Monday, July 30, 2012 | By: Klent

Sa kabilang banda

Sa tuwing mayroong bagyo o basta tuloy-tuloy na malakas na ulan, inaabangan na agad ng mga estudyante ang pag-aanunsyo na walang pasok sa lahat ng antas. Lahat ng estudyante nakikinabang sa instant holiday na sasabihin sa mga radyo at telebisyon mula elementary hanggang kolehiyo, pati mga magulang nakikiantabay rin sa pag-aanunsyo kung wala bang pasok.
Subalit sa kabila ng kaligayahang naibibigay ng suspensyon ng klase sa mga estudyante gawa ng malakas na ulan, mayroong mga taong nalulungkot o nagdadalamhati sa mga ganitong sitwasyon. May mga taong nawalan ng tirahan dahil labis ang pagkakasalanta sa kanila ng bagyo o kahit ng malakas na ulan lamang. Nagpapalipas sila ng malamig na gabi sa lugar na hindi sa kanila, ang iba pa ay hindi na magawang makapagpahinga sa gabi. Higit din sa nalugi sa kabuhayan ay ang mga taong nawalan ng kabuhayan gawa ng pagkakasalanta sa kanila. Hindi pa man ako nagtatrabaho subalit nakikia ko sa mga magulang ko kung paano ang pagsisikap nila para kumita ng pera. Mahirap sa isang tao ang mawalan ng paraan para itaguyod ang pamilya niya. Ang pinakamahirap sa lahat ay ang mawalan ng mahal sa buhay gawa ng mga sakuna o hindi inaasahang pangyayari. Iyon na siguro ang pinakasaklap na maaring mangyari sa isang taong sinalanta ng bagyo.
Hindi ko naman nais iparating na maging malungkot tayo kapag walang pasok dahil suspended ang klase, ang sa akin lamang ay ipagpasalamat na lamang natin na hindi natin sinapit ang mga kalunos-lunos na mga pangyayari na sinasapit o sinapit ng ibang tao. Nais ko lamang din iparating na sana maging rasyonal o maging open minded man lamang tayo sa mga kaganapan sa paligid natin. At higit sa lahat, ipagdasal natin ang mga kababayan natin na tinamaan ng mga matitinding sakuna, iyon na ang pinakamabuting maitutulong natin sa kanila. 
Tuesday, July 24, 2012 | By: Klent

Iba pa rin kapag Saulog (Ternate)

Kaninang papasok ako ng eskwelahan, sakto pagbaba ko ng tricycle sa may kanto ng 7-11 (Centennial Road), may Saulog Transit, Inc. (Bus No. 71751; Ticket No. ko: 69282) nang nag-aabang ng mga pasahero. Nagmadali akong makasakay at baka umalis na iyon. Sakto namang pagsakay ko may mauupuan pa. Umalis iyong bus na saktong seating capacity at pagdating ng Zeus (old gasoline station) nagsakay lang ng ilan ang bus at umalis na din agad. Iba talaga kapag Saulog, malapad na ang upuan, malamig at higit sa lahat mabilis ang byahe. :)

