Showing posts with label EXPERIENCE. Show all posts
Showing posts with label EXPERIENCE. Show all posts
Monday, October 15, 2012 | By: Klent

Hindi na muli

Nakakahinayang. Nakakainis. Paasa.

First time kong maranasan ang complete "talk shit" event. Ang nakakainis kasi na parte ay ang pagpapaasa na tuloy ang gala; pati excitement mo sagad-sagarang pinaasa. Nakakainis, nakakapanghinayang.

Sana pala sumama na lang ako sa mga kaklase ko nitong nagdaang semester nang sa gayon ay mas nakilala ko pa sila. Sana sa kanila ko na lang binigay ang nalalabi kong oras na kaklase ko sila. Sana sa kanila na lang ako sumama bago nagwakas ang first semester ng 3rd year college life ko. TangNa talaga, nakakainis. Ang shit dre.

Hindi sana mag-iiwan ng marka ng ganito kung sa mga kaklase ko nitong nagdaang semestre ako sumama, sayang talaga. First time kong maging 3rd year college at bawat experience ay mahalaga pero sayang eh, sayang talaga. Sayang iyong pagkakataong nakilala ko sila nang lubusan kung hindi ako namali ng desisyon. Subalit kahit anong pilit ko sa isip ko hindi ko magagawa iyon at lalong hindi ko na maibabalik ang takbo ng oras at panahon.

Gusto ko na lang gumala ngayon dahil nabitin iyong excitement na sana natapos ngayon araw na ito. Minsan mas iisipin mo pang huwag na lang magtiwala dahil mayroong punto na ang tao pare-parehong mga paasa. Ayoko nang umasa sa mga salita at pangako, mas lalo na akong magiging maingat sa mga salitang walang laman na binibitawan ng iba't ibang tao. TangNa talaga natapos ang isang semestre sa panghihinayang, hindi sa mga subject dahil p*** wala akong pakialam diyan, mas pinanghinayangan ko ang sana ay oras na makilala nang maigi ang mga taong naging parte ng unang semestre ng 3rd year college life ko. Kainis. Kainis.
Monday, August 6, 2012 | By: Klent

Napapanahon

Baha. Walang kamatayang baha. Kapag sumobra ang baha, suspension na agad ng klase ang kasunod. Normal na sa ilang parte ng Pilipinas ang binabaha kapag may bagyo. Iyon ang kaso noon. Subalit ngayon konting ulan lamang hindi lang ilang parte ng Pilipinas ang binabaha, pati na rin ang mga siyudad. Naisip ko na noon kahit tuloy-tuloy ang ulan basta't walang bagyo, hindi madaling magbabaha sa mga bayan at mga siyudad na hindi magbubunga sa suspension ng klase. Subalit ngayon magtuloy-tuloy lamang ang ulan ay magreresulta na agad sa biglaang pagbabaha at magkakaroon na agad ng suspension ng klase sa iba't ibang parte ng Pilipinas kahit wala namang bagyo.
Kung tutuusin isa sa sanhi ng pagbabaha ay ang tao din mismo. Old school mang tingnan ang mga signage na "Munting Basura, Ibulsa Muna", "Bawal Magkalat", "No Littering", "Dispose Garbage Properly", ito na ang pinakasimpleng mga panuto na dapat nating sundin sa mga munti nating basura. Hindi naman mahirap intindihin ang iba diyan dahil kaya itong maunawaan ng mga kapwa natin Pilipino. Mayaman man o mahirap ay kayang unawain at sundin ang mga simpleng panuto na iyan sa pagtatapon ng basura. Subalit sa panahon ngayon ang tao kahit simpleng panuto na lamang ay hirap pang sundin. Hirap disiplinahin ang sarili para sa mga munting bagay na kung tutuusin ay kaya namang gawin. Kung ang bawat tao ay magkakalat ng kanya-kanyang basura sa kalsada, isipin na lamang na ganoon din karami ang mga basurang tatambak sa mga kanal, drainages at sewerages natin. Ang resulta ay malawakang pagbabaha kapag mayroong malakas at tuloy-tuloy na ulan kahit wala namang bagyo. Sa atin din babalik ang perwisyo at hirap na bunga ng pagiging iresponsable sa mga basura natin.
Nitong sabado lamang habang pauwi na ako galing school sa kasagsagan ng malakas na ulan sa may intersection sa Coastal Mall, habang naka-stop ang mga sasakyan na patungong South ay nakita ko ang isang matandang tindero sa kalsada  na inilublob niya ang kamay niya sa nagbabahang gutter doon. Minatyagan ko siya ng maigi at nakita kong may mga plastic cups, food wrappers, styro cups, at plastics siyang nakuha. Maya-maya ay nasaksihan kong unti-unting dumaloy ang tubig doon sa drainage na nabarahan ng baha gawa ng mga basurang humarang doon. Nasaksihan ko ang direktang bunga ng kapabayaan natin sa pagtatapon ng mga basura. Kadiri mang tingnan ang ginawa niya subalit nakita ko ang pagmamalasakit at pagkukusa niya para maiwasan pa ang lalong pagbabaha sa lugar na iyon. Sayang nga lang at nahiya akong kuhaan siya ng litrato o video sa ginagawa niyang iyon pero maituturing na kabayanihan at pagkukusa ang ginawa niyang iyon.
Hindi naman natin kailangang maging sobrang edukado para maunawaan ang pagsunod sa mga simpleng alituntunin sa pagtatapon ng basura. Ang pagkukusa at pagdidisiplina sa sarili ay walang pinipiling edad, kasarian, at estado sa buhay; walang excempted sa pagdidisiplina sa sarili. Dahil sa huli, kung anong ginagawa natin sa paligid natin ay siyang babalik din sa atin.
Tuesday, July 24, 2012 | By: Klent

