Monday, January 30, 2012 | By: Klent

Abala na taping 'yan..

Re: Malupit na Monday

Habang tumitingin ako sa News Feed ng Facebook ko, nakita ko na nag-share iyong kakilala ko ng picture ng taping kanina sa Buendia. Binuksan ko iyong picture at nalaman kong hindi ito shooting or taping ng Bourne Legacy o kung ano mang Hollywood Film kung hindi taping lang pala ng bagong palabas ng GMA 7 na "My Beloved".

Nakakinis kasi iyong pang-aabalang ginawa nila ng biglaan, at kung titingnang maigi, lunes na lunes pa.. sana ginawa na lang nilang Friday or weekends man lang. Halata namang maraming naabala, halos karamihan ng mga comment doon sa picture ay nagsasabing naabala daw talaga sila. 

Ito nga pala iyong larawan mula sa internet:

Image source:

Malupit na Monday

Lunes. 12 pm pa ang start ng klase ko. pero aalis ako ng bahay alas diyes at gugugulin ang maximum na dalawang oras na byahe, -_- As usual, mula sa gahak (7-11), mag-aabang ng bus na talo pa ang sardinas sa dami ng tao kahit malapit nang magtanghali lalo na ngayong lunes, kaya ubusan talaga ng bus na masasakyan.
Thursday, January 26, 2012 | By: Klent

Downfall

Kahapon pa dapat ito kaso sobrang pagod at istres ako kaya natulog na lang ako ng maaga. ^_^

Nagkaroon kami ng long quiz sa major subject, namin Analytical Chemistry particularly Quantitative Analysis. (Hindi naman talaga siya major kundi prerequisite lang para sa major subjects namin sa susunod na taon kaya lumalabas na major na rin siya.) As usual, mahirap, haha! 7 main questions iyon at may mga sub-questionsa sa loob, basically puro computation siya, hehe.. Halos mahigit 30 mins. ko yatang tinitigan ang kalinisan ng papel ko tsaka ako nakaisip ng paraan para maglagay ng panggap na sagot at kunyaring solution, haha!
Nag-bell, wala akong gaanong nasagot, halo-halong giniling na emosyon ang nadama ko.. parang malungkot na parang ok lang.. parang timang.

Disconnecting People

Nakakalungkot isipin na magulang na ang sumusuyo sa anak para lamang magkaroon ng komunikasyon.

 Kahapon pagdatin ko ng bahay, oras na ng hapunan namin. Hinanap ko ang kapatid ko, nasa harapan pala ng computer, naglalaro, sa pasilyo sa ikalawang palapag ng bahay. Naghapunan kami ng ate ko (tita ko talaga siya), kaming dalawa lang, ang kapatid ko nag-cocomputer pa rin, busog pa raw siya dahil nagmeryenda ng kanin. Natapos kaming kumain hindi pa rin siya natitinag sa harapan ng computer habang ako naman pumwesto muna sandali sa sala para manood ng tv, sakto namang dating ng mga magulang ko mula sa trabaho.
Wednesday, January 11, 2012 | By: Klent

Wishful Thinking

When God Made You
Newsong

Ang sarap sigurong tamaan ng pag-ibig lalo na kung alam mong ibinigay sa iyo/inyo ito ng Diyos. Pag-ibig na wagas, walang natatapakang sinuman at higit sa lahat, pag-ibig na ipinagkaloob sa inyo ng Diyos. Ang sarap siguro sa pakiramdam na makasama mo ang iyong panghabang buhay na pa-partner na ibinigay ng Diyos dahil alam niyang siya ang da best para sa iyo. :))
Tuesday, January 10, 2012 | By: Klent

guilt

Clinging to the Cross

Healer

Voice of Truth

Complete

Having been guilty of sin and my conscience is bothering me, I use to listen to these songs while reflecting to the things that I've done and ask forgiveness from God.
Monday, January 9, 2012 | By: Klent

Pili; hindi ang mani

Traffic sa Taft Avenue lalo na sa kahabaan ng PGH lalo na ngayong tanghali. Nagkabuhol-buhol na ang mga dyip, kuliglig, sidecar, bus, at mga private vehicles sa kahabaan ng kalsada.  Itong manong na kasabay ko sa bus, malapit sa driver, nanggagalaiti na sa galit habang nakikipagkwentuhan sa kanya. Galit na galit, maya't maya ang hinaing, reklamo at mura. Kung sino-sino ang sinisisi sa sanhi ng traffic kaya malalate daw siya sa pupuntahan niya.

