Grabe itong December, heavy masyado ang prelim exams.. puyatan (kunyari para kunyari nag-aaral), paguran, istres, at kung ano-ano pa.. Mga professor na hindi maintindihan ang gusto at minsan mahirap kausap.. Pati sa byahe, iba-ibang klase ng tao ang laging nakakasabay, iba-ibang scenario, at araw-araw na traffic na hindi naman na bago sa pang araw-araw na serye ng buhay, haha!
Madalas ang dami kong nirereklamo, ang dami kong complains, ang dami kong hinaing.. pero sa isang banda, naisip kong mapalad pa rin ako at dapat kong ipagpasalamat kung ano ang mga natatama ko ngayon. Ipagpasalamat ko nang:
- nabubuhay ako sa araw-araw
- ligtas akong nakakauwi sa bahay namin; gayon din papunta sa skul
- natututo ako nang sapat sa kakayanan ko
- may mga kaibigan akong makakasama ko
- nakakasagot naman ako sa mga exams ko
marami pa sana akong dapat ipagpasalamat pero masyado din namang madami kung iisa isahin ko pa.. iyong mga nilagay ko ngayon ay ilan sa mga bagay na dapat kong ipagpasalamat bilang isang mag-aaral. Anu't ano pa man, nagpapasalamat ako sa Diyos dahil ibinigay niya sa akin ang lahat ng biyayang ito. Madalas kasi, mas marami pa ang complains natin kaysa ang mga ipinagpapasalaamat natin sa Kanya. Kung tutuusin, hindi Niya naman tayo pinababayaan, binibigay Niya ang sapat lamang para sa atin sa araw-araw. Nawa'y sariwain natin ang diwa ng pagpapasalamat at pagbibigayan ngayong Pasko. :) Maligayang Pasko po. :)
0 comments:
Post a Comment