Tuesday, July 12, 2011 | By: Klent

Harurot at Bida Ka Na Naman

Joncy noong monday 7-4-2011

aun.. matagal na dapat ito eh.. July 4, 2011, lunes yata nang maaga akong makauwi nang bahay. Nakakatuwang pagtawid ko ng kalsada ay may bus na byaheng Cavitex agad, un nga lang JONCY (ang bus na lungga ng mga ipis). 

2x2 seaters lang iyon at nakaupo ako sa 2nd row left window side ng bus.. Ok na sana noong nasa lawton pa kami eh.. maya-maya may tumabi sa aking babaeng estudyante ng PWU (Philippine Women's(?) University). Sa akin ok lang.. walang kaso as long as hindi ako nakakaistorbo at ganun rin siya.. Maya-maya sa tapat (as in tapat) ng upuan niya, may gumagapang na ipis. Tinalsik/hinampas niya ito gamit iyong cardboard na dala niya at tuluyan na ngang nalipat sa ibang dimensyon ng bulok na bus ang ipis. Maya-maya, doon sa kinauupuan ko, sa may pader ng bus na iyon, may mga singit singit na sira.. Kasalukuyang akong kumakain ng SkyFlakes nang mapansin ko may mga naggagapangan nang mga ipis sa sahig at naglalabasan na sila sa mga singit-singit ng bus. Napilitan akong lumipat nang kinauupuan, sa 4th row left aisle side at doon na ako medyo naging komportable ng upo, hindi na baleng mabangga bangga ng tao as long as huwag lang katabi ang lungga ng mga ipis. x(

Pero hindi iyon ang highlight, seating capacity na siya bago pa man makarating ng Baclaran at kadalasan, nagsasaksak pa iyan ng mga tao na daig pa ang sardinas serye.. Nakaidlip kasi ako sa byahe pero ramdam ko pa naman kung saan na kami, nagkataon lang na nung maalimpungatan ako, napansin kong palabas na kami ng Baclaran. Ang malupet duon, hindi gaanong nag-sardinas mode ang Joncy, mga 5 tao lang nakatayo..  Pagdating namin ng Cavitex, iniisip ko, typically mabagal ang Joncy pero noong nandoon na kami, hanep! Ang bilis, sobrang bilis, kala mo racecar.. Napaisip nga ako eh at base sa mga impormasyon sa mga driver ng bus na nakalap ko, malaki at maganda ang motor ng Joncy.. ngayon naisip ko.. siguro kaya mukhang "sapat" lang ang bilis nito kapag umaga ay dahil sa over pa sa overloading.. pero nakakatakbo pa naman ng desenteng bilis.. Nung nasa Cavitex na kami pauwi, grabe ang bilis talaga.. Naisip ko noon, ngayong konti lang ang pasahero (kasi 5 lang standing x)) batak/sanay na iyong motor ng Joncy sa mabigat kaya naman kapag magaan ang karga nito dahil hindi punong punong puno, ang bilis ng takbo, as in mabilis talaga.


Itong Joncy (8014) na ito mismo ang nasakyan ko byaheng Ternate, Maragondon, Naic

1 comments:

Gillan ;) said...

omg d ako sasakay jan may ipis ehh O.o

Post a Comment