaya naman, nag-aabang pa ako ng susunod niyang libro. :)

Monday, January 30, 2012 | By: Klent

Abala na taping 'yan..

Re: Malupit na Monday

Habang tumitingin ako sa News Feed ng Facebook ko, nakita ko na nag-share iyong kakilala ko ng picture ng taping kanina sa Buendia. Binuksan ko iyong picture at nalaman kong hindi ito shooting or taping ng Bourne Legacy o kung ano mang Hollywood Film kung hindi taping lang pala ng bagong palabas ng GMA 7 na "My Beloved".

Nakakinis kasi iyong pang-aabalang ginawa nila ng biglaan, at kung titingnang maigi, lunes na lunes pa.. sana ginawa na lang nilang Friday or weekends man lang. Halata namang maraming naabala, halos karamihan ng mga comment doon sa picture ay nagsasabing naabala daw talaga sila. 

Ito nga pala iyong larawan mula sa internet:

Image source:

Wednesday, August 17, 2011 | By: Klent

CavitEXTRANDED >:( :| :))

Kahapon naman, pauwi na ako at ang nasakyan kong bus ay Richford Bus Lines (B.N. 1034) a.k.a. Ariel Express. Maliit na bus lang siya na naglalaman ng maximum seating capacity na 37 passengers. Astig ang turbo aircon nito na sobrang lakas at pati ang upuan nila, masarap sa likod. Ok naman ang byahe namin mula Lawton hanggang Coastal Road, seating capacity ang bus at may mga nasa sampo yata na standing na pasahero. Nasa kahabaan na kami ng Cavitex nang biglang may pumutok at nagpagiwang-giwang ang bus namin at naghiyawan ang mga pasahero, lahat iyan mabilis na nangyari. Buti na lang naitabi ng ayos ng driver ang bus namin, kung hindi baka tumipalon kami sa dagat sa Cavitex, mangyayari pa niyan, titilapon pa kami sa dagat sa Cavitex, bale 2nd accident sa skyway (kuno) iyon, haha! Kasi kwento (narinig ko lang) nung isang pasahero na nasa bandang unahan siguro (sa gitna kasi ako nakaupo lfet window side, 2x2 seats lang ang buong bus), nung pumutok iyong gulong ng bus (front right side), pilit daw ang kabig ng driver pakaliwa kasi kung hindi niya ginawa iyon, malamang tumilapon na nga kami sa dagat.
Thursday, August 11, 2011 | By: Klent

Koleksyon

Collection of Bus Tickets from July 9, 2011 - August 9, 2011

From upper left to lower left (clockwise direction): D.C. Perillo Liner ticket; Dakicyn JONCY ticket; MONDE Lines ticket; Erjohn & Almark ticket (white); San Agustin/Saint Anthony ticket; Villena Bus Lines (Jethro Liner) ticket; Saulog Transit Inc. ticket; RRCG Transport ticket; G-Liner ticket; AAB Bus Lines Inc. ticket; unknown ticket (familiar only - but now I know it belongs to the Villena Bus Lines (Jethro Liner)); Cavite Batangas Transport Service Cooperative ticket; EHV Liner ticket; STAN Liner ticket; more unknown tickets (?); Green Star Bus Company Inc. ticket
Saturday, August 6, 2011 | By: Klent

Imba bagyo A/C, haha!

Sumakay ako sa Saint Anthony of Padua 88045 papuntang SM Bacoor galing SM Manila kasi mayroon kaming munting salo-salo ng mga kaibigan ko noong High School. Nakaupo naman ako kaso sa left side dulo pero ok naman ako doon. Ang AirConditioning system nila ay ok naman, mararamdaman mo talaga kahit itapat mo lang ang kamay mo sa direksyon ng hangin, malakas naman.
Sa katagalan ng byahe, bago pa man mag-Baclaran puno na iyong bus, sobrang standing pa nga eh.. Nasa flyover na kami sa Baclaran nang biglang lumakas nang ga-bagyo ang aircon, as in malakas talaga, iyong tipong parang bagyo sa hangin at lamig iyong aircon nila, astig nga eh.. hehe.. Siguro sinagad nang bus driver iyong aircon kasi hindi kayang i-accommodate ng basic cool iyong dami ng tao sa bus kaya nilakasan, pero sa katagalan ng byahe, parang binabaan niya yata ng konti kasi medyo humina iyong tunog ng makina ng aircon pero malakas pa rin naman. Sarap sana ulit sumakay diyan. :))

