Salamin at Headset cont...
Pagkauwi ni Bry ng bahay ay agad niyang sinearch sa Facebook ang pangalan ni Jen at nakita niya agad ito. In-add niya ito at sakto naman online si Jen kaya inaccpet niya agad ito. Nakipagchat si Bry kay Jen.
“Ui amasungit!”
“Ikaw pala ‘yan!! Yuck! At ilang beses ko bang sasabihin na Jenny ang pangalan ko!!”
“Opo, opo, sori na po! Sori naman ha, Jen? Haha!”
“Buti naman at naintindihan mo!! Alis muna ako sandali, bye-bye.”
Bry: “Aw! Nag-out agad! Badtrip eh.. Mausisa nga ang profile..”
Ang hindi alam ni Bry ay nag-offline lang sa chat si Jen pero gumagamit pa rin ito ng Facebook.
Jen: “Hmmm.. Matingnan nga ang iba niyang pictures at ang profile niya.. Gitara kasi ang DP eh.. Badtrip! In fearness gwapo naman pala talaga siya, wala nga lang modo, haha!”
Nakita ni Jen sa profile ni Bry na taga-Imus lang pala ito at kinuha niya ang address nito. Samantalang sa profile naman ni Jen ay nakita ni Bry ang number ni Jen at kinuha niya ito. Hindi nagtagal naging malapit sa isa’t isa ang dalawa kahit na isang beses pa lamang sila nagkikita. Isang araw, balak magshopping ni Jen at magpapasama siya kay Bry kaya sorpresa nitong tinungo ang bahay nito.
Jen: “Sana tama ang bahay na napuntahan ko.”
Sinalubong si Jen ng tita ni Bry at tinanong kung sino siya at kung sino ang kailangan niya.
Jen: “Hello po, kaibigan po ako ni Bry, mangangamusta po sana ako sa kanya. Nasaan po si Bry ngayon?”
Tinuro ng tita ni Bry ang kwarto nito at sinabing katukin na lang lang ang pinto dahil nandoon naman daw si Bry. Hindi pa man nakakalapit si Jen sa pintuan ng kwarto ni Bry ay naririnig na niya ang magandang boses nito habang tinutugtog ang Ordinary Song. Nabighani si Jen sa ganda ng boses ni Bry at sa galing nitong tumugtog. Kumatok ito sa pinto ng kwarto ni Bry at itinago na lamang ang naramdamang pagkabighani.
Bry: “♪Just take some time to lend an ear to this Ordinary Song♪ Pasok lang po!”
Akala ni Bry ay tita niya ang kumakatok at laking gulat niya nang si Jen pala ito. Dali-dali siyang nagligpit ng kwarto niya para hindi naman nakakahiya kay Jen. Natawa lang si Jen sa naabutan at nakikita niya.
Jen: “Galing mo pala tumugtog ng gitara.”
Bry: “Ako pa, hehe..”
Jen: “Kahit kalian ka talaga..”
Bry: “Ui hindi, joke lang un ah, hehe.. Ano ba kailangan mo at nagawi ka dito? Hindi ka man lang nagpasabi para nakapag-ayos naman ako, hehe.”
Jen: “Ano kasi eh.. Ano..”
Bry: “Ano?”
Jen: “Papasama sana ako sa’yo magshopping? Ok lang ba?”
Bry: “Hahahaha! Magshopping? Anong akala mo sa akin? PA? Haha!”
Medyo napahiya si Jen sa sinabing iyon ni Bry kaya nagwalk-out ito.
Bry: “Sige na nga samahan na kita. Kung hindi ka lang maganda eh.”
Jen: “Ano sabi mo?”
Bry: “Wala po, magbibihis lang po ako at sasamahan na kita.”
Lumabas ng kwarto na nakangiti si Jen para antayin si Bry.
Bry: “Tara!”
Nagpasama si Jen sa isang malaking mall sa Ortigas at doon naisipang magshopping.
Jen: “Bagay ba sa akin ‘tong earrings na ‘to?”
Bry: “Alam mo para mas maganda, para mas eye-catching sa tao, samahan mo nang pagbitbit ng mga pinamili mo. Ang dami na kaya tapos ako pag pinagbitbit m. Ayos ka ah! Haha!”
