Thursday, May 31, 2012 | By: Klent

Kojie =)

Mayroon kaming aso, halong Japanese Spitz at Pomeranian. Nabili namin siya sa isang online buy & sell store mula sa magkapatid na Filipino-Chinese. Ang pangalan niya ay Kojie.



October 31, 2011 namin siya nabili mula sa mga dati niyang amo. Siya nga pala, lalake itong aso namin. Ayon sa dati niyang mga amo, July 19, 2011 daw siya ipinanganak, so kung bibilangin ang date hanggang ngayon, 10 months na siya kung ibabase sa bilang ng edad ng tao subalit iba ang tunay na bilang ng edad ng aso.

















Ganyan siya kaliit noong nabili namin siya, mga 3 months old pa lang siya niyan. At dahil mabuhok ang pinanggalingang lahi, ang fluffy niyang tingnan. Mayroon pa siyang video noong unang araw na makarating siya ng bahay namin. 


Nakakatuwang ang bilis niyang lumaki at mabilis ring lumago ang mga buhok niya. Kinuhaan ko ulit siya ng pictures noong Dec. 16 sa kwarto ko, mga halos isang buwan din ang dumaan. btw, naturuan na namin siyang umakyat ng hagdan, ung pagbaba, instinct na ang nagturo sa kanya gawa ng gustong makigulo noong minsang may party sa amin. Pero purong dog food lang madalas ang pagkain niya, minsan prutas at gulay pinapaitkim namin. ^^V



Mabilis na lumaki si Kojie, after 2 months kinuhaan ko ulit siya ng pictures (kahabaan ng March 2012), iyon nga lang ang alaga namin nagkaroon na rin ng alaga at sa kasamaang palad, hindi namin alam kung saan niya iyan eksaktong nakuha. Ganoon talaga, parte na iyan ng may alagang aso, hehe..




Iyon nga lang, sa sobrang kapal ng buhok niya, naisipan ng tatay ko na ipa-groom siya kahit na wala din siyang idea kung paano ba dapat ang maging outcome ng grooming ng aso namin. Kaya isang hapon (May 17) pag-uwi ko ng bahay, ito na ang inabutan ko:





Ang pangit na ni Kojie, as in ang pangit sa panigin ko, haha!! Pag-uwi ko ng bahay noong makita ko siya, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko at ang daming tanong na tumatakbo sa isip ko, kasama na doon ang pang-aalaska at panghahamak sa aso namin. Nakakatawa na nakakainis na ang pangit na tuloy ng itsura ng aso namin. Sabi nga ng tatay ko, nagmukha daw kambing, sa isip ko naman nagmukhang usa. Lumabas tuloy ang tunay na height at body structure ni Kojie. Pero gayon pa man, natutuwa pa rin kami na malaki na ang itinangkad niya kumpara noong bagong bili namin siya. Hanggang ngayon, ubod niya pa rin ng hyper at likot. :)

Anong purpose ko dito?
Kaya ko ginawa itong post na ito ay para sa dating may-ari ni Kojie. Kung magbakasakali man silang hanapin si internet iyong dating aso nila, heto siya kasama namin. Pasensya na nga pala kung mali man iyong pronunciation ng pangalan or kahit sa spelling. Kasi bago pa man namin siya officially bitbitin pauwi mula sa meeting place namin nung seller, parang hesitant pa silang ibigay iyong aso. Siguro gawa noong naging malapit na rin sa kanila at cute rin naman kasi.
Maaaring hindi niyo ganap na maiintindihan ang tagalog pero gusto ko lang sabihin na nasa mabutin lagay si Kojie. Ok naman na siya at hanggang ngayon, active, hyper at pasaway pa rin. :) Iyon nga lang, on the process pa ulit ng pagtubo ang makapal niyang buhok. Sa kabuuhan, nasa mabuting lagay naman siya.

0 comments:

Post a Comment