Tuesday, August 30, 2011 | By: Klent

Subalit

But then I realized, we're still too young to get involved in those things.. 
Sa ibang pagkakataon tama iyan, sa iba din naman hindi.. Ika nga ng isa kong kaibigan ayon sa tato niya, Everything depends upon the situation. 


Gusto kong manghingi ng payo sa mga matatanda pero at some point, naisip ko na maaaring sabihin nila na
"bata ka pa, marami pang maaaring mangyari sa buhay mo"
may punto sila, maaaring isa lamang akong bata na sobrang nagnanais ng isang bagay na matagal nang gustong makamtam...
o di kaya'y maaari rin nilang sabihin na
"bata ka pa, mag-aral ka muna at kapag may napatunayan ka na, tsaka ka na pumorma"
ou nga, payo ng ibang mga magulang at nakakatanda.. may punto din sila, maaaring ibabaw lamang ang nakikita ko at hindi ko matanaw ang ilalim.. ang mas malalim na kahulugan ng buhay ng may relasyon

ang pag-ibig nga naman, pinaka-weird sa lahat..

tama naman ang mga punto nila at nirerespeto ko iyon..
siguro nga, kahit mahal na mahal ko siya, kahit siya ang ninanais kong makapiling hanggang sa huling hininga ng buhay ko, may mga bagay siguro muna akong dapat harapin, mga hakbang na dapat hakbangin, at mga daanang dapat harapin..
masarap ang bunga na nahinog sa natural na pamamaraan.. mahihinog din ang prutas sa tamang panahon, darating din ang tamang oras at panahon..
mahaba pa ang lalakbayin, marami pang bundok at dagat ang tatawirin subalit hindi dito nagtatapos ang lahat

:)

Ipit!

Bakit ganoon.. parang may nararamdaman pa ako sa kanya..
Hindi ko maipaliwanag, hindi ko maipahiwatig..

Oo na, may gusto ko pa rin ako sa kanya, pero hindi na lang basta pagkagusto..
Ou na, mahal na kung mahal.. Siya pa rin ang isinisigaw ng halimaw sa loob ng dibdib ko..

Badtrip, bakit sa kanya pa?! Oo siya nga, pero ayokong ipagsigawang siya nga at wala nang iba ang kaisa-isang gusto at isinisigaw ng damdamin ko dahil natatakot ako.. Alin? Saan? Natatakot akong masaktan.. Natatakot ako sa mga hindi magandang posibilidad.. Ayokong umasa subalit mahal ko siya.. iyon nga lang takot akong masaktan..
Hindi naman ako matatakot nang ganito kung hindi totoo, tunay, at permanente ang nararamdaman ko sa kanya eh, wala nang iba.. Iyon nga lang, sana ganoon din ang nararamdaman niya sa akin..

Pesteng pag-ibig, parang libag na hindi maalis, kanin na napanis..
Ewan ko, ang weird talaga ng puso ng tao.. ang daming komplikasyon bukod sa sakit sa puso, high blood, etc..
Monday, August 22, 2011 | By: Klent

DAKILANG INA

Minsan sinabi ko sa nanay ko na napapagod na ako kakaaral. Medyo nagalit siya at sinabi niya na wala kaming karapatang mapagod. Noong una hindi ko iyon lubos na maunawaan dahil ang nasa isip ko noon, tao lang din naman kami at pare-pareho din naman tayong nangangailangan ng pahinga.
Pero namulat ako sa isang katotohanan, na kanina ko lamang napagtanto habang wala akong ginagawa sa pamantasan namin. Oo pare-pareho tayong napapagod at nahihirapan, ang nanay ko sa trabaho, kami sa kakaaral. Pareho din kaming napupuyat at nakukulangan ng pahinga. Pero mayroon akong isang aspeto na hindi ko agad nakita, ang pagiging ina niya. Bukod sa pag-aasikaso ng trabaho, bilang isang ina, inaasikaso niya rin kaming pamilya niya pati ang pag-aayos ng bahay tuwing mga araw na walang pasok. Doon ko lamang napagtanto na wala kaming karapatang mapagod dahil kung siya nga na ina namin hindi dumadaing na napapagod na siya sa mga gawain niya, at lalong-lalo na hinding-hindi siya dumaing na napapagod na siyang mahalin kaming pamilya niya, paano pa kaya ako o kami ng kapatid ko na nag-aaral lamang at kami pa ang inaasikaso ng nanay namin. Mahalin at dakilain natin ng lubos ang ating mga ina dahil walang ibang katulad nila ang magmamahal at uunawa sa atin ng wagas gaya ng ibinibigay nila. :)