litrato kinuha dito
Tuesday, August 2, 2011 | By: Klent

School Bus

Umaga pa lang, malakas na ang ulan sa Maynila. Ang UST daw ang unang nagsuspend ng klase at sinundan na ng iba pang mga unibersidad, pamantasan, at mga kolehiyo. Ang school namin na pa-astig kunyari, ayaw pa ring magsuspend ng klase. Buti na lang binalita na rin sa tv na wala na rin kaming klase pero medyo late na kaya naman kinatanghalian, pina-suspend na rin ang klase namin. Bumili lang ako ng makakain sa daan at sa bahay na ako mag-lulunch. Sakto namang sa SM Manila mayroong nang Ariel Express pero Richford Bus Lines 1039 ang nakasulat sa livery, gayon pa man, iisa lang naman may-ari noon at mahalaga, nakasakay na ako ng bus pauwi sa amin. 
Trapik na nang makaikot at makalabas ng PNU, TUP kanina iyong bus na sinakyan ko pauwi at sa kahabaan ng Taft Avenue, nagkalat ang mga estudyante na nag-aabang ng masasakyan pauwi sa kabila ng pagbabaha sa Maynila kanina, hehe.. buti na lang sa pinaka-unahan ako nakaupo kaya kitang kita ko ang mga tao sa labas. Halos ang nagparami sa sakay ng bus ay mga estudyante eh, haha, puro malalapit lang din naman ang mga bababaan. :)) Pero puno pa rin ng pasahero kaninang tanghali kasi naipit ang mga bus na Cavitex pauwi at naglabasan pa ang mga estudyante, sabayan pa ng mga tao sa Baclaran kaya fully loaded din kami kanina at maraming standing din.

pinaghugutan
Monday, August 1, 2011 | By: Klent

Hahahaha!!

nakakatuwang makita sa internet iyong 3 beses ko nang nasasakyan na Saulog: Saulog Transit Inc. 71762 (pangatlo kaninang pauwi ako) na halos mamukhaan na ako ng konduktor. xD

sa bus kanina pag-upo ko..
Ako: (kumukuha ng pamasahe)
konduktor: "gahak?"
ako: (nagulat) "gahak po, estudyante"

parang nahulaan na nang konduktor kung saan ako bababa eh.. siguro namukhaan ako dati.. xD

SAULOG TRANSIT INC. 71762

pinagkuhaan ng mga litrato:
Tuesday, July 26, 2011 | By: Klent

Usapang bus tayo..

Wala rin, haha! Kinain ko din iyong mga sinabi ko na hindi na ako sasakay ng Edmond Lines. xD (Airconyari)
Bakit kamo? paano ba naman, two consecutive days (Monday, Tuesday) nang nasasakyan ko ito papasok.. Alanganin namang mamili pa ako ng bus na sasakyan ko papasok, eh di nagkanda-late late naman ako.. Kailangang ibaba ang pride at sumakay na lang talaga kung ayaw malate. Sa kabutihan naman, ang nasasakyan ko namang units nila ay mga bago gaya nito..
Tutal nasabi na rin naman ang mga bagong bus units, and Edmond Lines yata ay may KIA GRANBIRD unit (structure ng bus) gaya ng nasa itaas, 2x2 seating arrangement with Air Suspension (see Google). Ok naman ang AirCon ng bus, siguro dahil bago pa kaya ko nasabing ok pa at malamig naman sa loob. Kahit na 2x2 seaters lang siya, maluwag iyong space na ma-oocupy ng isang nakaupo.. iyon bang space na mayroon ka kapag nakaupo ka na sa bus, both space sa gilid at harap, pwede ka na ngang mag-dekwatro eh o kaya mag slouch.. :))
Monday, July 25, 2011 | By: Klent

Iba eh..

Wala akong pakialam sa kung sino man ang makabasa nito.. gusto ko lang alisin ang gumugulo sa nagwawala sa loob ko.. May exam ako bukas, maaga pa pasok ko pero magpapahayag pa rin ako..

Mahirap malayo sa mga masasayang katropa.. lalo na't kaclose mo na..
Iba talaga kapag sila ang kasama, tawanang walang sawa..
Marami akong iba pang tropa, pero sadyang sila ay naiiba..
Sa kanila ibang saya ang nadarama, unique ika nga nila..

Ewan ko.. nagkaroon naman kami ng bonding ng mga kaklase ko noong High School (4-Einstein Pioneers SHS) pero parang may kulang, parang may kakaiba.. hindi ko maintindihan, hindi ko maunawaan, ako'y nahihiwagaan.. Ewan ko, hindi ko alam, parang kulang, parang hindi kumpleto, parang hindi isandaang porsyentong masaya.. Nandoon ang presensya ng bawat isa pero sa akin parang may kulang.. Parang may hindi ako maintindihan..

Ngayon naman dahil irregular ako pero may section ako sa Major Subject namin sa Med.Tech, sila na siguro ang ituturing ko na other group na "nakikita/nakakausap" ko lang kapag Majors namin.. Kasali rin ako sa groups nila kasi para sa mga announcements and assignments.. Nababasa ko ang mga posts ng mga trip/gala, at kung ano-ano pang bagay na pwedeng pagsaluhan ng mga tropa sa kanila.. Mga bagay na pinagkatuwaan, mga pangyayari, experiences nila.. Sa isang banda sa organ sa dibib ko, may kulang.. may hinahanap hanap..

