But then I realized, we're still too young to get involved in those things..Sa ibang pagkakataon tama iyan, sa iba din naman hindi.. Ika nga ng isa kong kaibigan ayon sa tato niya, Everything depends upon the situation.
Gusto kong manghingi ng payo sa mga matatanda pero at some point, naisip ko na maaaring sabihin nila na
"bata ka pa, marami pang maaaring mangyari sa buhay mo"
may punto sila, maaaring isa lamang akong bata na sobrang nagnanais ng isang bagay na matagal nang gustong makamtam...
o di kaya'y maaari rin nilang sabihin na
"bata ka pa, mag-aral ka muna at kapag may napatunayan ka na, tsaka ka na pumorma"
ou nga, payo ng ibang mga magulang at nakakatanda.. may punto din sila, maaaring ibabaw lamang ang nakikita ko at hindi ko matanaw ang ilalim.. ang mas malalim na kahulugan ng buhay ng may relasyon
ang pag-ibig nga naman, pinaka-weird sa lahat..
tama naman ang mga punto nila at nirerespeto ko iyon..
siguro nga, kahit mahal na mahal ko siya, kahit siya ang ninanais kong makapiling hanggang sa huling hininga ng buhay ko, may mga bagay siguro muna akong dapat harapin, mga hakbang na dapat hakbangin, at mga daanang dapat harapin..
masarap ang bunga na nahinog sa natural na pamamaraan.. mahihinog din ang prutas sa tamang panahon, darating din ang tamang oras at panahon..
mahaba pa ang lalakbayin, marami pang bundok at dagat ang tatawirin subalit hindi dito nagtatapos ang lahat
:)
0 comments:
Post a Comment