Iba pa rin kapag Saulog (Ternate)

Kaninang papasok ako ng eskwelahan, sakto pagbaba ko ng tricycle sa may kanto ng 7-11 (Centennial Road), may Saulog Transit, Inc. (Bus No. 71751; Ticket No. ko: 69282) nang nag-aabang ng mga pasahero. Nagmadali akong makasakay at baka umalis na iyon. Sakto namang pagsakay ko may mauupuan pa. Umalis iyong bus na saktong seating capacity at pagdating ng Zeus (old gasoline station) nagsakay lang ng ilan ang bus at umalis na din agad. Iba talaga kapag Saulog, malapad na ang upuan, malamig at higit sa lahat mabilis ang byahe. :)

Kanina sa byahe ko pauwi, usual with daily routine, mag-aabang sa may Rizal Park ng bus na byaheng Ternate kahit sa Gahak (7-11) lang ako bababa kasi dadaan iyong mga bus na may signed board na ganoon ng Cavitex. May dumaan na AAB Bus Lines, Inc. (Bus No. 983; Ticket No. ko 995516) at dahil alam kong byaheng Cavitex iyon, sumakay na agad ako, dagdag pa iyong eksenang wala naman nang ibang bus na byaheng Cavitex. Hindi ako nagtatapon ng ticket kaya lahat ng mga ticket ko mula nang mag-college ako sa Manila ay tinatago ko. Maluwag pa naman iyong bus kaya nakapili pa ako ng lugar na mauupuan, mas pinili kong maupo sa right side (facing the windshield).
Lagi namang aabutan na eksena sa kahabaan ng Taft Avenue ay mahabang trapik lalo na kapag hapon. Uusad ng kaunti, titigil at uusad na naman. Iyong sinasakyan kong bus, ang bagal ng andar, halatang nagpapakabakaw sa pasahero. Maya-maya mula sa likod, nakita ko sa bintana na may Saulog (iyong maliit lang) na dumaan na byaheng Ternate. Pero ang bilis ng Saulog na iyon na nagpasingit-singit sa traffic kaya nakaalis agad. Ayon, mabilis na nawala sa paningin ko iyong Saulog. Kami, iyon tumambay pa iyong AAB nang matagal, nagpakabakaw sa pag-aabang ng pasahero. Wala tayong magagawa ganoon talaga eh.. Tuloy ang pakikipagbunuan sa traffic. Soundtrip para matanggal ang boredom. Nakabyahe kami ng Cavitex na punong-puno iyong bus. Subalit ang nakakainis na part ay pagdating ng tollgate ng Cavitex, naabutan na naman kami ng isa pang Saulog (BCI or Yutong unit yata iyon) na byaheng Ternate din at mas nakakatawa na iyon ay may 4 lang na standing tapos sa amin, siksikan, san ka pa? Heto pa malupit, nauna kaming makapasok ng tollgate pero nauna pa iyong Saulog na makaalis. Sa sobrang bagal ng byahe namin, nalampasan na kami ng 2 Saulog, nakakadismaya lang iyong bus na nasakyan ko.
Pagbaba ko sa Gahak (7-11), nakita ko iyong signed board ng Bus, capital letters ang NAIC, may tanza,tejero at maragondon din. Sabi ko na lang, "pambihira, kaya naman pala eh..". Kahit naman byaheng Ternate iyong AAB, bakaw pa rin sila sa pasahero eh, hindi gaya ng Saulog. All in all walang panama ang ibang mga bus lines gaya ng Stan Liner, RMS Liner, Stow Away Liner, OGAWA Liner, Don Aldrin (Jethro Liner), St. Anthony, itong AAB Bus Lines, Inc. gaya ng nasakyan ko, at ang iba pang mga minor bus lines na bumabyahe sa Centennial Road kumpara sa satisfaction na maibibigay ng Saulog Transit, Inc. sa mga pasahero nila. 
Two thumbs up sa Saulog, still the best!


Saturday, July 21, 2012 | By: Klent

Ano ba??? O.o


Kanina nagbukas ako ng Facebook. Nagback read ako ng mga posts sa News Feed. Nakakita ako ng isang post mula sa isang fan page na nagsasabing

"LIKE and SHARE if you love grandma
SCROLL DOWN if you want her to die"

hindi ko maalala kung ganyan mismo ung mga salitang ginamit pero iyong isang kaibigan ko sa FB (multiple meanings), nagpauto naman sa ganoong post.