Jen: “Sige na Bry, pakibitbit na lang. Pleeaaaasse! Please! Please!”
Bry: “Ha’ay! Ano pa ba magagawa ko? Whew.
Jen: “Salamaat Bry!”
Alam ni Bry na hindi niya matanggihan si Jen lalo na ang mga ngiti nito. Nag-enjoy ang dalawa sa gala nilang iyon. Kung saan-saan sila nagparito’t nagparoon sa loob ng mall at si Bry ang tagabitbit ng mga mabibigat na dalahin ni Jen. Sulit naman ang lahat ng iyon dahil lagi niyang nakikitang nakangiti si Jen. Gabi na nang makasakay ng bus pauwi ng Cavite ang dalawa.
Jen: “Bry, hatid mo ako hanggang sa amin ah.”
Bry: “Ok ka lang? May jetlag ka pa yata sa pamimili eh? Hindi ko nga alam ang bahay mo papasama ka pa sa akin? Haha!”
Jen: “Eh di isasama kita sa bahay ko para mahatid mo ako, hindi ba?”
Bry: “O siya, sige na nga.”
Jen: “Thank you Bry! Ang bait mo talaga.”
Bry: “Sus! Ako pa ang binola.”
Panay ang tingin ni Bry kay Jen habang abala naman itong nagkukutkot ng mga pinamili.
Jen: “Bakit panay ang tingin mo sa akin?”
Bry: “Ui asa! Iyong mga ilaw sa highway tinitingnan ko no?”
Jen: “Pasimple ka pa eh.. May gusto ka sakin no?”
Bry: “Wala.. Wala ah. Makatulog na nga lang para wala nang masabi.”
Natatawa na lang si Jen sa mga reaksyon ni Bry. Nang akala niyang tulog na ito habang nakasalpak ang headset, kinakausap niya ito.
Jen: “Paano kaya ito nakakatulog nang may headset sa tainga? At bakit ang gwapo mo pa rin kahit natutulog ka?”
Ang hindi alam ni Jen ay gising pa ito at nakapatay ang music nito kaya rinig niya ang lahat ng sinabi ni Jen. Nagulat si Jen nang bigla itong sumagot sa mga tanong niya kanina.
Bry: “Syempre nakapikit ako matulog. Anong gusto mo nakadilat? Haha!”
Jen: “Hoy gising ka pa pala!”
Bry: “Syempre, kaya nga kita nakakausap eh.. At bakit ang lagkit mo makatingin sa akin? Nagagwapuhan ka sa akin no?”
Jen: “Hoy hindi no! Tinitingnan ko kung malapit na tayo.”
Bry: “Tinitingnan daw, haha! Bakit, may sarili ka namang bintana ah, bakit dito ka nakaharap? At tsaka ang layo pa kaya natin, hahahaha!”
Jen: “Che! Ewan ko sa’yo! Matulog ka na nga lang diyan.”
Balik sa pakikinig ng music si Bry at hindi na natulog. Maya-maya ay naramdaman niya na nakasandal na pala sa kanya si Jen at tulog na. Tiningnan niya kung nagpapanggap lamang itong tulog pero tulog na talaga.
Bry: “Panigurado pagod ‘to.”
Itinigil na rin ni Bry ang pakikinig ng music, tinabi ang headset, sumandal din kay Jen at natulog.
Jen: “Salamat sa paghatid sa akin Bry ha.”
Bry: “Walang anuman basta ikaw.”
Jen: “Mambola daw ba? O pano Bry, pasok na ako, goodnight, ingat sa pag-uwi.”
Minamasdan lang ni Bry ang pagpasok ni Jen sa kanyang bahay pero bago pa man magsara ng pintuan si Jen ay humirit pa si Bry.
Bry: “Jen..”
Jen: “O bakit Bry? May kailangan ka pa?”
Bry: “Wala naman.. May itatanong lang sana ako.”
Jen: “Ano iyon?”
Bry: “Nakakahiya mang sabihin pero.. Pwede bang manligaw?”
Ngumiti si Jen at hinawakan ang dalawang kamay ni Bry at sinabing magbibigay na lamang siya ng palatandaan kung maaari na siyang manligaw.
to be continued..
to be continued..
2 comments:
Asan n yung kasunod?
Tagal Xp
Post a Comment