Way back before :D

I'm Still Here by Vertical Horizon

I was in school doing nothing and suddenly I remembered this song but I don;t know why. :) I'm not sure if I first heard it when I was in my first year high school but this song is great. I remembered the days when me and my sister are playing scrabble on computer and one of the music we played was this one. :) 
Wednesday, August 17, 2011 | By: Klent

Thankful pa rin

matapos ang lahat ng trahedya sa akin sa loob ng dalawang magkasunod na araw, thankful pa rin ako kay God at sinamahan, sinubaybayan, ginabayan, binantayan, at iningatan Niya pa rin ako sa lahat ng mga iyon. Nagpapasalamat ako sa Kanya at nandyan Siya at hindi ako iniiwanan, ako'y kanyang sinubok lamang. :)

CavitEXTRANDED >:( :| :))

Kahapon naman, pauwi na ako at ang nasakyan kong bus ay Richford Bus Lines (B.N. 1034) a.k.a. Ariel Express. Maliit na bus lang siya na naglalaman ng maximum seating capacity na 37 passengers. Astig ang turbo aircon nito na sobrang lakas at pati ang upuan nila, masarap sa likod. Ok naman ang byahe namin mula Lawton hanggang Coastal Road, seating capacity ang bus at may mga nasa sampo yata na standing na pasahero. Nasa kahabaan na kami ng Cavitex nang biglang may pumutok at nagpagiwang-giwang ang bus namin at naghiyawan ang mga pasahero, lahat iyan mabilis na nangyari. Buti na lang naitabi ng ayos ng driver ang bus namin, kung hindi baka tumipalon kami sa dagat sa Cavitex, mangyayari pa niyan, titilapon pa kami sa dagat sa Cavitex, bale 2nd accident sa skyway (kuno) iyon, haha! Kasi kwento (narinig ko lang) nung isang pasahero na nasa bandang unahan siguro (sa gitna kasi ako nakaupo lfet window side, 2x2 seats lang ang buong bus), nung pumutok iyong gulong ng bus (front right side), pilit daw ang kabig ng driver pakaliwa kasi kung hindi niya ginawa iyon, malamang tumilapon na nga kami sa dagat.

At ayun umusok.. haha!