Hinahanap hanap ko iyong pakiramdam na nakakatawa ako ng walang bukas, nakakatawang walang pakialam sa mundo, at higit pa doon, nakakatawa ako na kasama sila..
Syempre hindi mo lubusang nauunawaan ang sinasabi ko dahil hindi naman ikaw ang nasa lagay ko.. sadyang miss ko lang sila.. iba kasi ang pakiramdam talaga kapag sila ang kasama ko.. "wala kaming pakialam sa mundo" kapag sila ang kasama ko.. ibang iba talaga.. basta, iba, MALAYA KAMING NAGTATAWANAN, masayang-masya na parang walang bukas.. hindi iniintindi ang paligid, bagkus sa amin-amin lang naktuon ang atensyon ng bawat isa.. Sobrang miss ko na sila..
Tuesday, July 12, 2011 | By: Klent

Harurot at Bida Ka Na Naman

Joncy noong monday 7-4-2011

aun.. matagal na dapat ito eh.. July 4, 2011, lunes yata nang maaga akong makauwi nang bahay. Nakakatuwang pagtawid ko ng kalsada ay may bus na byaheng Cavitex agad, un nga lang JONCY (ang bus na lungga ng mga ipis). 

2x2 seaters lang iyon at nakaupo ako sa 2nd row left window side ng bus.. Ok na sana noong nasa lawton pa kami eh.. maya-maya may tumabi sa aking babaeng estudyante ng PWU (Philippine Women's(?) University). Sa akin ok lang.. walang kaso as long as hindi ako nakakaistorbo at ganun rin siya.. Maya-maya sa tapat (as in tapat) ng upuan niya, may gumagapang na ipis. Tinalsik/hinampas niya ito gamit iyong cardboard na dala niya at tuluyan na ngang nalipat sa ibang dimensyon ng bulok na bus ang ipis. Maya-maya, doon sa kinauupuan ko, sa may pader ng bus na iyon, may mga singit singit na sira.. Kasalukuyang akong kumakain ng SkyFlakes nang mapansin ko may mga naggagapangan nang mga ipis sa sahig at naglalabasan na sila sa mga singit-singit ng bus. Napilitan akong lumipat nang kinauupuan, sa 4th row left aisle side at doon na ako medyo naging komportable ng upo, hindi na baleng mabangga bangga ng tao as long as huwag lang katabi ang lungga ng mga ipis. x(
Wednesday, June 8, 2011 | By: Klent

Tara nood!! :))

Nood tayo ng Ligo Na U Lapit Na Me ni Sir Eros Atalia :)


'eto ang pinakalibro na pinagkuhaan ng movie, love story/sexy indie film :)

heto naman ang movie verson nung libro :))

Gaganapin siya sa CCP within certain dates from July 17-23, 2011. here's the link -->  http://pinoyindiefilms.blogspot.com/
Monday, June 6, 2011 | By: Klent

Day 28 - A picture of you last year and now, how have you changed since then?

Haha! Ako noong 2010 at ngayong 2011, wala namang gaanong changes, lol, haha!

Ako ito noong last year lang :))

Ako naman ito ngayong taon na ito, hihi.. xD

MINSAN NA LANG MAGLAGAY NG PIC SYEMPRE KAILANGAN IYONG MAAYOS NA NO?! HAHA! Wala namang malaking pagbabago sa akin noon at ngayon in terms of physical attributes pero qng inner attributes, meron naman. xD

Friday, May 27, 2011 | By: Klent

Day 16 - Another picture of yourself baby pic! (nung Wednesday pa dapat ito)

delayed ang day 16 ko kasi tinamad akong maghanap ng baby pictures, un naman pala meron na ako nun sa folders ko sa pc kasi nagscan ako para sa project namin dati.. haha!

anyway, heto na sila
kami ng tatay ko.. kauna inahang picture ko sa buong mundo, haha!
payat pa ang tatay ko diyan ngayon medyo mataba na siya
Monday, May 23, 2011 | By: Klent

Day 14 - A picture of you and your family

Hindi ko matagpuan iyong soft copy ng picture naming mag-anak na sama-sama kami eh.. Matagal na iyon noong nagpunta kami ng Baguio.. tinatamad naman akong iiscan ung hard copy nung picture kea hiwa-hiwalay ko na lang ipopost.

ako

si Shanon Cristy Gaca, kapatid ko

sina mama (Amabelle Gaca) at si papa (Darwin Gaca)
Friday, May 20, 2011 | By: Klent

Day 11- Another picture of you and your friends

picture uleet? haha! nalulunod na sa pictures... xDD

by group na lang ulit.. :)) medyo matrabaho kpag individual eh.. xDD

1. 4 - EINSTEIN PIONEERS SCIENCE HIGH SCHOOL :)))
eto naganap nung graduation noong 4th year :D
Monday, May 16, 2011 | By: Klent

Day 07- A picture of someone/something that has the biggest impact on you


wala akong maisip kundi ito lang xD

siguro ito na ang may pinakamalaking impact para sa akin.. wala din namang ibang nagbigay impact sa akin kundi ito pati ang nilalaman nito. :)