Kanina sa byahe ko pauwi, usual with daily routine, mag-aabang sa may Rizal Park ng bus na byaheng Ternate kahit sa Gahak (7-11) lang ako bababa kasi dadaan iyong mga bus na may signed board na ganoon ng Cavitex. May dumaan na AAB Bus Lines, Inc. (Bus No. 983; Ticket No. ko 995516) at dahil alam kong byaheng Cavitex iyon, sumakay na agad ako, dagdag pa iyong eksenang wala naman nang ibang bus na byaheng Cavitex. Hindi ako nagtatapon ng ticket kaya lahat ng mga ticket ko mula nang mag-college ako sa Manila ay tinatago ko. Maluwag pa naman iyong bus kaya nakapili pa ako ng lugar na mauupuan, mas pinili kong maupo sa right side (facing the windshield).
Lagi namang aabutan na eksena sa kahabaan ng Taft Avenue ay mahabang trapik lalo na kapag hapon. Uusad ng kaunti, titigil at uusad na naman. Iyong sinasakyan kong bus, ang bagal ng andar, halatang nagpapakabakaw sa pasahero. Maya-maya mula sa likod, nakita ko sa bintana na may Saulog (iyong maliit lang) na dumaan na byaheng Ternate. Pero ang bilis ng Saulog na iyon na nagpasingit-singit sa traffic kaya nakaalis agad. Ayon, mabilis na nawala sa paningin ko iyong Saulog. Kami, iyon tumambay pa iyong AAB nang matagal, nagpakabakaw sa pag-aabang ng pasahero. Wala tayong magagawa ganoon talaga eh.. Tuloy ang pakikipagbunuan sa traffic. Soundtrip para matanggal ang boredom. Nakabyahe kami ng Cavitex na punong-puno iyong bus. Subalit ang nakakainis na part ay pagdating ng tollgate ng Cavitex, naabutan na naman kami ng isa pang Saulog (BCI or Yutong unit yata iyon) na byaheng Ternate din at mas nakakatawa na iyon ay may 4 lang na standing tapos sa amin, siksikan, san ka pa? Heto pa malupit, nauna kaming makapasok ng tollgate pero nauna pa iyong Saulog na makaalis. Sa sobrang bagal ng byahe namin, nalampasan na kami ng 2 Saulog, nakakadismaya lang iyong bus na nasakyan ko.
Pagbaba ko sa Gahak (7-11), nakita ko iyong signed board ng Bus, capital letters ang NAIC, may tanza,tejero at maragondon din. Sabi ko na lang, "pambihira, kaya naman pala eh..". Kahit naman byaheng Ternate iyong AAB, bakaw pa rin sila sa pasahero eh, hindi gaya ng Saulog. All in all walang panama ang ibang mga bus lines gaya ng Stan Liner, RMS Liner, Stow Away Liner, OGAWA Liner, Don Aldrin (Jethro Liner), St. Anthony, itong AAB Bus Lines, Inc. gaya ng nasakyan ko, at ang iba pang mga minor bus lines na bumabyahe sa Centennial Road kumpara sa satisfaction na maibibigay ng Saulog Transit, Inc. sa mga pasahero nila. 
Two thumbs up sa Saulog, still the best!


Saturday, July 21, 2012 | By: Klent

What the heart sees, the eyes cannot.


Make up, heels, pabango, magandang katawan, contact lenses, tina ng buhok - hindi lamang iyan ang sukatan ng pagiging maganda ng isang babae.

Sa panahon kasi ngayon, karaniwan nang nakatatak sa isipan ng karamihan sa mga kalalakihan ang mga ganyang kahulugan ng pagiging maganda ng isang babae. Basta maganda ang katawan at/o mukha, maganda na sa kanila iyon. Subalit ang babae, wala man iyang make up, magandang katawan, o mga kung ano-anong palamuti sa sarili niya, may puso pa rin iyan na tunay na marunong umintindi at magmahal. Sa pagiging simple niya, marunong siyang magpahalga sa mga bagay na kung ano lamang ang mayroon siya at marunong din siyang magpahalaga sa sarili niya. Para sa kanya, hindi man niya magawang pagandahin ang sarili niya sa kung sino man siya sa labas, magagawa niya namang gawin ang pagiging maganda sa loob ng sarili niya na bihira na ring matatagpuan sa mga kababaihan ngayon.
Ang hirap pa sa henerasyon ngayon, karamihan ay mata na lamang ang pinaiiral kapag nagmamahal (?). In the first place, sana nauunawaan nila ang kahulugan ng salitang pagmamahal na hindi lamang nasusklob sa pisikal na kaanyuan. Para sa akin, ang tunay na nagmamahal ay iyong kaya kang mahalin kahit nakapikit ka at kahit hindi mo siya nakikita. Kung tutuusin, kahit gamundong tiwala lamang at purong pusong nagmamahal ang mayroon, kahit iyon lang sapat na eh.. kasi ang pagmamahal, puro 'yan.. at kung talagang puro ang pagmamahal, hindi lamang ito matutumbasan ng pisikal na kaanyuan, salapi o kung ano mang materyal na bagay. Sa halip, ang pagmamahal ay nakikita sa mga bagay na hindi nakikita ng mga mata.

Walang taong perpekto. Subalit ang taong tunay na nagmamahal ay hindi binibilang ang pagiging imperpekto ng iba, sa halip ay pinapahalagahan niya ang mga bagay na tanging puso lamang ang makakakita.

