Sunday, December 25, 2011 | By: Klent

Merry Christmas! :)

Medyo delayed na ang bati ko pero Merry Christmas pa rin ^^

God Bless :D
Wednesday, December 21, 2011 | By: Klent

A heartbreak without a heart

Nagbukas ako ng Facebook ko, isa sa mga newly added items sa News Feed ay siya at ang kanyang post lang ay "^^". Binisita ko ang profile niya at nakita kong nakatag siya sa album ni N (high school tropa ko). Nacurious ako kung bakit, binuksan ko ang album, viniew na din... Alam mo iyong pakiramdam na sa una, matutulala ka den dudurugin ung loob mo sa nakita mong mga pictures.. Magkasama sila sa UP, hindi ko alam kung kailan iyon pero ang mas masakit, amy mga ilan silang pictures na sobrang lapit nila na akala mo sila iyong magkasintahan. Sobrang durog ako sa mga nakita ko, as in durog na durog. Oo masakit, sobrang sakit..

Bigla kong naisip, akala ko ba handa ako kung sakaling mangyari man ang ayokong mangyari, pero hindi pala. Handa lang ako sa salita, pero sa pagharap sa katotohanan, hindi.. Sobrang durog ako, as in durog. Alam kong hindi mo dama ang nadama ko kanina pero totoong masakit pala talaga iyon. Masakit sa pakiramdam iyong kahit hindi naman kayo, nasaktan ka pa rin sa mga nasaksihan mo. Siguro kaya naging masakit iyon kahit sinabi kong handa akong tanggapin kung hindi man maging kami, ay dahil iyong kaibigan ko pa noon ang mukhang magiging kasama niya hanggang dulo ng buhay niya. Sobrang sakit talaga kanina.. Bigla ko na nga lang naikwento sa kaibigan ko iyong sakit na nadama ko kahit alam kong medyo naguluhan siya sa akin.

Pagkatapos noon, sobrang dami kong inisip, pilit kong dinidivert ang utak ko sa pag-iisip sa nasaksihan ko. Subalit sa huli, medyo nagulo talaga ang utak ko sa nasaksihan ko. Gayonpaman, buti na lang sinabi sa akin ng isang kaibigan ko na mayroong rason ang Diyos sa pagkuha sa atin ng mga bagay-bagay na mahalaga sa atin. Salamat sa kanya at kahit papano medyo nahupa ang nagkakagulo kong isipan. Sumunod noon, nagreflect na ako at humarap ako sa Diyos.
First of all, I have to completely trust God's plans in my life for He knows me best. He knows my everything, my troubles, sorrows, fears, and pain. He even knows my very strengths and weaknesses. I've learned that, maybe the reasons that God has taken her away from me are because I'm not prepared physically, mentally, socially, and spiritually enough to be with her. Or it could be that, He take her away from me so that I can focus in Him. But in a larger sense, both situation give greater glory to God. I don't know what He plans for my life, but one thing is for sure, He plans the best for me for I am His son. And now, the great challenge that lies ahead are to continuously, faithfully, and obediently trust in Him and in His plans for me without expecting any personal result. Whatever happens, I will trust God whenever he give good or bad situations in life. 
God is the greatest healer. Amen. :)
Thursday, December 15, 2011 | By: Klent

Mapalad pa rin..

Grabe itong December, heavy masyado ang prelim exams.. puyatan (kunyari para kunyari nag-aaral), paguran, istres, at kung ano-ano pa.. Mga professor na hindi maintindihan ang gusto at minsan mahirap kausap.. Pati sa byahe, iba-ibang klase ng tao ang laging nakakasabay, iba-ibang scenario, at araw-araw na traffic na hindi naman na bago sa pang araw-araw na serye ng buhay, haha!

Madalas ang dami kong nirereklamo, ang dami kong complains, ang dami kong hinaing.. pero sa isang banda, naisip kong mapalad pa rin ako at dapat kong ipagpasalamat kung ano ang mga natatama ko ngayon. Ipagpasalamat ko nang:

  • nabubuhay ako sa araw-araw
  • ligtas akong nakakauwi sa bahay namin; gayon din papunta sa skul
  • natututo ako nang sapat sa kakayanan ko
  • may mga kaibigan akong makakasama ko
  • nakakasagot naman ako sa mga exams ko
marami pa sana akong dapat ipagpasalamat pero masyado din namang madami kung iisa isahin ko pa.. iyong mga nilagay ko ngayon ay ilan sa mga bagay na dapat kong ipagpasalamat bilang isang mag-aaral. Anu't ano pa man, nagpapasalamat ako sa Diyos dahil ibinigay niya sa akin ang lahat ng biyayang ito. Madalas kasi, mas marami pa ang complains natin kaysa ang mga ipinagpapasalaamat natin sa Kanya. Kung tutuusin, hindi Niya naman tayo pinababayaan, binibigay Niya ang sapat lamang para sa atin sa araw-araw. Nawa'y sariwain natin ang diwa ng pagpapasalamat at pagbibigayan ngayong Pasko. :) Maligayang Pasko po. :)
Sunday, December 4, 2011 | By: Klent

18

Legal na taon na ako sa susunod na buwan

Ang bilis nga naman ng panahon, Disyembre na agad ngayon, parang kailan lang kakapasok lang ng taong 2011. Nakakalokong isipin na ang bilis ko din pala tumanda, nagulat na lang ako nang bigla kong maisip na "18 na pala ako next month" . 18, legal age, ika nga nila. Taon na kung saan may karapatan ka na at malaya ka nang gawin ang mga bagay-bagay na pangmatanda(?). Maaari ka nang gumawa ng mga bagay-bagay na hindi maaaring gawin ng isang menor de edad. Hindi ko na iisa-isahin kasi may mga bagay na maaari lamang gawin para sa itinakdang edad pero may mga tao namang sumusuway dito.

Matagal-tagal

Ngayon lang ulit ako nagawi dito sa blog ko kasi sobrang busy at kulang na ang oras ko nitong pangalawang semestre. Busy sa academics kaya bihira na akong magawi dito.

He who..

He who gives me life everyday..
He who gave my family..
He who provides food  to eat..
He who strengthens me..
He who keeps me safe everywhere I go..
He who protects me from harm..
He who gives knowledge and wisdom..
He who guides and watches me wherever I go..
He who gives me friends..
He who gives me rest..

He is the only One..
He who saved my soul..

Thank You Jesus for giving me those blessings everyday..
Thank You, Thank You.

Amen. =)