Kabanata
1 - Pagkakataon
"I'm 17 years of age. Thank
You".
First day iyon ng pagpapakilala
bilang first year psychology student noon. Hindi ako namamansin at hindi ako
kumikibo kung hindi ako kakausapin.Madalas sa canteen lang ako kumakain dahil
tinatamad akong lumabas at wala rin naman akong kasama. Subalit maraming bagay
ang mabilis na naganap sa loob ng isang semestre.
"Pwede maki-share ng table"? Isa sa kaklase ko na ubod
ng kulit pero wala akong balak kilalanin siya. Tumango lang ako subalit walang
reaksyon.
"Hello classmate! I'm Myca,
anong pangalan mo"?
"Aldwin".
"Ano ulit"?
"Ald-win".
"Ok. Hello Aldwin, nice
meeting you". Sa buong oras na kumakain ako, hindi niya ako tinigilan sa
kung ano-anong pangungulit niya pero pino ang sagot ko, diretso at straight to
the point. Kung hindi ko lang siya ka-block iiwan ko na siya na parang ewan eh.
Pagkatapos kong kumain, dumiretso na ako ng room namin at medyo mahaba-habang
lakaran iyon at napansin kong sumunod pa siya sa akin.
"Bakit ang suplado mo"?
"Eh bakit ang kulit
mo"?
"Madaya ka ako unang
nagtanong eh.. Bakit nga ang suplado mo"?
"Eh ganun talaga ako eh!
Ikaw bakit ang kulit mo"?
"Wala lang, sungit"!
Hanggang sa makarating kami ng
susunod na klase sa akin pa rin siya nakatabi dahil iyon na lang ang bakante na
upuan. Medyo naiirita na ako sa kanya kasi talagang makulit at malikot siya.
Hindi inaasahan pagdating ng professor, bigla itong nagpa pre-test. Nakahanda
na ang papel at ballpen ko samantalang napansin ko na hirap na hirap siyang
buksan iyong pencil case niya. Kinuha ko iyon sa kanya at binuksan. "Thank
you". Sumagot ako ng welcome pero walang reaksyon. Check agad pagkatapos
ng test. Bagsak ako, nakita ko pasado siya. Sa sobrang inis ko dahil bagsak ako,
nilamukos ko ng palihim iyong papel pero hindi ko napansin na nakita niya pala
iyong ginawa ko.
"Ok lang iyan, pre-test pa
lang naman, bawi na lang tayo sa quiz talaga". Napatingin lang ako sa
kanya sandali pero agad ko ding ibinaling sa board ang paningin ko. Natapos ang
maghapon ng klase na tambak ng assignments.
Sa sobrang pagod ko kahapon hindi
ko na natapos ang isang assignment namin sa math dahil inantok na ako at alam
kong hindi ko kayang sagutan iyon mag-isa dahil hindi ko naman gaanong naintindihan.
Kaya naisapan kong mamaya na lang gawin sa vacant time gawin bago ang klase.
Habang naglalakad ako papuntang klase, may kumalabit sa akin.
"Hello, good morning, tapos
mo na lahat ng assignments natin"? Siya pala iyon.
"Hindi ko pa tapos iyong
math, paano ba gawin iyon"?
"Hindi ka naman pala ganoon
kasuplado". Hindi ako umimik at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
Nagpatuloy ang isang semestre na
naging magbest friend kami ni Myca. Sa katagalan ng panahon nagbago ang ugali
namin at nag-adjust kami pareho; siya na dating makulit ay maunawain at
maalalahanin pala, at napansin ko sa sarili ko na unti-unting nababawasan ang
pagiging suplado ko. Kahit alam kong nangyayari sa akin iyon ay hinayaan ko
lang dahil masaya namang kaibigan si Myca.
Kabanata 2 - Pagtatagpo
Naging mas malapit kami ni Myca
bilang magkaibigan sa loob ng pagiging buhay kolehiyo namin. Halos kami ang
magkasangga sa lahat ng activities sa klase tuwing may partner activities.
Sabay na rin kaming nag-enroll at sabay na rin kaming kumakain dahil magkaklase
naman kami. Subalit isang beses ay tinanghali ako ng gising gawa ng sobrang
napuyat ako sa partner assignment namin ni Myca na tinapos ko. Pagtingin ko sa
cellphone ko ay past 6 na ng umaga at ang dami nang texts sa akin ni Myca. Alam
kong naka-dorm lang ako at nakakahiyang isipin na mala-late pa ako sa klase.