Pauwi na ako sa amin, sumakay ako ng Stow Away, D.C. Perillo Liner (ganyan iyong model ng nasakyan kong bus). Duon ako nakaupo sa 2nd to the last row of seats right side (2 persons seats), window area. Akala ko ok ang byahe namin iyon pala hindi, haha! Nasa flyover na kami sa Baclaran nang mapansin ko na amoy gaas sa loob ng bus. Noong una hindi ko pinapansin kasi baka ako lang ang nakakaamoy at baka mawala din iyon at ma-immune din ako sa amoy. Habang binabaybay namin ang Coastal Road, napansin ko (nasa bandang exit ng Macapagal Road) na umuusok na iyong bus namin sa loob, oo sa loob. Mabilis lang ang mga pangyayari, noong una akala ko, namamalik-mata lang ako pero kumakapal na ang usok kasi kita na sa dark colored shirts iyong usok eh.. Nakaheadset ako kaya kaya ang tendency kapag nagsalita ako medyo malakas din at sinabi ko na umuusok na sa bus. Dali-dali namang tumabi iyong bus namin malapit sa may seaside market sa Coastal Road sa tapat ng Paranaque City Jail (?) yata iyon. Ang nakakaloko kasi, since alam kong ang area na inuupuan ko ay tapat ng gulong at umuusok nga sa area ko, kinakabaan na ako. Dali-dali namang bumaba ang driver at konduktor para tingnan ang parte ng makina ng bus na katapat ng inuupuan ko. Pinapabuksan nga sa akin ang bintana sa tapat ko pero hindi mabuksan kasi naka-selyado na iyong mga bintana nila. Nagagalit na ang isang pasahero kasi ayaw bumaba nung mga nasa unahan dahil natatakot na iyong pasaherong nagagalit na baka sumabog iyong bus namin. Kung siya na hindi nakaupo sa pwesto ko, takot na, paano pa kaya ako (pero hindi ako naghihihiyaw, medyo nangilabot lang).
Eh di nagbabaan nga iyong mga pasaherong nasa unahan, pababa na sana kaming mga nasa likod nang mapansin namin na pinababalik na iyong mga pasahero kasi ok na daw sabi nung driver. Bumalik na kami sa kinauupuan namin pero ako, hindi na ako komportable sa inuupuan ko kaya nagpalit kami ng katabi ko sa upuan kasi mukhang napansin niya nang ayaw ko nang umupo doon. Pagbaba ko sa may sakayan ng tricycle sa amin, nakita ko na bukas ang cover ng makina sa likod ng bus. Naisip ko na baka kaya umusok sa loob ng bus ay nag-overheat iyong makina. Dahil sarado naman ang cover ng makina sa loob, hindi makalabas ang usok at sa loob ng bus nakapasok. Paano nakapasok? Noong hindi pa puno ang bus, napansin ko, iyong sahig nila may tapal ng makapal na plywood, siguro iyong mga plywood na iyon, takip dun sa mga butas sa bus. Grabeng experience talaga, parang iyong kahapon lang sa Ariel, hehe..

Monday, August 15, 2011 | By: Klent

busy

hindi ako makapag post ng ayos at madalas lalo na ngayong mga nagdaang linggo dahil sa sobrang abala sa kaaaral at mga school requirements :/
Saturday, August 13, 2011 | By: Klent

Escape and Let go and let God

"Buti pa ang baliw hindi naiistress"

Buti pa nga ang baliw, wala nang gaanong inaalala, masaya at malaya na siya sa buhay niya, hehe.. Kaming mga nakakapag-isip ng ayos, hirap na hirap na sa sobrang dami ng ginagawa at iniisip. Sa sobrang dami ng mga pinagkakaabalahan, minsan mas gugustuhin pang tumakas sa katotohanan. Ang sarap nga naman noon, sa mundo ng pantasya wala ka nang iisipin, ikababahala o pagkakaabalahan dahil ganap ka nang malaya. 
Alam kong hindi dapat tinatakasan ang mga problema (pero heto ako nag boblog para makatakas sa problema) pero wala lamang itong maidudulot na solusyon at sa halip, mananatiling itong problema o mga bagay na sobra nating iniisip at pinaglalaanan ng atensyon. 
Sabi nga sa Bibliya, "let go and let God", ibig sabihin ialay natin ang lahat ng mga saloobin, hinaing o paghihirap natin sa Panginoon at siya na ang bahala sa atin. Mamaya, magdarasal ako bago matulog. :)

nakakapagod lang talaga, nakakaistress pa -_-
Friday, August 12, 2011 | By: Klent

Prayer

I just don't know how to start but I have something to share about prayer.

Prayer is a great way to talk to God. It doesn't require loads, sim cards, internet connections, headsets, gadgets, etc., you just have to have an open heart and an open mind. Prayer is the best way to communicate with our Heavenly Father. Whenever you're weary, sad or heavy burdened, just kneel down, close your eyes, hands held together and pray, just remember to do it wholeheartedly and sincerely. Nothing nor anyone can give you better comfort other than God. He doesn't literally respond by talking but He will respond through His living words - the Bible. We may able to tell to other people what we feel inside but they would not be able to feel exactly what we feel inside, only God can do. He will comfort you whatever pain or hurts you have for He know all about us, even our feelings. He knows what exactly what is inside of us and he deeply cares for us, we just don't care what He feels about us.