Hindi naman na kasi bago ang traffic dito kahit tanghali, kahit saan naman may traffic, kahit anong oras. Subalit wala pa ring humpay ang inis nang manong na iyon. Sa sobrang inis niya, bumaba na lang siya at naglakad sa pupuntahan niya na hindi ko alam kung malapit na ba iyon o malayo pa.

Kung tutuusin, wala naman siyang ibang dapat sisihin kundi ang sarili niya. Oo ang sarili niya, siya mismo. Hindi iyon kasalanan ng driver ng jip, ng bus, ng fx, ng taxi, ng kuliglig, ng pedicab at ng kung ano2 pa sa ikaka-late niya sa pupuntahan niya. Ang mga pangyayaring iyan, araw-araw na iyang nandyan, hindi na iyan bago at baka hindi na rin iyan magbago, hehe.. Pero siya, sa sarili niya mismo, sana pinili niyang mas agahan pa ang alis dahil expected nang may ganyang eksena diyan sa araw-araw. Responsibilidad niya ang mga desisyon niya at ang sarili niya sa pagpili ng mga bagay para sa sarili niya.

Maya-maya umusad ang traffic, umandar na ang mahabang pila ng mga sasakyan. Nakita ko ang kaninang manong na kasabay ko sa bus, naglalakad sa gitna ng arawan, lukot ang mukha.


indirect expression
Saturday, January 7, 2012 | By: Klent

Isang linggo

Mula pa noong January 3 (resume ng classes namin) alam ko na agad na magkakaroon ako ng hang-over sa nagdaang Christmas break pero hindi ko naman inaasahang magiging malala pala iyon.
Noong martes, alam ko naman na halos lahat ng estudyante, mga guro, mga kawani at halos lahat ng epleyado ng unibersidad ay "may hang-over/jetlag pa" sa nagdaang long vacation, na kung tutuusin iyong iba extended pa hanggang wednesday eh..
Wednesday night naman, tinamaan ako ng triple force ng ubo, sipon at tonsilitis (tama ba spelling?), o diba ang saya? Pag-uwi ko nang bahay, nanghihina ako at gusto ko nang matulog.. nang maaga. 8:30 pa lang humiga na ako, haha! Typically, kung gusto kong manataling gising nang hanggang 12 am at gigising na naman ng 4 am para pumasok, nagagawa ko iyon kapag maayos ang pakiramdam ko eh..
Pero sa pagkakaalala ko, nagpaambon kasi ako noong tuesday nang hapon, kaya ako sinipon. Kasi naman, maglalabas ka pa ba ng payong kung ang lalakarin mo lang naman ay wala pang 50 meters, sayang lang ang payong, haha! Dagdag pa siguro iyong adjustment ng katawan ko sa oras ng tulog, kasi noong monday at tuesday, madaling araw pa rin ako natulog kahit alam kong magpapasukan na, haha! Kaya iyon, biglang shift/sakit ang inabot ng katawan ko, haha!
Pero paggising ko naman na ng Thursday morning ok naman na ako, kinailangan ko lang pala talagang bumawi ng tulog, haha, hindi kinaya ng katawan ko eh.. haha! Ang malupit nga lang, binigay ang prelim exam grade namin sa major noong araw ding iyon.. kagagaling mo lang sa sakit, manlulumo ka na naman sa aabutan mong grade na bunga ng exam ng prof namin na kapwa prof niya lang din ang kayang makasagot, haha!
At nitong Friday hanggang ngayon, hindi pa rin ako tinantanan ng sipon at ubo.. Si sipon malapit na akong lubayan eh, pakipot lang.. Si ubo, may galit sa akin, parang assassin, bigla ang tirada, tsk, tsk. Kaya ngayon, tandem silang nang goo-good time sa akin, BV! 

Pero naisip ko, sa kabuuhan nitong nagdaang linggo, aligaga o wala ako sa sarili ko.. ang dami kong iniisip na parang hindi naman kailangan at parang lalong gumulo iyong schedule ko sa sarili ko, dumaan lang iyong mahabang bakasyon, talagang may hang-over pa nga ako, hehe..
Monday, January 2, 2012 | By: Klent