Pagdating ko ng classroom, nasa kalagitnaan ng discussion si sir at biglang
napatingin sa pintuan, sunuran din ng tingin ang mga kaklase ko.
"Good morning sir."
"Good morning Mr. Herrera,
you're too early for the next class. Take your seat".
Pumunta na ako sa upuan ko at
sinalubong agad ako ni Myca ng tanong kung bakit ako tinanghali. Isang buong
linggo akong tuliro at wala sa sarili dahil sa kaganapang iyon. Minsang walang
professor kaya tumambay lang ako sa pasilyo habang nakatingin sa school
grounds.
"Pansin ko mukhang wala ka
sa sarili m this past few days ah".
"Hindi naman".
"Itanggi mo pa, dahil ba
iyon kay Sir nung na-late ka"?
"Walang kaso sa akin iyon,
nakita ko lang na nagtawanan ang ilan sa mga kaklase natin at alam kong
nakakahiya iyon".
"Hmmm.. Ganoon ba? Alam ko
na bukas na bukas punta tayo ng Enchanted Kingdom at magtanggal tayo ng
stress".
Hindi na ako nakatanggi kay Myca
dahil magkaibigan naman kami.
Kinabukasan ay nagtungo kami ng
Enchanted Kingdom at sinulit namin ang maghapon para magpakasaya at magtanggal
ng mga hinanakit, lungkot, sama ng loob at lahat ng kung ano mang bumabagabag
sa amin. Dapit-hapon na nang makabalik kami ng Maynila subalit may hinabilin sa
akin si Myca bago kami maghiwalay.
"Alam mo, i-enjoy mo lang
ang buhay maging gaano man ito kadali o kahirap. Cherish every moment you have.
Charge as experience the failures you receive and motivate yourself to do more
when you succeed in a certain aspect of life. Life's too short to live
worrying. Tandaan mong mayroong mga bagay na sadyang dadaan lang sa buhay mo
pero mayroon at mayroon iyang nais iparating o mensahe sa iyo".
"Dami mong alam, haha"!
"Ewan ko sa iyo"!
"O pano diretso na ako,
ingat sa pag-uwi. Thank you nga pala, bye"!
"Welcome, thank you din,
bye"!
Kabanata 3 - Pag-agos
Malapit na naming matapos ang
third year college. Isang taon na lang at graduate na kami ni Myca. Marami na
ang pinagbago namin mula sa pisikal, emosyonal, hanggang sa mental na pagkatao
namin. February 14 noon at nagcelebrate kaming magkaibigan ng Valentines Day sa
Tagaytay. Bilang magkaibigan ang pagiging malapit namin ni Myca sa isa't isa ay
walang ibang kahulugan subalit unti-unti kong napapansin sa sarili ko na
nahuhulog na ako sa kanya subalit ayaw ko ipahalata. Nais ko munang malaman
kung anong plano niya sa mga ganyang bagay.
"Myca tanong ko lang, bakit
hindi ka pa nag-boyfriend"?
"Alam ko sa sarili ko na
self-fulfilled na ako kaya gusto ko kapag nagka-boyfriend ako, handa na rin
siya at the same time self-fulfilled na rin siya para maattend niya iyong mga
responsibilities niya".
"Woah lupet ng standards mo
ah".
"Syempre naman no, pero
anong malupit dun, sobrang basic kaya nun. Ito naman parang hindi tinuro sa
basics natin".
"Ok ok".
Tinandaan kong mabuti ang
standards na iyon ni Myca. Nagawa ko namang maging mas mature sa loob ng isang
taon sa tulong niya na rin at dahil gusto kong patunayan ang sarili ko sa
kanya.
Isang linggo bago matapos ang mga
nalalabi naming araw bilang magkaklase, namasyal kami at nagkape sa labas.
"Ang bilis ng panahon no, makukuha na natin ang diploma natin".
Sumang-ayon ako pero hindi
maipagkakailang medyo nalungkot ako sa mapait na katotohanang iyon.
Katotohanang kahit anong pilit kong tanggihan ay sadyang mangyayari.
"Eh bakit ganyan ang
reaksyon mo, parang hindi ka naman natutuwa"?
"Ha? Wala, masaya nga ako
dahil malapit na tayong grumadweyt". Subalit hindi maipagkakailang masakit
para sa akin iyon.
