Thursday, March 22, 2012 | By: Klent

Ngayon lang ulit..

Kanina papauwi ako galing sa eskwelahan, mga bandang quarter to 7, ang nasakyan kong bus sa tapat ng Rizal Park ay Saulog Transit Inc. 71779. Plano kong matulog na sa kahabaan ng byahe kapag nasingil na ako ng pamasahe.
Pero bago at pagkatapos akong singilin ng pamasahe, kahit pilitin kong makatulog ay hindi ko magawa at dagdag pa dito ang masayahing driver at konduktor ng bus na iyon. Konti pa lang kaming mga pasahero noon bago pa man umabot ng CCP pero masaya ang kuwentuhan nung dalawa, kausap nga din nung driver iyong unang pares ng pasahero sa likod niya.. Napansin ko rin na kahit puno na iyong bus (lagi naman sa mga byaheng CAVITEX) sa bago pumasok ng Coastal Road, cool lang ang dalawa at nagagawa pa ring magbiruan pero hindi nawawala ang paggalang at pagrespeto nila sa mga pasahero nila.
Saludo ako sa dalawang iyon, ang galing nila, ang astig. Sana halos lahat ng mga bus driver at konduktor sa Pilipinas ganoon din. :D
Sunday, March 18, 2012 | By: Klent

Online Radio :)

One time I searched for the lyrics of the song "I Won't Give Up" by Jason Mraz and I chose the top result in Google. I saw what I was looking for when I've opened the top link in a new tab. On the top of it, I saw a mini music player and my curiosity whispers in me to open it, and so I did. A new tab was opened in my browser and it directed me to a new website. I was frightened that I might have opened a virus or a spam. I viewed the new tab and fortunately, I was lucky that it wasn't a spam or virus, and it played the music "I Won't Give Up."
So I returned to the lyrics tab to accompany the music while reading the lyrics. When the song ended, a new song played so I took a look to what was happened. To my amazement, the site that plays the music is an online radio. It plays the music of Jason Mraz (because I searched his song) and any songs of the same genre, but it doesn't only play his music but of any artists and genre you want. For example if you type Taylor Swift in their search box, it will play her songs and any songs which have the same genre as hers. 
The website is Jango. And now that I've discovered how the site works, I searched "Hillsong" and now I am tuned into their songs and other Christian musics. It's a great online radio suited for any artists and genre you want to listen. For further information about the site, you could proceed in there. :) Jango

86400

Araw-araw mayroon tayong 86400 seconds sa buhay natin. Kanya-kanya tayo ng paraan kung paano natin ito ginagamit sa buong maghapon. Madalas sinasayang lamang natin ito sa mga hindi gaanoon kahalagang bagay o sinasayang lamang natin ito. Masakit mang ainin pero totoo.
Sa araw-araw na binubuhay tayo ng Diyos, siya ang tagabigay ng 86400 na segundo sa atin. Nakakainis isipin na hindi natin ito ginagamit ng maigi para sa mga makaubluhang bagay. HIndi naman masamang gumamit ng kapiraso nito para sa pagpapahinga, subalit ang kadalasang nangyayari ay kapiraso na lang ang inilalaan natin para sa mga produktibo at kapaki-pakinabang na gawain. Sadyang nakakapanghinayang pero totoo.
Kung ang bawat 86400 sa buhay natin araw-araw ay mayroong checklist na ipapakita sa Diyos para maging basehan ng pagbibigay niya ulit ng panibagong ganoon, malamang marami na sa atin ang babagsak o baka hindi na muling mabigyan. Hindi ako excempted doon dahil madalas din akong ganoon, nakakainis lang dahil hindi ko talaga magamit ng maayos ang oras ko sa buong maghapon. Kung tutuusin, tao din naman ang nagpapahirap sa sarili niya, ika nga nila, disiplina ang problema.
Nakaka-inis, nakakapanghinayang subalit sadyang totoo. Mabuti na nga lang at mabuti ang Diyos na patuloy na nagbibigay sa atin ng bawat sandali na inilalagi natin dito sa lupa. Disiplina na lang ng tao ang kailangan kung paano niya gagamitin ng wasto ang bawat segundong ibinibigay sa kanya. Ang bawat segundong tumatakbo ay hinding-hindi na maibabalik kaya dapat talagang pahalagahan ng maigi ang oras sa buhay ng tao.
Saturday, March 17, 2012 | By: Klent

Team-Building



Naaalala ko pa noon kung paano niya hinawakan ang kamay ko para suportahan ako....

