Wednesday, June 22, 2011 | By: Klent

Some points to ponder

Alam ko hindi dapat ako nagboblog sa weedays kasi kumakain siya ng portion ng time ko pero gusto ko lang maibahagi ito para maging written evidence ng lesson ko dito..

1. Achievements. Failures. Lessons

2. Hinagis ko ang boomerang pero ako din ang tinamaan.


1. This day is a mixture of acheivements and failures which resulted into lessons. Chemistry na naman? Anyway, kapag may naaachieve ka, may natutunan ka doon, either beofre, in the process ro even after the achievment, mayroon kang matututunan. Sa kabilang banda, failures din, sobrang grabe magturo iyan, parang personal teacher.
2. Alam mo iyong pakiramdam na nakasakit ka ng ibang damdamin ng ibang tao nang hindi mo napansin. Alam mo iyong pakiramdam na may sinabi ka para sa ibang tao pero sa katagalan, malalaman mong ikaw rin pala ang tatamaan.
May kagrupo kasi ako sa chemsitry lab namin at hindi ko gusto nag ugali niya sa chem. Sa sobrang pinangunahan na naman ng dibdib pero ko ang utak ko, sinundan naman ng bibig ko. Hindi ako nang-away o nagmura sa harap ng ibang tao.. Sa sobrang nadala ako ng damdamin ko kanina, naikwento ko sa iba kong kagrupo na naiinis ako dun sa kagrupo kong iyon at sinapawan pa ng magaling kong bibig. Ang masama duon, hindi ko namamalayang nang-aapi na pala ako..
ang sabi ko kasi noon sa sarili ko kapag nakakakita ako ng mga gwapo/magaganda na pangit ang ugali, ang sinasabi ko sa sarili ko "maganda/gwapo ka nga, pangit naman ugali mo.. anong sense?" ngayon pag-uwi ko nang bahay, late ko nang narealize na ako din pala ganoon. "matalino ka nga, pangit naman ang ugali mo.. anong sense?" nakakalungkot, nakakaguilty, kung sinasabi ko noon sa ibang tao sa akin din ang balik ngayon..  unconsciously kanina talaga, nanghahamak na ako ng ibang tao na kung saan hindi na maganda iyon kundi masama na.. nakakalungkot lang pero sadyang totoo..

Sasabihin ko ito kay Ama.. sobrang naguilty ako eh.. hehe..

0 comments:

Post a Comment