Monday, June 6, 2011 | By: Klent

Why did I..

Sa tuwing nakakagawa ako ng kasalanan na alam kong sinadya ko, after kong magawa iyon, grabe ang bigat sa pakiramdam. Iyong pakiramdam na para bang nakapatay ka ng tao o mayroon kang malaking pinagsisisihan, pakiramdam na hindi madaling mawala at talagang pagsisisihan mo dahil alam mong ikaw ang gumawa. Ang IMBECILE no? Alam ko sa sarili kong gagawa ako ng kasalanan pero hindi ko naman pinigilan o itinigil. Lahat naman ay walang ligtas sa paggawa ng kasalanan, araw-araw tayong sinasamahan ng devil at nang holy spirit. Nandyan ang devil para lalo tayong i-push na gumawa ng kasalanan habang ang holy spirit naman ay para pigilan tayo sa paggawa ng kasalanan dahil iyon ang tama. Pero sa mga pagkakataong alam ko na ang mali at ginawa ko pa rin, para ko na rin sinabing tinanggihan ang holy spirit at kinampihan ang devil, bumubigat ang pakiramdam ko pagkatapos noon. Tanga na sigurong maituturing iyon dahil alam kong mali, pinagpatuloy ko pa.




Confession lang ang tanging paraan para mawala itong burden na ito dala ng paggawa ng kasalanan.

1 John 1:9

New International Version (NIV)
9 If we confess our sins, he is faithful and just and will forgive us our sins and purify us from all unrighteousness.
Wala nang ibang dapat pagsabihan pa nito kundi si Lord God through prayer. Faith is highly required dahil naniniwala akong mapagpatawad si Lord. Hiyang hiya na nga ako sa kanya eh, kasi tayo ang dapat na maging faithful sa Kanya pero ang lumalabas Siya pa ang nagiging faithful sa atin ngayon. Weak faith din ang dahilan kung bakit ko nagawang mas piliin pa ang devil kaysa sa holy spirit at talagang nakakalungkot. Paulit-ulit man tayong magkasala, mahalaga aminin natin ito sa Kanya nang may pagsisisi at papatawarin Niya tayo.

0 comments:

Post a Comment