Araw-araw mayroon tayong 86400 seconds sa buhay natin. Kanya-kanya tayo ng paraan kung paano natin ito ginagamit sa buong maghapon. Madalas sinasayang lamang natin ito sa mga hindi gaanoon kahalagang bagay o sinasayang lamang natin ito. Masakit mang ainin pero totoo.
Sa araw-araw na binubuhay tayo ng Diyos, siya ang tagabigay ng 86400 na segundo sa atin. Nakakainis isipin na hindi natin ito ginagamit ng maigi para sa mga makaubluhang bagay. HIndi naman masamang gumamit ng kapiraso nito para sa pagpapahinga, subalit ang kadalasang nangyayari ay kapiraso na lang ang inilalaan natin para sa mga produktibo at kapaki-pakinabang na gawain. Sadyang nakakapanghinayang pero totoo.
Kung ang bawat 86400 sa buhay natin araw-araw ay mayroong checklist na ipapakita sa Diyos para maging basehan ng pagbibigay niya ulit ng panibagong ganoon, malamang marami na sa atin ang babagsak o baka hindi na muling mabigyan. Hindi ako excempted doon dahil madalas din akong ganoon, nakakainis lang dahil hindi ko talaga magamit ng maayos ang oras ko sa buong maghapon. Kung tutuusin, tao din naman ang nagpapahirap sa sarili niya, ika nga nila, disiplina ang problema.
Nakaka-inis, nakakapanghinayang subalit sadyang totoo. Mabuti na nga lang at mabuti ang Diyos na patuloy na nagbibigay sa atin ng bawat sandali na inilalagi natin dito sa lupa. Disiplina na lang ng tao ang kailangan kung paano niya gagamitin ng wasto ang bawat segundong ibinibigay sa kanya. Ang bawat segundong tumatakbo ay hinding-hindi na maibabalik kaya dapat talagang pahalagahan ng maigi ang oras sa buhay ng tao.
0 comments:
Post a Comment