Gusto ko ng bagong cellphone at bibili ako kapag medyo malaki na ang pera ko (kailan pa kaya mangyayari iyon?). Tumingin na ako sa internet ng mga features ng phone at specialties na available mula sa iba't ibang brand. Ito ang mga preferences ko:
PRICE
Ayoko ng masyadong mahal/ high end na phone.
Prefer ko lang ang mid-range na style at price na phone. Sa pagkakaalam ko ako lang yata sa mga kaibigan ko ang may ayaw sa iPhone in terms of price eh.. Hindi naman kasi kami ganoon kayaman para bumili ng ganoon kamahal sa cellphone.
SPECS
>DISPLAY
4.0 inches screen size (full touch screen)
-Ito iyong size ng screen na trip ko at malamang touch screen. Na-experience ko na kasi ang cellphone na touch and type (Nokia C6-00), bukod sa mabigat ang bulky pa sa bulsa pero worth naman ang gamit ko doon. Ayoko na ng 4.3 inches and above na screen size lalo na sa Pilipinas, mas malaking cellphone mas takaw tingin sa madla.
-Bukod pa doon hindi ko na maibubulsa kapag lumampas pa diyan ang screen size, iyong 3.2 inches nga na screen hindi na magkasya sa pantalon minsan paano pa kaya kung lampas 4.0 inches pero tanggap ko pa kung hanggang 4.0 lang talaga.
-Isa pang rason kung bakit ayoko ng 4.3 inches above kasi kapag nagtext ako o tumawag in public, ang awkward naman na kitang kita na ng sambayanang Pilipino ang text message o inbox ko.
>OPERATING SYSTEM
Android OS
-Sa totoo lang nakakasawa na rin kasi ang Symbian ng Nokia, gusto ko namang sumubok ng bagong environment ng isang phone.
-Ayoko din naman ng Windows OS sa cellphone gawa nga ng bihira lang naman ang update at bukod pa doon hindi ko feel ang apps sa apps store nila.
-Syempre naman hindi rin kaya ng budget ko ang iOS phones kaya hindi siya maaari sa mga pagpipilian ko.
>HARDWARE
Dual Core Processor
-Ito na ang in ngayon, sa katunayan nga mababa pa nga ang dual core dahil mayroon nang quad core pero hindi ko naman kailangan ng ganoon dahil katumbas din noon ay malaking halaga ng pera.
-Sa tingin ko ito kasi iyong pinakabinayaran mo sa cellphone mo eh kaya dapat sulitin na ang pagbili lalo na't isa iyong processor sa makakaapekto sa lifetime performance ng phone mo.
1 Gb RAM
-Base sa mga nababasa ko sa internet, mahalaga iyong RAM kapag nagmulti-tasking ang isang phone.
-Sa pagkakaalam ko silang dalawa ni Processor ang nagreregulate ng performance ng phone kapag fully functioning ito para hindi mag-lag o mag-hung ang phone.
-1 Gb kasi kahit nakalagay sa paper ay 1Gb pero on actual less than that ang magagamit mo sa phone. Paano pa kaya kung 512 Mb lang ang RAM, baka mahirapan pa mag-multitasking iyong phone.
>CAMERA
at least 8MP rear camera; at least 0.3MP front camera
-Halos karamihan ng phone ngayon may camera na. Nakasubok na akong gumamit ng 5MP camera phone (Nokia C6-00) at ok naman siya pero dahil android phone naman ang gusto kong bilhin hindi na rin siguro masamang mag-demand ng 8MP o mas mataas pa na camera.
-Sana mayroon ding front camera na at least ang minimum pixel size niya ay 0.3 MP pero mayroon ibang phones sa internet 1.3, 1.2 o 2MP ang front camera.
-Hangga't maaari sana pinch to zoom ang zooming niya pero ok lang din kung digital zoom lang, wala tayong magagawa eh..
-Kayang mag-burst shot o multiple shots para damang-dama niyo ang picturan sa cellphone.
>MEMORY
Expandable Memory Card Slot
Mas trip ko iyong malaki iyong memory at the same time mayroon siyang lalagyanan ng memory card para marami talagang maaaring ilagay sa cellphone.
Mahirap kasi kapag built in storage lang eh, parang magiging conscious ka na magtipid ng memory para hindi agad mapuno iyong built-in memory sa loob.
>OTHERS
Gyroscope
Mahalaga ang Gyroscope (orientation) kapag nag-games kasama ng accelerometer at compass. Kapag walang gyroscope parang bitin ang gaming experience kaya kung bibili ako dapat mayroon din noon para sulit ang gaming experience.
HDMI ready
-Mas maganda kung mayroong HDMI outlet iyong phone para pwede mong i-view sa HDMI ready na tv iyong contents ng phone.
-Bukod pa doon pwedeng doon na sa TV ang screen kapag naglalaro habang nagsisilbing controller na lang iyong phone. :)
Mini-Sim
Mas maganda sana kung mini-sim (iyong sim card talaga natin) pa rin ang tinatanggap ng phone kaysa micro-sim. Kasi kaag micro-sim mag-aabala ka pang bawasan ang sobrang plastic ng sim card mo, eh kung mini-sim para rin less hassle sana. Pero kung micro-sim lang talaga pwede na rin.
Removable Battery
Mas paganda sana huwag unibody kasi kapag unibody hindi mo na matatanggal ang battery. Ang lalagyanan ng sim card ay maaaring nasa gilid. Removable battery sana kasi para madaling magpalit ng battery kapag nalowbat o nasira (pero wag naman sana ito). Pero pwede naman kasing bumili ng Portable Power Bank sa CD-R King kapag naubusan ng battery kaya ok lang kung hindi din natatanggal iyong battery.
Alam kong hindi lahat iyan ay pwede sa isang cellphone at alam ko rin naman kasi na mayroong mga features na mawawala o maisasakripisyo kapag nandiyan ang iba kaya patas lang. Pero hangga't maaari, gusto ko sana ng isang cellphone na halos karamihan ng features na iyan ay mayroon iyon, sana kahit ganoon lang. May alam ka bang ganitong phone? :) Salamat!