Monday, May 21, 2012 | By: Klent

Hindi rin pala malayo

Binigyan kami ng mahabang assignments ng professor namin sa pamamagitan ng paperworks noong Wednesday (05-16-12) dahil may seminar siya ng 2 days (th-fri). Ipapasa daw namin ito sa monday. Ubod naman ng dami at haba ang mga pinagawa niya sa amin. Lumabas na mayroon kaming apat na araw, mula huwebes hanggang linggo para gawin ang tambak naming gawain. Dumaan ang biyernes at sabado, wala akong natapos sa lahat ng binigay niya. Linggo na lang ang natitira kaya talagang sinagad ko na at alam ko namang mauuwi sa cramming at procrastination ang mga paperworks ko, haha!
Dumaan ang linggo ng umaga at tanghali, hindi ko pa rin natatapos (ang tibay). Alam kong gabi na lang ang natitira sa akin para tapusin ang lahat ng iyon at alam kong babaran na naman sa pagpupuyat ang gagawin ko. Subalit sa pagdaan ng biyernes, sabado, at linggo ng umaga't tanghali, napansin kong puro bibig lang ang ginagamit ko sa paggawa ng mga paperworks ko. Puro reklamo, puro daing, puro pahinga. Pero noong ginagawa ko iyon ng gabi, hindi ko akalain sa sarili kong mabilis ko iyong nakalahati at hindi ko rin akalaing magagawa ko iyon.
Madalas pinangungunahan ng bibig ang isipan sa pagtapos ng mga gawain. Gaya ng nangyari sa akin, dumaan ang dalawa't kalahating araw na puro ako reklamo sa mga paperworks ko pero kung tutuusin, kaya palang gawin iyon ng maayos basta't tatahimik muna ang bibig at hahayaang gumawa ang isipan. Madalas pa, sa una sasabihin natin mahirap buuhin, tapusin o gawin ang mga bagay-bagay subalit kung pipigilan natin ang bibig at hahayaang magtrabaho ang isipan, tiyak na maisasakatuparan ang mga dapat gawin at tapusin. :)

0 comments:

Post a Comment