Anooo baa???? Gumising nga kayo. Huwag kayong pilosopo. Huwag kayong magpauto. Huwag kayong magpakatanga. Inuuto lang kayo ng mga FB pages/fan pages na 'yan dahil either wala silang magawa o kulang sila sa pansin, o 'di kaya kulang lang talaga sila sa brain cells kaya ganoon ang naisip nilang paraan para manatiling buhay iyong page nila o para makapang-uto sila ng tao. Guys it's stupid, sa totoo lang.
Hindi mo naman kailangang sundin ang ididikta ng mga pages na yan sa pagsabi nila ng LIKE and SHARE sa mga posts nila kung gusto mong may patunayan eh.. marami namang mas konkreto at mas malalim na paraan para maipakita mo iyong gusto mong patunayan. Hindi mo naman siguro nanaisin na ang sukatan ng digdidad mo ay nakukuha lang sa LIKE at SHARE ng isang post sa facebook?

Nakakainis kasi na madalas below the belt, crossing the line, o offensive na iyong means para magpapansin, ay este magpa-like  ang mga pages ngayon. Ilan sa mga halimbawa nito ay:

hit like and share if you love God, scroll down if you love the devil
hit like and share if you love your mom/dad/family/friends/relatives (kahit sino) or even pets, scroll down if you don't

 What the heck?! hindi lang naman post ng isang fan page ang laman ng facebook news feed ng bawat isang FB user kaya kailangan niya talagang mag-scroll down para makita kung ano ang iba pang laman ng News Feed niya. Bakit kapag ba hindi ni-like at share ang isang post at nag-scroll down na agad, salungat na agad ang ibig sabihin? Hindi lahat ng tao tanga at nauuto sa mga non-sense na posts ng ibang non-sense na facebook pages.

Ngayon kung trip mo lang ding gawin iyong mga sinasabi ng mga pages sa FB dahil nga naman wala ka lang magawa, bahala ka sa buhay mo. Sabagay kanya-kanyang trip lang din iyan. Pero may mga bagay na sadyang sigurado, mayroong mang-uuto at mayroong mga nagpapauto. Mayroong mga magpapapansin at mayroong mga sadyang papatol. Ganoon lang iyon eh.. Guys huwag kayong maging mababaw, iyon lang. Ngayon kung tinamaan ka ng mga nabasa mo, pasensya na pero sadyang totoo.

"LIKE and SHARE this post
SCROLL DOWN if you want to ignore"

:p 
Sunday, July 15, 2012 | By: Klent

Ou nga..

Noong bago pa ako lumipat ng course (medical field din), marami na talaga kaming inaaral at kinakabisado at isa na doon ang Ana.Phy. (Anatomy & Physiology). Marami talagang inaaral doon at kinakailangan iyon ng maiging pag-aaral at pagbabasa, hindi basta basa lang.
May mabuti kaming professor na nagbigay sa amin ng payo para daw hindi kami mahirapan matuto at nang sa gayon makasagot kami sa mga pagsusulit para makapasa. Kung ang subject ay once a week lang ang meeting (kadalasan majors ang ganito) at may quiz next meeting, simulan na ang pagbabasa mula sa araw na sinabing magbibigay ng quiz next meeting. Hindi naman daw kailangang lahatan, kahit paunti-unti lang hanggang sa marating mo iyong dulo nang mga dapat mong basahin; para pagdating ng gabi bago ang quiz kinabukasan, scan na lang ang gagawin at hindi na mag-procrastinate. Basically, ang thought doon umpisahan nang magbasa unti-unti para hindi mahirapan sa huli.
Bukod pa doon naisip ko, at payo na rin ng mga professors sa medical field, dapat masipag ka talagang magbasa kung pursigido kang matawid ang mga pagsubok ng medical field. Ngayon may nirereview ako dahil may quiz ako bukas (CC 1 at Genetics) at bigla kong naisip ang lahat ng ito kaya ko nilagay dito.
Saturday, July 14, 2012 | By: Klent

For her birthday! :))

One time I had a conversation with my friend, I told her that I wish I have a fair (mestizo) complexion. She asked me why. I answered that when you have a fair complexion, you would look handsome and attractive to women.
Her reply was an eye opener to me and yet an awful truth. She said that people nowadays, the youth, our current generation are too shallow. Teens nowadays are too shallow in choosing their standards in having a relationship with someone. They prefer to set their standards solely on physical attributes without giving regards to what is inside a person's heart and mind. Yeah, she's right. Teens nowadays just "fall" to someone with good looking appearance even though in the first place, they don't really understand what it means to "fall to someone".

