Nakakahinayang. Nakakainis. Paasa.
First time kong maranasan ang complete "talk shit" event. Ang nakakainis kasi na parte ay ang pagpapaasa na tuloy ang gala; pati excitement mo sagad-sagarang pinaasa. Nakakainis, nakakapanghinayang.
Sana pala sumama na lang ako sa mga kaklase ko nitong nagdaang semester nang sa gayon ay mas nakilala ko pa sila. Sana sa kanila ko na lang binigay ang nalalabi kong oras na kaklase ko sila. Sana sa kanila na lang ako sumama bago nagwakas ang first semester ng 3rd year college life ko. TangNa talaga, nakakainis. Ang shit dre.
Hindi sana mag-iiwan ng marka ng ganito kung sa mga kaklase ko nitong nagdaang semestre ako sumama, sayang talaga. First time kong maging 3rd year college at bawat experience ay mahalaga pero sayang eh, sayang talaga. Sayang iyong pagkakataong nakilala ko sila nang lubusan kung hindi ako namali ng desisyon. Subalit kahit anong pilit ko sa isip ko hindi ko magagawa iyon at lalong hindi ko na maibabalik ang takbo ng oras at panahon.
Gusto ko na lang gumala ngayon dahil nabitin iyong excitement na sana natapos ngayon araw na ito. Minsan mas iisipin mo pang huwag na lang magtiwala dahil mayroong punto na ang tao pare-parehong mga paasa. Ayoko nang umasa sa mga salita at pangako, mas lalo na akong magiging maingat sa mga salitang walang laman na binibitawan ng iba't ibang tao. TangNa talaga natapos ang isang semestre sa panghihinayang, hindi sa mga subject dahil p*** wala akong pakialam diyan, mas pinanghinayangan ko ang sana ay oras na makilala nang maigi ang mga taong naging parte ng unang semestre ng 3rd year college life ko. Kainis. Kainis.
Dear Blog: UPDATE
7 years ago
0 comments:
Post a Comment