"Sus tanggi pa eh, as if
namang hindi mo ako mamimiss pagka-graduate natin".
"Asa pa nga, haha"!
"Pero seryoso kapag
kailangan mo ng kausap, kaibigan, o kahit kasama lang always remember I'll be
there for you".
Hindi ako nagbigay ng kahit anong
reaksyon subalit ang mga sinabi niyang iyon ay sadyang tumatak sa akin.
Mabilis na natapos ang isang
linggo at ngayong graduation namin ay nais kong magtapat sa kanya ng
nararamdaman ko . Gusto kong ipakita sa kanya na handa na ako. Gusto kong
ipakita sa kanya na kaya ko na.
Maaga akong nagtungo sa venue
para makapaghanda at nang maabangan ko si Myca. Nagsimula na ang event pero
hindi ko nakita si Myca sa dapat na upuan niya. Sinubukan ko na siyang itext ng
paulit-ulit subalit walang reply at tinatawagan ko naman siya subalit
disconnected ang line niya. Tinawag na ang pangalan ni Myca sa stage subalit
walang Myca na nagpakita. Natapos ang event na kahit anino man lang ni Myca ay
hindi ko nasilayan. Nagsimula na akong mag-alala. Maya-maya pa ay tinipon kami
ng adviser namin dahil may sasabihin daw siya. "Guys I have a bad news for
you, Ms. Treas is in the hospital right now and she is in a critical
condition". Lalo akong kinabahan at nag-alala sa kalagayan ni Myca,
nagtanong ang isa naming kaklase kung bakit at sinabi ng professor namin na
nabangga ng truck ang sinasakyang taxi ni Myca kasama ang kanyang ina habang
patungo sila dito sa venue.
Dali-dali akong nagtungo sa
ospital na kinaroroonan ni Myca. Wala akong pakialam sa suot ko, sa diploma ko
o sa naabot at natapos ko, ang tanging nasa isip ko lang ay si Myca at ang
kalagayan niya.
Pagdating ko ng ospital ay
mayroon akong nakitang isang babae na tumatangis sa harap ng isang nakabalot na
bangkay. Lumakas ang kaba ko at ayokong isipin na ina iyon ni Myca at mas
lalong ayokong isipin na si Myca ang babaeng nakabalot doon. Naglakas-loob
akong lumapit at sinilip kung sino ito at sa pagkakita ko ay lubos na nawasak
ang mundo ko. Si Myca ang bangkay na iyon.
Sobrang nawasak ang mundo ko
dahil sa katotohanang iyon. Bakit hindi ko nalaman agad? Bakit huli na ang
lahat? Bakit hindi ko agad sinabi sa kanya na mahalaga siya sa akin? Sobrang
sakit, hindi ko na alam kung paano ko tatanggapin ang nangyari subalit higit sa
lahat, bakit kailangang humantong sa ganito? Hindi ako makapaniwalang ang
tanging kakampi, kasangga, kaibigan, at higit sa lahat mamahalin ko ang siya
pang nakabalot doon. Hindi ko alam kung ano pang gagawin ko.
Subalit heto ako ngayon sa puntod
ni Myca, matapos ang 2 buwan natuto akong tumanggap ng katotohanan. Natuto
akong isabuhay ng mga katotohanang hindi dapat natin iniiwasan, bagkus ay dapat
nating hinaharap. "Myca, alam kong nasa piling ka na ng Diyos ngayon at
alam kong masaya ka na diyan. Subalit higit na masaya at nagpapasalamat ako
dahil nakilala kita. Salamat sa pagiging gabay, kakampi, at kaibigan. Salamat
dahil tinuruan mo akong mahalin ang sarili ko. Salamat dahil tinuruan mo akong
tanggapin ang mga paghihirap, ang mga katotohan at higit sa lahat, tanggapin
ang buhay maging gaano man ito kahirap o kadali. Hindi ko alam kung bakit ako
naiiyak ngayon pero salamat na rin at pinangako mong lagi kang nandiyan para sa
akin. Mahalaga ka sa akin Myca at maraming salamat muli. Paalam Myca, hanggang
sa muli nating pagkikita, hindi kita malilimutan".
NOTE: Lahat po ng characters at events na nabanggit ay likhang isip lamang. Anumang pagkakahalintulad sa totoong buhay ay co-incidence lamang. Humihingi lamang po ako ng respeto sa aking kwento. Maraming salamat po.
0 comments:
Post a Comment