Even though this conversation was happened long ago, I still can't forget it. Thanks to her my ignorance was decreased. It was a great eye opener. I made this post as a gift in her birthday. Anyway, thank Ai for the eye openener. Happy Birhday! :))

P.S. and because today is your birthday, you must check the grammar and punctuation in my Birthday note to you. ^^V
Tuesday, June 26, 2012 | By: Klent

QUIZZES NG MAJORS

ito ung feeling na gusto mo nang mag-mental breakdown sa sobrang dami ng pinapaaral

iyong tipo na parang kulang ang isang araw na pagitan sa susunod na klase para makapagreview dahil quiz next meeting

ito iyong feeling na sana wala iyong professor mo o busy siya, o may seminar o kung ano mang rason para hindi kayo mag quiz

iyong feeling na system overlaod na pero kalahati pa lang natatapos mo

iyong feeling bitin ang oras at panahon

nakakabaliw, ang bigat dre, haha!!
Thursday, June 21, 2012 | By: Klent

Si Boy Badtrip at Ang Pulpol na Bus Driver

Kararating ko lang ng bahay ng mga bandang 4:40 sa relo ko. Nabadtrip ako sa byahe sa bus pauwi, as in badtrip na halos naapektuhan na iyong kabuuhan ng byahe ko pauwi.

Sa may Rizal Park (kahabaan ng Taft Avenue) ako sumasakay ng bus pauwi ng Cavite. Pagtawid ko mula sa kanto ng Sta. Isabel College may bus na agad na byaheng Cavitex ang nandoon. Buti na lang traffic kaya nahabol ko pang sakyan. Stan Liner ang nasakyan ko pero puro tadtad ng ads kaya hindi ko napansin agad ang body number. Ayoko naman nang mag-abang ng iba pang bus dahil matagal at iyon na ang nandoon.
Tanggap ko na ang traffic sa kahabaan ng Taft Avenue lalo na hanggang bago makatawid ng kanto ng Pedro Gil. Sa may bandang kahabaan ng PGH na iyong bus na sinasakyan ko at mabagal na umaandar para makapagsakay ng mga pasahero sa gilid-gilid dahil halos wala pa sa 1/4 kaming pasahero. Maya-maya may dumaan na Ariel Express (opt. by St. Anthony of Padua) na halos wala ding gaanong laman at hindi na ito tumabi para magsakay dahil alam naman na may kakumpitensya-iyong sinakyan ko. Malamang dumiretso na iyon ng Baclaran para doon na magpuno. Potek medyo nainis na ako kasi naunahan pa kami ng bus na iyon (base sa experience ko, ang mga driver ng bus ng Saint Anthony hindi gaanong nagbababad sa kaaabang ng pasahero) at doon ko lang naalala na iyong sinasakyan kong bus kanina ay iyong dati kong nakita na ang hilig magbabad para mag-abang ng pasahero. Bwiset! As in usad pagong talaga kami bago pa man makatawid ng kanto ng Pedro Gil ung bus. Eto pa, tang-inis talaga, 2 stop na ang inabot namin sa kanto bago pa naisipan nung pulpol na driver nung bus na iyon na umusad na. Nakalampas man ng Pedro Gil, takte, byaheng pagong pa rin ang ginagawa. Inabutan na naman kami ng stop sa sumunod na kanto. Bago pa mag-go may Saulog naman na nauna sa amin. Potek talaga, 2 bus na ang nakalampas sa amin hindi pa rin nagmamadali iyong driver noong bus na sinakyan ko, takte kainis!
Ang malupit pa, sinuyod na lahat ng kanto ng byahe sa Maynila, nagbabad pa sa kanto ng Quirino. Talaga naman, tang-inis! Wala namang sumakay, bwiset! Kung hindi ba naman isa't kalahating tanga, sa sobrang kabagalan niya, naunahan na siya sa pasahero ng mga naunang perhong byaheng bus. Bobo. Noong naisipan na umusad, gusto ko na ngang sabihinsa driver, "boss baka gusto mo pang bagalan, nakakahiya naman sa iyo eh"?!! Paglabas pa lang ng Quirino Avenue doon pa lang naisipan nung driver na medyo bilisan naman ang pagpapatakbo ng bus. Kupal na kupad pa, tang-inis talaga.
Ngayon nadala na ako, sa susunod hindi na ako sasakay sa bus na iyon kahit na mauna pa siya sa ibang bus dahil ang sobrang kupad naman. Malamang mauunahan pa iyong ng ibang bus sa sobrang pagiging bakaw sa pasahero. Malamang iyong driver ang kupal kung bakit mabagal ang bus, potek. Sa sobrang inis ko kanina, naisip ko na lahat ng driver ng Stan Liner na bus bakaw sa pasahero. Mga makukupad. Iba pa rin talaga kapag Ariel Express at Saulog ang sinakyan eh.. Hindi na ako uulit sasakay ng Stan Liner 1003 na 'yan. Ubod na ng bagal, ubod pa ng bakaw sa pasahero ng driver. May plate number ito ng UVL 973 at bumabyahe ito ng Naic, ubod pa ng tad-tad ng ads.