Bago pa lang ako sa kompanya, marami na kaming ginagawang team building doon. Subalit mayroong isang kakaibang team building ang nagpabago ng kinasanayan kong ganoon. Nagkaroon nang team building at na-assigned ako sa entertainment group dahil marunong akong maggitara. Tahimik lang ako at mahiyain, masipag din naman at marunong makisama pero mahiyain lang talaga. Tahimik lang akong nakatingin sa labas habang nakasakay sa loob ng coaster namin.
"Ok guys malapit na tayo sa Mt... kung saan gaganapin ang team building natin. Once again, I'm Lhean, you're team leader, have a nice day!"
Pagkatapos ko siyang mapakinggan, balik na ulit ako sa pagtanaw sa labas. Wala lang siya sa akin noon, hindi ko alintana kung sino siya pati ang pagkatao niya.
Halos 3 at kalahating araw din kami doon sa camp na iyon. Marami kaming pinagkaabalahan at mga activities na talagang nagpabuti ng pagsasamahan ng team namin. Sa katagalan naging malapit din ako sa mga teammates ko subalit ang hindi pa rin ako gaanong nakikipag-usap ay sa team leader namin. Hindi ko alam kung bakit, hindi ko alam.. Siguro, wala lang, siguro, hindi lang kami close talaga, siguro wala lang talaga kaming pag-uusapan.
Isa sa mga pinuntahan namin ay ang falls sa bundok na iyon. Nagkayayaan sila na lumangoy doon. Nagkusa na akong magpaiwan bilang bantay ng gamit namin subalit hindi iyon ang tunay kong motibo. Natrauma na kasi ako sa ganyan sa probinsya namin kaya ayoko nang umulit. Patuloy sila sa pag-eenjoy sa paglangoy habang ako naman tumutugtog ng gitara para hindi mainip.
"Excuse me, ano nga ulit name mo?"
"Ay kayo po pala ma'am. Marco po, marco po pangalan ko."
"Nako 'wag mo na akong tawaging ma'am, Lhean na lang. Wag ka na ring mag po, magkakaopisina rin naman tayo eh.. Tanong ko lang, bakit ayaw mong sumama doon sa falls? Tara ligo tayo."
"Hindi na po.. Ay este hindi na, ok lang ako dito. Mahirap na, baka mawalan pa tayo ng gamit."
"Wala namang mawawala diyan, tayo-tayo lang naman ang nandito eh.."
"Hindi na, ok lang ako dito, ienjoy niyo na iyong tubig, hehe.."
"Eh bakit nga ayaw mong sumama doon?"
"Wala lang, hehe.."
"Weh? Imposibleng wala lang.. Kung ayaw mong sumama doon, sasamahan na lang kita."
".....ienjoy niyo na lang iyong tubig doon oh, sayang minsan lang tayo makarating dito, hehe.."
"Iyon na nga eh, minsan na lang tayong magpunta dito, ayaw mo pang subukan. Pero bakit nga ba kasi ayaw mo?"
"Eh kasi.."
"Eh kasi ano?"
"Ganito kasi iyon.."
Kinuwento ko sa kanya ang mga pangyayari at natawa lang siya.
"Haha! Iyon na 'un? Tara na nga, akong bahala sa iyo."
Nang mga oras na iyon, hinawakan niya ang braso at kamay ko ng mahigpit. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kakaibang kamay na hindi ko pa naramdaman noon. Tumigil lang ako sa pampang ng tubig habang siya ay nakalusong na.
"Ang dami mong arte ah, halika na kasi.."
Tumayo lang ako at bahagyang umiling subalit hinila niya ang kamay ko at inalalayan ako papunta sa gitna ng bumabagsak na tubig sa falls. Hindi kami alintana ng mga teammates namin dahil sila ay abalang kumakain doon sa pwesto namin.
"Kita mo? Hehe.. Wala ka namang dapat ikatakot kasi mababaw lang 'to no tsaka kasama mo naman ako eh..
Napalingon ako sa kanya pero nagpanggap na hindi ko narinig ang mga sinabi niya..
"Ang ibig kong sabihin, kasama mo naman ako kaya hindi ka malulunod."
Ngumiti lamang ako pero alam kong may ibig sabihin ang mga sinabi niyang iyon.
Friday, March 16, 2012 | By: Klent

