Saturday, May 26, 2012 | By: Klent

Ang Pag-Ibig.. sabi ko


Gusto ni babae gwapo (maputi/mestizo, chinito), mayaman, maganda ang katawan, athletic pero dapat marunong sa buhay, mabait, caring, thoughtful, masipag, matalino, magalang at mapagmahal. Ang mga babae likas na naghahanap ng hindi matatagpuan, NAGHAHANAP NG GUNI-GUNI. Konti lang gusto ni lalake, babeng maganda (maputi at makinis) mula ulo hanggang paa, mula buto hanggang balat. Hindi niya major concern kung marunong ba sa buhay si babae, kung masipag, magalang, praktikal, malinis, at matalino. Huwag na tayong magpaka-impokrito sa katotohanan. IYAN ANG GUSTO NG TIPIKAL NA LALAKE NGAYON.
Bukod pa doon, kapag gusto ni lalake si babae at ayaw ni babae, ipagpipilitan niya ito kahit na alam naman natin na mayroon at mayroong masasaktan. Kapag nasaktan ni lalake ang damdamin ni babae, sasabihing hindi na uulitin dahil mahal ni lalake si babae pero bukas makalawa naka-ilang cycle na sila ng away-bati (parang tanga lang). Mayroong ding ipagpipilitan ni lalake na iraos ang kanyang pangangati at kinamot naman ni babae kaya ayun kailangan na nilang magbahay-bahayan. Alam ko marami pa pero hindi ko na maisip iyong iba. 

Pero para sa akin, It's more than that (tae English, sinapian ni Webster).
  • Walang perpektong tao, saan ka man maghanap, saan ka man mapadpad, saang lupalop ka man ng mundo magpunta, walang complete set, ika nga fully loaded meal na tao. Sa isang banda mayroon at mayroong imperfection ang isang tao kahit 99% na itong complete kaya tanggapin na ang katotohanan, huwag mag-iilusyon ng perpektong babae o lalake. 
  • Bukod pa doon, kapag nagmamahalan kayo, huwag niyong ipilit ang mga bagay na hindi talaga pwede, kung naiintindihan mo ang sinasabi ko. Kasi ang mahirap sa pinagpipilitan, walang mabuting naidudulot sa isa man sa inyong dalawa, mayroon at mayroong masasaktan (inulit ko lang) na lalong magpapasama sa isang relasyon. Kung hindi na talaga uubra ang chemistry niyo, eh 'di hindi na. Kasi kahit anong pilit mo kung hindi na nga, eh di hindi (ang kulit, paulit-ulit?).
  • Naisip ko lang ito one time, may napanood kasi akong video na nasaktan ni lalake ang damdamin ni babae, hindi raw sinasadya, hindi na raw uulitin sabay sasambitin ni lalake na mahal niya daw si babae. Naisip ko lang, kung totoong mahal ni lalake si babae, sa una't sapul hindi niya ito 1) magagawang saktan kahit isang beses man lang at 2) hindi niya hahayaang may tumulong luha mula sa mga mata ni babae dahil sa hindi magandang ginawa ni lalake. Ang weird lang, false promises o unkept promises? Si babae naman, maging praktikal naman sana, kung nagawa kang utuin ng isang isang beses, magpapauto ka pa ba? Hindi dahil may itsura at mukhang may lahi 'yang kasintahan mo, hindi ibig sabihin na excused siya sa kakayahang magpaasa at manloko. Maging praktikal ka. Ganoon din ang kaso kung baliktad din.
  • Sa mga magkasintahan lalo na sa panahon ngayon, uso na ang pagiging mapusok. Magtatago silang dalawa sa dilim, pagbalik sa liwanag tatlo na. Madyik! Sa panahon kasi ngayon, iba na ang takbo ng isip ng mga kabataan lalo na sa usaping pagmamahal. Kailangan ba 'pag nagmahal maranasan ang lahat ng bagay, hindi ba pwedeng disiplina muna? Ang weird na talaga ng mundo ngayon.
Bakit ko nga ba sinasabi ang mga ito gayong hindi ko pa naman nararananasan ang magkaroong ng kasintahan o magawa ang isa sa mga iyan. Minsan niloloko ko na rin ang sarili ko sa paghahangad ng halos perpektong babae na mamahalin subalit sadyang hindi maaaring ipagpilitan ang mga bagay-bagay. Hindi ko maaaring ipagpilitan ang gusto ko dahil alam kong mayroon itong hindi magandang maibubunga. Sa halip naniniwala ako na kusang darating sa tao ang pag-ibig, hindi niya kailangang hanapin, hindi niya kailangang magpaulit-ulit na masaktan. Kusang kakatok iyan sa iyo at kusang magiging bukas ang kalooban mo sa pagtanggap dito. Sabi nga sa lyrics ng isang kanta "ito'y darating sa iyo". Tayo lang ang nagpapadalos-dalos sa paggawa ng mga bagay na wala sa tamang oras at panahon na kadalasa'y nauuwi sa hindi magandang resulta. Hindi ito fairy tale, base lamang ito sa pinaniniwalaan ko. Mas paniniwalaan ko pa ang pakahulugan ng pag-ibig mula sa Bibliya. Lahat ng nilagay ko dito ay pawang mga opinyon ko lamang na minsan ay masaklap na katotohanan. Kung medyo nasagi ka man, pasensya na lang po, kasi sa isagn banda, ito'y reyalidad.

0 comments:

Post a Comment