Saturday, June 16, 2012 | By: Klent

Just around the corner of my head

Sometimes I would like to quit, I would like to give up. Life's hard, as always. Boulders and boulders of challenges are always present in everyday life. But then I've realized that these boulders are God's way of saying that we're humans and we must rely on Him to help us smash those boulders in our way.
It's more than positive thinking, it is called FAITH.
I know to myself that lately I've been dwelling in the useless ideas and worrying much in the pointless things. I've never been considering holding on to my FAITH which is basically much more important than what I've been thinking negatively. It's funny that what I believe that the simple answer to my worries is just authentic FAITH, I've only placed it behind my mind without considering it.. it's shameful though.
And now that I know where I would run and return to and what to hold on despite the barricade of problems ahead, I will be able to smile and face it all with confidence.


GOD BLESS US ALL! :)
Wednesday, June 13, 2012 | By: Klent

Panibagong Yugto

Kinakabahan ako. May pasok na ako bukas, ay mali mamaya na pala, madaling araw na kasi eh. Kaninang mga bandang pagitan ng 10 ng gabi hanggang 12 ng madaling araw, hindi ako makatulog at hindi ako mapakali. Excited ba ako o kinakabahan sa pagpasok ko. Hindi ko alam kung anong lamang pero panigurado, naghahalo silang dalawa. Irregular 3rd year na ako pagpasok ko subalit kahit irregular
Friday, June 8, 2012 | By: Klent

The Gift of Present

Lately I've been thinking a lot about the events that may happen in the first day of my class as a third year college. June 13 is our first day and as the days go by, I can't stop thinking what will we do in the first day. And as the first day of class is getting near, I'm getting more and more nervous each day that pass. Sometimes even before I sleep, that would be the last thing that will be registered in my mind. Luckily I didn't dreamed about it.

But then I realized, I'm stressing myself too much of the things that haven't happened yet. I'm thinking too much of the future even that no one knows what the future have or even if we will be able to reach what the future beholds. I realized that it's all right to plan for the future but never forget to enjoy the present or what we have today. Life's too short to think of the things about the future without enjoying what we currently have. One day, we will all die but it would be a huge regret that we didn't relish the moments of the things we had until the very last breath of our life.
The Bible also shows many verses telling us not to worry about tomorrow or the future.

Matthew 6:25-27

New Living Translation (NLT)
25 “That is why I tell you not to worry about everyday life—whether you have enough food and drink, or enough clothes to wear. Isn’t life more than food, and your body more than clothing? 26 Look at the birds. They don’t plant or harvest or store food in barns, for your heavenly Father feeds them. And aren’t you far more valuable to him than they are? 27 Can all your worries add a single moment to your life?

Luke 12:25

New Living Translation (NLT)
25 Can all your worries add a single moment to your life?

Matthew 6:34

New Living Translation (NLT)
34 “So don’t worry about tomorrow, for tomorrow will bring its own worries. Today’s trouble is enough for today.


Therefore the Bible concludes that we must not worry about the future for today's troubles are enough for us to handle. Besides we are always blessed everyday with more than the things we worry. We only tend to focus in the things that haven't happened yet. And lastly, the Lord God, Jesus Christ and the Holy Spirit is always with us everyday so we don't have to worry too much or about anything.
It's only ironic in my side that more often than not, obviously I tend to worry too much and I also lack faith in everyday's life. I'm ashamed that I know the facts and truth and yet I still hold on to the pointless ideas and emotions that cling in my brain and in my heart. Now what's important is to learn by heart and by mind that we have always enough worries and more blessings for everyday, enjoy the gift of life, and take faith for nothing is impossible to those who believe. :)
Tuesday, June 5, 2012 | By: Klent

Junior

Jun 13, first day of school bilang isang irregular 3rd year student. Irregular kasi mayroon pa akong mga pang 2nd year subjects na kinukuha. Kung itatanong mo pa kung bakit ako naging irregular, mahabang kwento pa iyon. 
Pero sa school namin, lalo na sa college namin, uso na ang umuulit ng subjects na binibigay per sem. Syempre bumabagsak pero hindi ibig sabihin noon, tanga lahat ng estudyante. Sadyang may mga professor lang talaga na ang hilig makipagkita sa mga estudyante niya sa susunod na semester. Maraming kwento, maraming spekulasyon, maraming hinala, maraming sabi-sabi tungkol sa 3rd year life ng college namin. Subalit ayokong manghusga agad nang hindi ko pa nasusubukan o nalalaman talaga. Mapalad iyong mga wagas na matalino at tunay na masipag sa college namin, sila iyong mga hindi na umuulit ng mga binigay na subjects at ibig sabihin wala silang bagsak. 
Ako bilang incoming irregular 3rd year(first timer) ng college namin, marami na akong nasaksihan at narinig na matatalino at magagaling sa klase na umuulit/bumabagsak sa mga 3rd year subjects namin. Bilang pag-iingat ko na rin dahil syempre ayokong umulit ng subjects at lalong ayokong magkaroon ng hindi magandang records sa grades, kailangan ko ng matinding sakripisyo.
Seryosong bagay ang pagsasakripisyo. Kung kailangan kong isakripisyo ang oras kasama ang mga kaibigan ko at sa paglilibang, gagawin ko matawid ko lang ng maayos ang mahirap na 3rd year life namin. Mahirap-halos lahat naman ng estudyante napapalaban kapag majors na eh.. pero sa kaso ng college namin, iba talaga. Hindi mo masasabi takbo ng utak ng mga professor namin subalit gaya nga ng sinabi ko kanina, ayokong mang-husga kung hindi ko pa naman nararanasan.
Malamang maraming masasaktan, maninibago at magbabago pero kailangan ko muna talagang magtiis, magtyaga, at magsipag sa mga majors ko. Sabi ng iba kumuha daw ng inspirsyon sa pag-aaral para lalong ganahan at lalong sumipag, ang sa akin lang, kailangan ko lang ng panahon na makapag-focus sa mahirap na parte ng pag-aaral ko sa pamamagitan ng pagsasakripisyo. Alam kong mahirap para sa lahat at hindi madaling tanggapin, pero alam kong kapalit naman ng konting sakripisyo ay mas mahabang nakagiginhawang paglalakbay para sa mga susunod na semester ng pag-aaral.
Friday, May 25, 2012 | By: Klent