When we pray, it is important to thank, honor, and glorify God for all the Blessings and even the trials we had from day to day. Everything that happens to us happens for a reason and for us to grow in Christ. It is also important to ask forgiveness from God for the sins we committed throughout the whole day. And lastly, we may also ask for continuous blessings from Our God and thank Him for whatever happens to our lives. Whenever I pray at night, before I say Amen, I say "We trust you and we love you, let Thy will be done, In Jesus mighty name.." to show that I entrust my life to God whatever happens and I will still praise and worship Him as my God.
Thursday, August 11, 2011 | By: Klent

Koleksyon

Collection of Bus Tickets from July 9, 2011 - August 9, 2011

From upper left to lower left (clockwise direction): D.C. Perillo Liner ticket; Dakicyn JONCY ticket; MONDE Lines ticket; Erjohn & Almark ticket (white); San Agustin/Saint Anthony ticket; Villena Bus Lines (Jethro Liner) ticket; Saulog Transit Inc. ticket; RRCG Transport ticket; G-Liner ticket; AAB Bus Lines Inc. ticket; unknown ticket (familiar only - but now I know it belongs to the Villena Bus Lines (Jethro Liner)); Cavite Batangas Transport Service Cooperative ticket; EHV Liner ticket; STAN Liner ticket; more unknown tickets (?); Green Star Bus Company Inc. ticket

Ladder

This day was good, a very good day just like the other days that have passed.

I remembered a few things, I looked back..

I looked back at my accomplishments
I looked back at my achievements
I looked back at what I did today
I looked back at the challenges and trials

I looked back at everything and there was God, He was with me all the time. He was with me in my everyday living. My accomplishments and achievements were made possible through Him and with Him. He gave me trials and challenges to face so I can be sharper and more faithful in Him, but nonetheless, He was with me all the time. I thank God for everything, everything. Thank God. :)




I looked back, and I'm happy. :)
Tuesday, August 9, 2011 | By: Klent

pahinga -_-

gusto ko nang mahabang mahabang mahabang pahinga.. as in pahinga..

hindi ko gustong mamatay, lol!
at ayoko rin namang itigil ang pag-aaral ko kung gusto kong magpahinga..

lunes hanggang sabado kasi pasok ko at bitin ang linggo para makapagpahinga. Sa halip na pahinga pa nga, gagawa ka ng mga assignemnts, quizzes, projects, requirements, etc.etc. whew -_-

hindi na ako nakakatulog ng ayos
laging pagod
laging puyat
laging bitin ang tulog
hindi ko na nalilinis ang kwarto ko
hindi na ako nakakpagbasa ng Bibliya
at marami pang iba na gusto kong gawin,

pero higit sa lahat ang gusto ko naman ay magkaroon ng maraming oras para matulog.. umiiyak na ang katawan ko sa sobrang gusto nito ng mahabang tulog eh.. hehe..

pero naisip ko rin ngayon, ngayon-ngayon lang mismo, maswerte pa ako sa lagay na ito dahil mayroong mga taong sa pagtulog nila ay hindi na sila nagigising at mayroon din namang mga taong hindi na nakaktulog sa dami ng mga iniisip at inaalala. maswerte pa pala ako sa lagay na ito kaya hindi pala dapat ako complain ng complain. :)
Sunday, August 7, 2011 | By: Klent