Ano ba??? O.o


Kanina nagbukas ako ng Facebook. Nagback read ako ng mga posts sa News Feed. Nakakita ako ng isang post mula sa isang fan page na nagsasabing

"LIKE and SHARE if you love grandma
SCROLL DOWN if you want her to die"

hindi ko maalala kung ganyan mismo ung mga salitang ginamit pero iyong isang kaibigan ko sa FB (multiple meanings), nagpauto naman sa ganoong post.

Anooo baa???? Gumising nga kayo. Huwag kayong pilosopo. Huwag kayong magpauto. Huwag kayong magpakatanga. Inuuto lang kayo ng mga FB pages/fan pages na 'yan dahil either wala silang magawa o kulang sila sa pansin, o 'di kaya kulang lang talaga sila sa brain cells kaya ganoon ang naisip nilang paraan para manatiling buhay iyong page nila o para makapang-uto sila ng tao. Guys it's stupid, sa totoo lang.
Hindi mo naman kailangang sundin ang ididikta ng mga pages na yan sa pagsabi nila ng LIKE and SHARE sa mga posts nila kung gusto mong may patunayan eh.. marami namang mas konkreto at mas malalim na paraan para maipakita mo iyong gusto mong patunayan. Hindi mo naman siguro nanaisin na ang sukatan ng digdidad mo ay nakukuha lang sa LIKE at SHARE ng isang post sa facebook?

Nakakainis kasi na madalas below the belt, crossing the line, o offensive na iyong means para magpapansin, ay este magpa-like  ang mga pages ngayon. Ilan sa mga halimbawa nito ay:

hit like and share if you love God, scroll down if you love the devil
hit like and share if you love your mom/dad/family/friends/relatives (kahit sino) or even pets, scroll down if you don't

 What the heck?! hindi lang naman post ng isang fan page ang laman ng facebook news feed ng bawat isang FB user kaya kailangan niya talagang mag-scroll down para makita kung ano ang iba pang laman ng News Feed niya. Bakit kapag ba hindi ni-like at share ang isang post at nag-scroll down na agad, salungat na agad ang ibig sabihin? Hindi lahat ng tao tanga at nauuto sa mga non-sense na posts ng ibang non-sense na facebook pages.

Ngayon kung trip mo lang ding gawin iyong mga sinasabi ng mga pages sa FB dahil nga naman wala ka lang magawa, bahala ka sa buhay mo. Sabagay kanya-kanyang trip lang din iyan. Pero may mga bagay na sadyang sigurado, mayroong mang-uuto at mayroong mga nagpapauto. Mayroong mga magpapapansin at mayroong mga sadyang papatol. Ganoon lang iyon eh.. Guys huwag kayong maging mababaw, iyon lang. Ngayon kung tinamaan ka ng mga nabasa mo, pasensya na pero sadyang totoo.

"LIKE and SHARE this post
SCROLL DOWN if you want to ignore"

:p 
Friday, July 20, 2012 | By: Klent

Walang signal kaya malabo

Ewan ko.
May mga pagkakataong may mga nami-miss akong mga tao. May mga pagkakataon din naman hindi. Minsan gusto kong isipin na gusto ko silang makita pero minsan din naman tinatabla ng kabaliktaran.
Sunday, July 15, 2012 | By: Klent

Ou nga..

Noong bago pa ako lumipat ng course (medical field din), marami na talaga kaming inaaral at kinakabisado at isa na doon ang Ana.Phy. (Anatomy & Physiology). Marami talagang inaaral doon at kinakailangan iyon ng maiging pag-aaral at pagbabasa, hindi basta basa lang.
May mabuti kaming professor na nagbigay sa amin ng payo para daw hindi kami mahirapan matuto at nang sa gayon makasagot kami sa mga pagsusulit para makapasa. Kung ang subject ay once a week lang ang meeting (kadalasan majors ang ganito) at may quiz next meeting, simulan na ang pagbabasa mula sa araw na sinabing magbibigay ng quiz next meeting. Hindi naman daw kailangang lahatan, kahit paunti-unti lang hanggang sa marating mo iyong dulo nang mga dapat mong basahin; para pagdating ng gabi bago ang quiz kinabukasan, scan na lang ang gagawin at hindi na mag-procrastinate. Basically, ang thought doon umpisahan nang magbasa unti-unti para hindi mahirapan sa huli.
Bukod pa doon naisip ko, at payo na rin ng mga professors sa medical field, dapat masipag ka talagang magbasa kung pursigido kang matawid ang mga pagsubok ng medical field. Ngayon may nirereview ako dahil may quiz ako bukas (CC 1 at Genetics) at bigla kong naisip ang lahat ng ito kaya ko nilagay dito.
Saturday, July 14, 2012 | By: Klent

Haha!