Hindi ko inaasahan

Mayroon akong kaibigan na mag-dedebut sa May 29, 2012. Isa ako sa mga 18 na espesyal na imbitado sa kaarawan niya kaya naman, mayroon kaming pagsasanay para sa production number namin (ayaw niya kasi ng kutilyon style). At dahil ayaw niya ng kutilyon, iba ang style na gagawin niya, ang plano niya hip-hop style ang 18 dances niya, o diba lupet?!
Monday, May 21, 2012 | By: Klent

Hindi rin pala malayo

Binigyan kami ng mahabang assignments ng professor namin sa pamamagitan ng paperworks noong Wednesday (05-16-12) dahil may seminar siya ng 2 days (th-fri). Ipapasa daw namin ito sa monday. Ubod naman ng dami at haba ang mga pinagawa niya sa amin. Lumabas na mayroon kaming apat na araw, mula huwebes hanggang linggo para gawin ang tambak naming gawain. Dumaan ang biyernes at sabado, wala akong natapos sa lahat ng binigay niya. Linggo na lang ang natitira kaya talagang sinagad ko na at alam ko namang mauuwi sa cramming at procrastination ang mga paperworks ko, haha!
Dumaan ang linggo ng umaga at tanghali, hindi ko pa rin natatapos (ang tibay). Alam kong gabi na lang ang natitira sa akin para tapusin ang lahat ng iyon at alam kong babaran na naman sa pagpupuyat ang gagawin ko. Subalit sa pagdaan ng biyernes, sabado, at linggo ng umaga't tanghali, napansin kong puro bibig lang ang ginagamit ko sa paggawa ng mga paperworks ko. Puro reklamo, puro daing, puro pahinga. Pero noong ginagawa ko iyon ng gabi, hindi ko akalain sa sarili kong mabilis ko iyong nakalahati at hindi ko rin akalaing magagawa ko iyon.
Madalas pinangungunahan ng bibig ang isipan sa pagtapos ng mga gawain. Gaya ng nangyari sa akin, dumaan ang dalawa't kalahating araw na puro ako reklamo sa mga paperworks ko pero kung tutuusin, kaya palang gawin iyon ng maayos basta't tatahimik muna ang bibig at hahayaang gumawa ang isipan. Madalas pa, sa una sasabihin natin mahirap buuhin, tapusin o gawin ang mga bagay-bagay subalit kung pipigilan natin ang bibig at hahayaang magtrabaho ang isipan, tiyak na maisasakatuparan ang mga dapat gawin at tapusin. :)
Tuesday, May 8, 2012 | By: Klent

Mighty Bond

Magaspang?
Makasarili?
Sarado?
Nagpapanggap?

Siguro hindi lang talaga gustong gawin. Tinatamad. Hindi, hindi lang ganoon kasimple iyon. Tiyak na marami pang ibang mas konkretong mga sagot at paglilinaw ang nagkukubli sa naguguluhang isipan. Subalit bakit mayroong takot sa pagsabi ng katotohanan at paglilinaw gayong wala namang balak na pagsabihan? Tiyak na hindi malinaw ang lahat.
Subalit kahit basag na salamin man ang tingnan, ibinabalik pa rin nito ang dapat ibalik. Hindi naman binabaliwala ang ganoong katotohanan subalit pinangungunahan ng nalason na dibdib ang isipan. Inaalipin nito kung ano ang dapat na katuwang sa mga bagay-bagay. Hindi pa rin malinaw ang lahat at nakabusal pa rin ang isipan. Matagal na itong gustong sumigaw subalit pigil at tikom ang bibig. Sadyang humanap lamang ng paraan upang kahit papaano ay maisiwalat ang katotohanan:

.Hindi lahat ng plano at mga mungkahi sa isang pangkat ng tao ay napag-uukulan ng atensyon.
.Tiyak na ang bawat isang suhestiyon ay para sa ikaaangat o ikabubuti ng nagsambit ng mungkahi.
.Walang isang mungkahi na kung saan makikinabang ang lahat. 

