May kukuwento lang ako..
Back to school na naman.. whew. Since irregular student ako, malamang malaki ang tsansang iba-ibang estudyante at mga kaklase ang makikilala ko. Ang tao pa naman ngayon, especially kabataan, kung ano ang una mong impresyon sa isang tao, iyon na ang inaasahan mo sa kanya hanggang sa dulo. Mas pinapansin nila agad ang panlabas na kaanyuan ng isang tao bago nila kilalaning maigi ito. Hindi ko naman nais na mapansin ako sa bago kong lilipatang school pero syempre ayoko din namang maintimidate or maging mag-isa. What I just want is respect and siguro, konting attention na rin, let's admit it, sino pa ba maglolokohan dito.
Another thing is nakalimutan ko, amff! Nanonood kasi ako ng The Biggest Loser (Pinoy Edition) kaya nakalimutan ko iyong sasabihin kong isa pa.
Ayun naalala ko na ulit, haha! Girlfriend talk. First year pa lang ako pero girlfriend talk na agad ang iniisip ko, haha! Hindi naman sa nagmamadali or aggressive ako. CURIOUS lang ako sa kung ano ba ang feeling ng may-gf? Haha! PERO ako kasi iyong tao na kuripot at gusto ko iisa lang ang focus ko, ayoko nanag marami at sari-sari. Ang ibig kong sabihin ay
hindi pa rin ako prepared sa relationship dahil sa maraming kadahilanan. 1) Kuripot ako at ayokong may ibang pinagkakagastusan. Willing akong gumastos kung hindi ko panghihinayangan ang gagastusin ko at kung gagastos man ako, ayoko nang sobra-sobra, gusto ko iyong sapat lang, haha! 2) Ayokong mayroong ibang inaalala bukod sa studies ko, mas pipiliin ko pang wala akong girlfriend habang nag-aaral ako nang sa gayon walang sagabal sa pag-aaral ko. Mataas ang pangarap ko sa academics sa abot ng makakaya ko kaya ayokong may iba akong alalahanin, balak ko pa naman sanang maging continuous dean lister at maging magna, suma, or cum laude. :D Besides, iilan lang at rare lang ang mga babaeng hindi nagpapa-prioritize sa lalaki or what I mean is iyong may relationship pero sobrang seryoso pa rin sa pag-aaral, sobrang rare ng ganoon, swertehan lang. 3) Kung mapapansin mo dun sa first two, puro sarili ko lang, hehe.. Ayoko pa nang may ibang kaagaw sa oras at panahon ko, gusto ko, akin lang muna ang oras ko, I don't care kung maraming babae na ang dumaan sa mundo. Hindi rin naman big deal sa akin kung magkaasawa ako o wala dahil hindi naman siya gaanong nagsisink in sa utak ko at syempre, bata pa ako, haha!
Pero wag ka, baka malay mo, isang araw bumaliktad lahat ng sinabi ko dito, haha! Ay! Wag naman sanang mangyari lahat ng iyon agad-agad. Pwede pa sa matagal na panahon pero huwag agad-agad. Disaster lahat kapag nangyari iyan, tsk-tsk. Iyon na iyong mga thoughts ko sa pasukan bilang bagong salta sa maynila. :P