Kinalakihang hindi dapat tularan

Noon pa man, hindi na kami malapit sa isa't isa ng tatay ko hanggang ngayon naman.. Nag-uusap naman kami pero walang personal na usapan, hindi pa kami nagawi sa ganoong usapan.
Ngayon bumabalik na naman siya sa dati niyang gawain, ang mag-inom, manigarilyo, at magsugal. Itinigil na niya iyan dati pero ang hindi rin umubra at ngayon nga ay nagbalik na naman siya sa datin niyang gawi..
Sabi nga ni mama, "kinalak'han na niya 'yan eh.." kung totoo man iyon, iyon ay masaklap na katotohanan.. Hindi ko alam kung anong problema niya bakit siya nagkaganyan, Christian pa naman siya.. ang purong motibasyon sa pagdidisiplina ay hindi uubra sa kanya.. Faith ang kulang sa kanya. Ang mga ginagawa niya kasing pamamaraan ay Self-help, ginagawa niya ang mga bagay nang sa sarili niya lang, na sa dulo, mabibigo din siya at babalik na naman sa dati niyang siya.
Kaya minsan nahihirapan akong irespeto siya eh.. kasi kung sarili niya nga hindi niya marespeto at kung ganyan ang mga kilos niya, parang ang hirap magpakita ng respeto sa ganoon. Nitong nakaraang araw nga, sa huli ko lang naisip na dapat hindi ko tinanggap ang binigay niyang pera sa akin pandagdag sa baon ko dahil naalala kong maaaring galing sa sugal iyon. Minsan hirap akong kausapin siya dahil sa mga kilos at pag-uugali niya. Nitong mga nagdaang araw nga, matapos manggaling sa opisina, sa sugalan ang punta, hindi nakakatuwa iyon. Mayroon naman siyang pinag-aralan pero ang pag-uugali niya parang hirap turuan, bumabalik at bumabalik sa dati. Kaya minsan ilag ako sa kanya, minsan hirap akong respetuhin siya, hindi ko maintindihan ang ugali niya at mga kilos niya, idagdag pang ipinapakita niya ang nakakababang pagrespeto ng mga kilos at ugali niya.
Gayon pa man, dahil ama ko siya sa dugo, ipinagdarasal ko na lang na sana dumating ang araw na mamulat siya sa mga kamalian niya bago pa man mahuli ang lahat. Ako naman bilang anak niya, hangga't maaari, hindi ko siya tutularan, gagawa ako ng sarili kong daan, malayo sa kanyang kinalakihan.
Saturday, August 6, 2011 | By: Klent

Imba bagyo A/C, haha!

Sumakay ako sa Saint Anthony of Padua 88045 papuntang SM Bacoor galing SM Manila kasi mayroon kaming munting salo-salo ng mga kaibigan ko noong High School. Nakaupo naman ako kaso sa left side dulo pero ok naman ako doon. Ang AirConditioning system nila ay ok naman, mararamdaman mo talaga kahit itapat mo lang ang kamay mo sa direksyon ng hangin, malakas naman.
Sa katagalan ng byahe, bago pa man mag-Baclaran puno na iyong bus, sobrang standing pa nga eh.. Nasa flyover na kami sa Baclaran nang biglang lumakas nang ga-bagyo ang aircon, as in malakas talaga, iyong tipong parang bagyo sa hangin at lamig iyong aircon nila, astig nga eh.. hehe.. Siguro sinagad nang bus driver iyong aircon kasi hindi kayang i-accommodate ng basic cool iyong dami ng tao sa bus kaya nilakasan, pero sa katagalan ng byahe, parang binabaan niya yata ng konti kasi medyo humina iyong tunog ng makina ng aircon pero malakas pa rin naman. Sarap sana ulit sumakay diyan. :))

litrato kinuha dito
Wednesday, August 3, 2011 | By: Klent

Feed history

nakakatuwang makita at malaman kung paano napapadpad ang iba't ibang tao sa blog ko mula sa iba't ibang bahagi ng mundo partikular na sa Pilipinas.

Mayroon silang mga partikular na pakay o hinahanap na minsan naliligaw sila sa blog ko dahil may kaunting "relevance" ang hinahanap nila sa internet o kaya'y mayroon akong pinost na medyo tugma sa mga pakay nila. Iba't iba ang hinahanap, iba't iba ang intensyon, nakakatuwang makita at malaman kung ano ang mga iyon. :)

Sapatos ko :(

Pati ang pinaka iingatan kong sapatos, napasok na rin ng tubig ulan.. :(
Iyong W. Brown kong sapatos na medyo me kamahalan ang presyo, ntatagusan na rin ng tubig kasi ramdam ko sa medyas ko kaninang umaga na medyo nabasa.. Napasukan na nga ng tubig iyong sapatos kong iyon.. Sobrang ingat ko pa naman doon kasi ang mahal noon at talagang magandang klase, tapos sisirain lang ng ulan.. whew. Nakakalungkot tuloy.. wala na akong maayos na sapatos, pati iyong pinaka iingatan kong black shoes nadali na rin ng tubig..
Tuesday, August 2, 2011 | By: Klent

