Bakit ganoon? Miski ako sa sarili ko hindi ko magawang iwanan nang lubusan ang lahat ng kamunduhang ito? Ang lahat ng uri ng kamunduhang ito?
Hindi ko alma, hindi ko alam.. Kapag tinanong ako nang "gaano kalaki ang pagsisilbi mo sa Diyos?" Hindi ko masagot ng 100% dahil may mga bagay na hindi ko talaga mabita-bitawan sa mundong ito. A good example is playing computer games, hindi ko talga maiwan iwanan ito. Ang hirap, hindi ko alam kung bakit.
Minsan nga naiinis ako sa sarili ko eh dahil bukod sa hindi ko magawang tuluyang maiwanan ang online computer games, naiinis ako dahil hindi ko alam ang dahilan kung bakit hindi ko ito maiwanan. Minsan nga naisip ko, "ganito ba talalga kapag teenager ka? Kalaban mo ba talaga ang kamunduhan?" Nakakalungkot mang isipin pero totoo, nakakalungkot mang sabihin pero may bahagi pa rin ng sarili ko ang pagkahilig sa mundo.
Bakit ganoon?
Dear Blog: UPDATE
7 years ago
0 comments:
Post a Comment