ogawa liner.. ayos!
May nasakyan naman akong bus.. grabe ang astig! Bago, mabango, malinis, maayos! Maayos lahat ng metro at walang kahit anong sira, iyon ang OGAWA LINER (AERO HI SPACE unit).. Pauwi na kasi ako noon, tapos saktong iyon ang napatapat na nasakyan ko, Thursday iyon, mga July 7, 2011 yata.. Syempre, iyong mga byaheng maragondon, ternate, naic lang naman ang dumadaan ng Cavitex at doon ako sa mga ganoong bus sumasakay, nagkataon lang na napatapat ako sa bagong bus na iyon. Pagpasok ko, ang bango talaga ng bus, kusang nagcicirculate ang amoy ng Citrus Orange sa loob nito, ang swerte pa pagpasok ko, pangatlo pa lang ako sa pasahero at sa unahan ako umupo (first row, left widow side) para makita ko iyong mga metro ng bus at mga sasabihin ng driver.. May parang OJT driver yata kasi siyang tinuturuan sa mga manual controls ng bus at kung paano smoothly magoperate at magdrive nun.. Anyway, ang astig talaga kasi bukod sa 2x2 seaters na siya, mabango pa at higit sa lahat, sa unahan ako nakaupo, haha! Ang sarap talagang sumakay doon or sa mga bagong bus, enjoy, haha! Sayang wala akong picture na maipapakita kasi wala sa net iyong picture ng unit (AERO HIGH CLASS, nakalagay naman iyon sa gilid eh..) nila.. Gayonpaman, astig talaga, hehe..
Dear Blog: UPDATE
7 years ago
1 comments:
nice badzy sama mo ko jan minsan :))
Post a Comment