Subalit ang ibang nais sambitin ng bihag na isipan ay hindi na lubos na mahalaga at sa halip ay mga hinaing na lamang.

.Mahirap humarap sa isang laban kung saan halos ang lahat ay nakapagsanay na nang mabuti at ang isa'y bagong miyembro lamang.
.Hindi lahat nang nagtutungo sa giyera ay makikipagdigmaan para sa kanilang ipinaglalaban, ang iba ay labag sa kalooban.
.Ang tagumpay ng isang pangkat ay hindi lamang nasusukat sa husay sa pag-eensayo, dapat ding bigyang pansin  ang kasiyahan ng bawat kasapi sa paraan ng pag-abot sa tagumpay.


Sa huli, naisiwalat man ang katotohanan, bihag pa rin ng nalason na dibdib ang isipan at tiyak na nilagyan ng piring upang lalong mabulag sa katotohanan. Inaasahan din naman ng bihag na maaaring humantong sa pagkabulag at pag-iwas, o mas malala pa ang paglisan matapos maisiwalat an katotohanan.
Ano't ano pa man, ang isipan ay dinidiktahan pa rin ng nalason na dibdib at hangga't walang katiyakan ang mga bagay-bagay, tiyak na ikukubli nito ang isipan sa mga bagay na magbibigay paglilinaw sa lahat.
Sunday, April 29, 2012 | By: Klent

kuryos lang talaga

Mahigit isang taon na rin ang lumipas nang nahiligan ko ang pagtingin sa mga litrato at aktwal na bus sa Pilipinas. Naaantig ako sa mga ito dahil ito ang pinakamalaking pampublikong transportasyon sa lupa. Ang paghanga ko ay nauwi sa pagiging curious kung paano nga ba ito binubuo o ginagawa mula sa pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit na bahagi at detalye nito. Nahihiwagaan ako kung paano ito nabuo mula sa mga pinagsama-samang bahagi hanggang sa isang finished product. 
Subalit wala akong kakayahan na gumawa ng sarili kong bus at lubos na kulang na kulang ang aking kaalaman sa mga ito. Kaya naman gusto kong malaman ang mga bahagi nito at kung paano ito binubuo kahit mga ideya man lang. Tumitingin na lamang ako sa internet at mga conversation ng mga bus enthusiasts dahil kahit papaano, kahit kaunti ay natututo ako sa mga pinag-uusapan nila. Bukod pa doon, marami pa akong gustong malaman tungkol sa paggawa ng bus at mga bus sa Pilipinas. Kung mabibigyan ako ng pagkakataon na magpunta sa pagawaan o compound ng bus gaya ng Santarosa Motorworks, Inc., lubos kong ikatutuwa iyon at tiyak na hinding-hindi ko malilimutan iyon. =D

(parang paulit-ulit na iyong sinasabi ko?)
Saturday, April 28, 2012 | By: Klent

random? na naman

hindi ko alam subalit parang may pinaghuhugutan
hindi ko alam pero parang ayaw ko na

parang unti-unti na akong nawawalan ng interes
parang unti-unti na akong nagsasawa..

hindi ko alam..
sana pansamanatala lang ito..
Friday, April 27, 2012 | By: Klent

Longcut

Pauwi na ako kanina at sa tantiya ko, mga bandang 2:20 pm ay nasa Rizal Park na ako nag-aabang ng bus pauwi sa amin. Maya-maya may isa akong ka-batchmate noong high school na nag-aabang na rin ng bus at alam kong pareho kami ng byahe na sasakyan pero hindi ko siya pinapansin kasi hindi naman kami personal na magkakilala. Napansin ko ang tagal ng bus na byaheng Cavitex. Maya-maya ay may dumating at sa malayo pa lang ay tanaw ko nang standing na agad iyon. Nakita ko sumakay siya, nagpaiwan ako at muling naghintay ng bus dahil ayokong tumayo mula Lawton pa lang. Lang'ya pagsilip ko ng relo ko, 2 minuto na lang mag-aalas tres; halos 40 minutos na pala akong nag-aabang ng bus. May bus na byaheng Dasma doon (Cavite Batangas Transport Service 8355; nalaman ko sa ticket ko) at nag-aabang ng pasahero kaya napilitan na akong sumakay; napilitan na ako na sa Imus na lang bababa.
Sa sobrang curious ko din kung bakit walang bus na bumabyahe papuntang Cavite, tinanong ko iyong driver. Nalaman ko na binawasan na naman ang volume ng bus na pumapasok ng Lawton. Ang nadali dito ay ang mga bus na galing sa amin, sa Cavite. Nilimitahan ang byahe ng mga bus na galing sa amin (parehong galing ng Tagaytay at galing ng Ternate) hanggang sa Buendia lamang sila kahit na dapat ay Lawton ang byahe. Baka by June naman daw ay ibabalik na nila ang mga byaheng Dasma-Lawton at Ternate-Lawton na mga buses. Wala namang kasiguruhan iyong mga nalaman kong impormasyon mula sa driver, pero sana pahintulutan na agad nila sa madaling panahon at huwag nang hintayin ang June upang ang mga bus na galing ng Cavite ay muling makapasok ng Lawton. Ito ay para sa ikabubuti ng mga CaviteƱo at para na rin sa aming mga estudyante na nag-susummer class. xD