A Christian view about DOTA

REPOSTED


DOTA (a satanic game)
The truth behind this game
DOTA (Defense of the Ancient)
(A Satanic Game)

School Bus

Umaga pa lang, malakas na ang ulan sa Maynila. Ang UST daw ang unang nagsuspend ng klase at sinundan na ng iba pang mga unibersidad, pamantasan, at mga kolehiyo. Ang school namin na pa-astig kunyari, ayaw pa ring magsuspend ng klase. Buti na lang binalita na rin sa tv na wala na rin kaming klase pero medyo late na kaya naman kinatanghalian, pina-suspend na rin ang klase namin. Bumili lang ako ng makakain sa daan at sa bahay na ako mag-lulunch. Sakto namang sa SM Manila mayroong nang Ariel Express pero Richford Bus Lines 1039 ang nakasulat sa livery, gayon pa man, iisa lang naman may-ari noon at mahalaga, nakasakay na ako ng bus pauwi sa amin. 
Trapik na nang makaikot at makalabas ng PNU, TUP kanina iyong bus na sinakyan ko pauwi at sa kahabaan ng Taft Avenue, nagkalat ang mga estudyante na nag-aabang ng masasakyan pauwi sa kabila ng pagbabaha sa Maynila kanina, hehe.. buti na lang sa pinaka-unahan ako nakaupo kaya kitang kita ko ang mga tao sa labas. Halos ang nagparami sa sakay ng bus ay mga estudyante eh, haha, puro malalapit lang din naman ang mga bababaan. :)) Pero puno pa rin ng pasahero kaninang tanghali kasi naipit ang mga bus na Cavitex pauwi at naglabasan pa ang mga estudyante, sabayan pa ng mga tao sa Baclaran kaya fully loaded din kami kanina at maraming standing din.

pinaghugutan
Monday, August 1, 2011 | By: Klent

Hahahaha!!

nakakatuwang makita sa internet iyong 3 beses ko nang nasasakyan na Saulog: Saulog Transit Inc. 71762 (pangatlo kaninang pauwi ako) na halos mamukhaan na ako ng konduktor. xD

sa bus kanina pag-upo ko..
Ako: (kumukuha ng pamasahe)
konduktor: "gahak?"
ako: (nagulat) "gahak po, estudyante"

parang nahulaan na nang konduktor kung saan ako bababa eh.. siguro namukhaan ako dati.. xD

SAULOG TRANSIT INC. 71762

pinagkuhaan ng mga litrato:

to be thankful in many ways..

Heavenly Father Lord God,
thank You for everything, for providing my needs..
thank You for my high grades
thank You for the safety
thank You for the health
thank You for the life
thank You for my friends
thank You for my family
thank You for this body
thank You for who I am today
thank You that I am able to think
thank You that I have feelings
thank You for the education
thank You for the love
thank You that you died on the cross to give us life
thank You that you forgive our sins everyday
thank You that you love us endlessly
thank You for the challenges, trials and hardships
thank You for everything Lord God

nothing You give that isn't a blessing to those who believes and trusts You
Let Thy will be done,
You hold our world in Your hands,
In Jesus Mighty Name,
Amen.

Grades

Wala lang.. naisip ko lang bigla..

Hindi rin naman kasi kailangang maging sobrang matalino ka para makakuha ng mataas na grades eh..

  • kailangan lang masipag ka mag-aral
  • kung gugustuhin mo talaga mag-aral/matuto, magagawa mo
  • kung makakuha man tayo ng mataas, maging masaya tayo dito :) kahit saan naman kasi mayroon at mayroong mas gagaling sa atin, contentment lang :) (minsan mahirap makuntento :p)
  • kung mababa naman, maging motivation ang resulta para magsikap makabawi at makakuha ng mataas na marka (most of the time ganito)
  • higit sa lahat, pray muna bago mag-exam, effective 'to :D
Wala lang, nashare ko lang.. alam ko din naman na marami akong mali at pagkukulang.. bakit hindi na lang tayo sabay-sabay matuto at magsikap para lahat tayo umunlad? :)