Natatawa ako sa sarili ko habang ginagawa ko itong post na ito. Sineryoso ko pala talaga iyong nasa isip ko, haha!

Nakakainis na nakakainggit iyong mga taong almost complete package (gwapo [mestizo or chinito], matalino, athletic, matangkad, mapagkumbaba, mabait at hindi nanaising manloko ng babae) pero wala namang totoong ganoon. Sa panahon ngayon lalo na sa Philippine setting, ang mga mapuputi o mestizo kadalasan babaero o manloloko. Kapag naman athletic minsan naman napapabayaan na ang academics. Minsan kung sino pang gwapo siya pang may gusto sa kapwa gwapo - patay tayo diyan. Madalas pa kapag gwapo maangas o hambog. Halos lahat may sablay, wala talagang taong perpekto.
Pero madalas kasi ang pinapansin na lang ng mga kababaihan ay ang mga maputi, mestizo, chinito o mala-artistang gwapo. What the heck! loljk. xD
Subalit ang gusto kong maglaho sa mundo o ako mismo ang magpapalaho sa kanila sa mundo ay ang mga lalaki na gwapo na almost perfect gaya ng mga nabanggit ko kanina. Ang sarap nilang pasabugin, haha!! Sa kabutihang palad, wala namang ganoon at kng mayroon man, ako na ang mavolunteer na papatay sa kanya, biro lang. >:))

Sublit bilang isang Kristiyano, hindi sapat na batayan ang panglabas na kaanyuan bilang isang huwaran o tularan ang isang tao. Ang dapat na sukatan ng kagwapuhan ng isang lalaki ay kapag buong puso siyang naniniwala sa Diyos at masunurin at malugod siyang alagad ng Diyos. Ang standards ng tao ay madaling hanapan ng pagkakamali subalit ang standards ng Diyos ay perpekto at walang kapantay. :)

For her birthday! :))

One time I had a conversation with my friend, I told her that I wish I have a fair (mestizo) complexion. She asked me why. I answered that when you have a fair complexion, you would look handsome and attractive to women.
Her reply was an eye opener to me and yet an awful truth. She said that people nowadays, the youth, our current generation are too shallow. Teens nowadays are too shallow in choosing their standards in having a relationship with someone. They prefer to set their standards solely on physical attributes without giving regards to what is inside a person's heart and mind. Yeah, she's right. Teens nowadays just "fall" to someone with good looking appearance even though in the first place, they don't really understand what it means to "fall to someone".

Even though this conversation was happened long ago, I still can't forget it. Thanks to her my ignorance was decreased. It was a great eye opener. I made this post as a gift in her birthday. Anyway, thank Ai for the eye openener. Happy Birhday! :))

P.S. and because today is your birthday, you must check the grammar and punctuation in my Birthday note to you. ^^V
Tuesday, July 10, 2012 | By: Klent

It was a success.

Simula nang mag third year college ako, may subject kami na Clinical Chemistry (BS Med.Tech po ako) at isa sa mga skill na dapat naming i-train ay ang pag-extract ng blood. First few tries puro fail ang kuha ko. Isang beses na nangyari, graded iyon at semi-failed ang nagawa ko, hindi ako fully nakapag-extract ng blood. 
Kinalaunan sa ibang araw, nalungkot, nafrustrate ako. Hindi ko magawa, hindi ko kaya. Noong mga panahong iyon, na pressured ako. Kailangan kong maka-extract ng blood kasi requirement, kasi may grade, kasi peer pressure. Sobrang nadepress ako noong mga oras na iyon.
Pero noong mamulat ako, nagdasal ako, sabi ko para kay Lord ang gagawin kong ito. Wala na akong pakialam kung hindi man ako pumasa sa practical sa school, kung hindi man nila makita na nagawa ko. Ang sa akin lang, mahalaga, magwa ko ito para kay Lord to give Him the glory. Iyon na ang naging mind set ko nitong last few days at sa awa ng Diyos, nagawa kong makapag extract ng blood. :D TO GOD BE THE GLORY! ^^