P.S. Tinamad na akong idetalye ng maigi iyong byahe ko pauwi; naputol na iyong momentum kasi naghapunan kami ^^V

IMBAha

Thursday, April 26, 2012, paalis ako sa bahay namin pasikat pa lang ang araw. Lagi ko kasing tinitingnan ang langit bago ako lumayo ng bahay namin para makita ko kung uulan o hindi. Kung sakaling uulan, makakabalik pa ako ng bahay para kunin ang payong ko (dahil tamad akong magdala ng payong ngayong summer) o kung hindi naman, didiretso na ako papasok ng skwelahan. Standing sa bus, hindi na bago sa akin iyon. Pagdating sa Baclaran, nakaupo na ako at naisipan kong umidlip. Nagising ako sa may kahabaan na ng Taft Avenue. Napansin ko, may mga patak na ng ulan sa bus, hindi ko gaanong pinansin iyon dahil baka hanggang ambon lang, pero sa loob ko nakaramdam na ako ng kaba kasi wala akong dalang payong at ayokong mabasa, lalo na't papasok pa lang ako ng skwelahan.
Monday, April 9, 2012 | By: Klent

Kabataang Pinoy

Nakakalokong isipin na sa panahon ngayon, halos karamihan ng kabataan gaya ko ay umiikot na lang ang mundo sa mga social networking sites at mga games. Kabilang  rin ako sa kanila sapagkat aminin ko man o hindi, dumaan din ako sa ganyan.

Napansin ko kasi kanina na habang gumagamit ako ng Twitter, talaga namang kung ano ang pinaka-"talk of the town" ang siya ring lalabas sa mga top trending tweets. Mabilis ang transition at pagpapalit-palit ng mga ito na nagpapakitang aktibo ang mga kabataan sa pagpapalitan ng kung ano-anong ideya, opinyon at usapan sa pamamagitan ng social networking site na iyon.

Gayon din ang Facebook. Halos lahat na ng Pilipino lalo na ang mga kabataan ngayon ay may Facebook page na (add kita. biro lang :)). May mga pagkakataong gumagawa ng multiple accounts pero iisa lang naman may-ari, mayroon ding fan-page, mayroon ding kung anong posers, haters, at kung ano-ano pang pwedeng gawin sa Facebook. Marami pa, marami pang ibang trip ang mga kabataang pinoy ngayon sa pamamagitan ng social networking site, hindi ko lang alam kung ano pa ang mga ito.

Isa pa sa mga kina-"aadikan" ng mga kabataang pinoy ang online games, WLAN games at kung ano-ano pang laro na pwedeng pag-ubusan ng panahon. Madalas kasama nila ang mga kaibigan nila sa paglalaro para nga naman mas enjoy. Mayroon din naman na Facebook games lang ang hilig pero wagas naman magbabad sa mga ito gaya ng kapatid ko na adik sa Tetris.
Pero naisip ko, kaya ko rin palang pigilan ang adiksyon ko sa mga games. Dati rin akong adik sa online MMORPG games na halos mula sa pagdilat ng mata hanggang sa bago matulog sa madaling araw, iyon ang kaharap ko. Subalit na-"overcome" ko iyon nang dumating ang panahon na nag-crash ang game na nilalaro ko sa pc ko sa hindi malamang kadahilanan. Ilang araw din akong naghirap dala ng adiksyon ko. Subalit sa katagalan, naglaho din ang adiksyon at ang pagnanasa ko sa mga online games at na-divert ko naman ang oras, panahon at atensyon ko sa paggawa ng ibang mga bagay. Sa ngayon, paminsan-minsan na lang ako naglalaro sa Facebook at ang pinaka-gamit ko na lang dito ay ang pakikipag-usap sa mga kaibigan kong malayo sa akin.

Subalit naisip ko kanina, kapag hinayaan mong mawaldas o maubos ang oras mo sa mga nabanggit sa itaas, lalabas na sila na ang may hawak sa iyo at kontrolado na nila ang oras at panahon mo. Hindi ko naman balak na hamakin ang mga gawain ng mga kabataan ngayon dahil iyon ang pinili nilang gawin sa buhay nila, ang sa akin lang sana huwag natin hayaang kainin tayo nito at umabot sa puntong hindi na natin kilala ang sarili natin.

Lahat po ng sinabi ko ay mga opinyon ko lamang. Kung medyo na-offend man po kayo, ako na po ang humihingi ng pasintabi. Nagbabahagi lamang po ako ng aking saloobin. Maraming salamat. :)