Friday, May 25, 2012 | By: Klent

Hindi ko inaasahan

Mayroon akong kaibigan na mag-dedebut sa May 29, 2012. Isa ako sa mga 18 na espesyal na imbitado sa kaarawan niya kaya naman, mayroon kaming pagsasanay para sa production number namin (ayaw niya kasi ng kutilyon style). At dahil ayaw niya ng kutilyon, iba ang style na gagawin niya, ang plano niya hip-hop style ang 18 dances niya, o diba lupet?!
Last week pa niya kami inimbitahan na mayroon kaming praktis hanggang ngayong Biyernes. Subalit itong nagdaang week na ito ay hectic sa akin dahil nagsummer class ako at finals na namin. Bukas din may outing kaming tropa noong HS. Dinapuan na ako ng sakit na pag-aalala kung paano ko aayusin ang oras ko sa mga magdadaang linggo. Dagdag pa dito ang pagkakailangan (awkwardness) naming mga kaibigan nung magdaraos ng debut dahil halo-halo kami, mayroon siyang mga kaibigan sa simbahan, noong HS, at ngayong college na inimbitahan. Sobrang naistres ako kung paano ang gagawin ko sa sa mga sitwasyon na sinabi ko kanina.
Nagdaan ang linggong ito at nairaos ko naman. Marami din akong natutunan lalo na mula sa pagsasanay namin para sa mahalagang araw ng magdaraos ng debut:

  • Gawing positive opportunity ang bawat binibigay na sitwasyon. - sa halip na isipin kong magiging mahirap ang praktis dahil hindi naman kami magkakakilala, bakit hindi ko gawin itong pagkakataon para magkaroon pa ng maraming kaibigan, hindi ba't mas praktikal isipin ang ganoon, iwas stress pa.
  • Para matapos ang awkwardness, simulan ang pakikipag-usap. - ganoon naman talaga dapat pero ako na ang naglakas ng loob na simulan iyon sa mga kasamahan ko doon dahil hindi naman pwedeng sa buong praktis ay hindi kami nag-uusap usap. Bukod pa doon, hindi ba't mas nakakatuwang makakakilala ka pa ng mga bagong kaibigan. At ang panghuli, lahat ng magiging gagawin namin ay kailangan ng kooperasyon alang-alang sa kaibigan naming magdiriwang ng kanyang ika-labingwalong kaarawan.
  • Likas na sa atin ang pangunaan ng pag-aalala bago pa man harapin ang mga sitwasyon. - sabi nga sa isang palabas na napanood ko dati ALL IS WELL. Ang puso daw ng tao madaling mangamba at matakot - makes sense. Binigyan pa lamang tayo ng isang sitwasyon (na dapat naman laging hinaharap), pinangungunahan na agad tayo ng mga negatibong pag-iisip na naghahadlang sa pagharap natin sa naturang bagay na iyon. Sa huli din naman, matatawa na lang tayo sa sarli natin dahil nagawa, naharap at natawid din pala natin ito. Sadyang pinangunahan lng tayo ng kung ano-anong kalokohan sa isip natin. :)

0 comments:

Post a Comment