Kuya at Ate

Sa buhay estudyante iba't ibang tao ang makikilala at makakasalamuha mo. Iba-iba ang pag-uugali ng bawat indibidwal na makakasalamuha mo, walang eksaktong magkapareho ika nga.
Isa na siguro sa mga klase ng tao na nahiwagaan ako at patuloy na nahihiwagaan ay ang mga taong "lumalaki ng paurong". Sila iyong mga taong kahit kasing edad mo na, parang naiwan ang pag-iisip sa pagkabata subalit dinala na lang ng edad ang katawan nila para umangkop ito sa kung ano at sino siya ngayon.  Kung ikaw ay kolehiyo na, mas nararapat naman yata na ang kilos at pag-uugali mo ay aangkop sa pagiging kolehiyo mo. Hindi ko naman lubusang hangad na manghamak, sadyang may mga ganoong tao lng talaga.
Minsan kasi kapag ang tao lumalaki ng paurong, nawawala ang pagiging edukado nila. Hindi ito nagpapakahulugan na nawawala ang mga inaral, sa halip nawawala iyong halaga ng pagiging marunong mo sa mundong ito. Hindi ko ito direktang maipakahulugan subalit sana'y nauunawaan mo kung ano ang ibig kong sabihin. Minsan ko na iyang nasaksihan mula sa personal na karanasan sa isang kaibigan.
May mga pagkakataon na ang pagiging sobrang marangya ng tao ang nagdadala sa kanya sa paurong na paglaki. Mayroon kasing mga tao na kapag nasobrahan sa luho at ginhawa sa buhay, nagiging sarado ang isipan nila sa reyalidad na hindi lahat ng bagay ay natatamo ng basta-basta at hindi makatwiran ang paghihimutok ng basta-basta kapag hindi naibigay ang ninanais.

Inuulit ko, hindi ko naman hangad na manghamak, gusto ko lang huminga, hehe.. Ano't ano pa man, huwag nating patulan ang naiwan nilang pag-uugali dahil kapag pinatulan mo sila, para ka na ring pumatol sa bata para lang sa simpleng bagay-bagay. Maging kuya o ate na lang tayo sa kanila kahit na gaano pa man sila kalaki o katanda sa atin at maging bukas palagi ang isipan natin sa pag-unawa sa kanila. Unawain na lang natin sila sa kung sino sila ngayon subalit huwag kalimutang payuhan kapag sumosobra na. Kung walang gagabay sa kanila at magtuturo na lumaki pasulong, dadalhin nila ang paurong na paglaki hanggang sa pagtanda nila at tiyak na maapektuhan nito ang lahat ng taong malapit sa kanila.
Sunday, March 11, 2012 | By: Klent

Alam mo iyon?

..iyong pakiramdam na marami kang gustong ipost kaso busy ka.
..iyong pakiramdam na marami kang gustong ikwento pero walang time.
..iyong pakiramdam na nakalimutan mo na iyong mga ipopost mo dahil sa paglipas ng panahon.

Nakakaloko nga naman, kung kailan ka busy, doon mayaman ang experiences sa buhay mo. #irony :))