Sa tuwing mayroong bagyo o basta tuloy-tuloy na malakas na ulan, inaabangan na agad ng mga estudyante ang pag-aanunsyo na walang pasok sa lahat ng antas. Lahat ng estudyante nakikinabang sa instant holiday na sasabihin sa mga radyo at telebisyon mula elementary hanggang kolehiyo, pati mga magulang nakikiantabay rin sa pag-aanunsyo kung wala bang pasok.
Subalit sa kabila ng kaligayahang naibibigay ng suspensyon ng klase sa mga estudyante gawa ng malakas na ulan, mayroong mga taong nalulungkot o nagdadalamhati sa mga ganitong sitwasyon. May mga taong nawalan ng tirahan dahil labis ang pagkakasalanta sa kanila ng bagyo o kahit ng malakas na ulan lamang. Nagpapalipas sila ng malamig na gabi sa lugar na hindi sa kanila, ang iba pa ay hindi na magawang makapagpahinga sa gabi. Higit din sa nalugi sa kabuhayan ay ang mga taong nawalan ng kabuhayan gawa ng pagkakasalanta sa kanila. Hindi pa man ako nagtatrabaho subalit nakikia ko sa mga magulang ko kung paano ang pagsisikap nila para kumita ng pera. Mahirap sa isang tao ang mawalan ng paraan para itaguyod ang pamilya niya. Ang pinakamahirap sa lahat ay ang mawalan ng mahal sa buhay gawa ng mga sakuna o hindi inaasahang pangyayari. Iyon na siguro ang pinakasaklap na maaring mangyari sa isang taong sinalanta ng bagyo.
Hindi ko naman nais iparating na maging malungkot tayo kapag walang pasok dahil suspended ang klase, ang sa akin lamang ay ipagpasalamat na lamang natin na hindi natin sinapit ang mga kalunos-lunos na mga pangyayari na sinasapit o sinapit ng ibang tao. Nais ko lamang din iparating na sana maging rasyonal o maging open minded man lamang tayo sa mga kaganapan sa paligid natin. At higit sa lahat, ipagdasal natin ang mga kababayan natin na tinamaan ng mga matitinding sakuna, iyon na ang pinakamabuting maitutulong natin sa kanila.
0 comments:
Post a Comment