Ang title. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko bakit iyon ang naisip ko. One thing for sure, nandito ulit ang spontaneity of thoughts kaya sinusulit ko muna.
Dapat magliligpit ako ngayon. Maglilipat ng gamit sa isa kong bag dahil nasira ang bago kong biling bag. Kabago-bago nasira. Pero andito ako ngayon nagttype ng gusto ko lang ibahagi. So ayun nga, nasira. Kanina pa ako maraming nililigpit, patayo-tayo, payuko-yuko at kumikilos. Ngayon bigla kong naalala na kailangan kong magpalit ng bag dahil nasira iyong bag ko. Kailangan ko na namang kumilos at kunin ang mga bagay na kailangan ko.
Paano kung ang mga bagay ng nais mo ay nauutusan mong lumapit sa iyo? Paano kung ang mga bagay na kailangan mo ay hindi mo na kailangang pagpaguran? Paano kung sasambitin mo lamang ang pangkaraniwang pangngalan ng bagay na kailangan mo ay nandiyan na sa iyo?
Kung ganoon man ang mangyyari, tiyak naman na magiging batugan ang lahat ng tao. Oo malaking advantage kapag ganoon ang nangyari pero marami din namang consequences. Iba pa rin kapag ang mga bagay-bagay na ninanais at hinahangad mo ay bunga ng iyong pagsisikap at paghihirap. Kapalit man ay ang iyong pagod subalit na tiyak na maipagmamalaki mong sa iyo iyon at sikap at lakas mo ang ginamit sa pagkamit ng naturang bagay na iyon.
0 comments:
Post a Comment