Showing posts with label TROPAPITS. Show all posts
Showing posts with label TROPAPITS. Show all posts
Monday, October 15, 2012 | By: Klent

Hindi na muli

Nakakahinayang. Nakakainis. Paasa.

First time kong maranasan ang complete "talk shit" event. Ang nakakainis kasi na parte ay ang pagpapaasa na tuloy ang gala; pati excitement mo sagad-sagarang pinaasa. Nakakainis, nakakapanghinayang.

Sana pala sumama na lang ako sa mga kaklase ko nitong nagdaang semester nang sa gayon ay mas nakilala ko pa sila. Sana sa kanila ko na lang binigay ang nalalabi kong oras na kaklase ko sila. Sana sa kanila na lang ako sumama bago nagwakas ang first semester ng 3rd year college life ko. TangNa talaga, nakakainis. Ang shit dre.

Hindi sana mag-iiwan ng marka ng ganito kung sa mga kaklase ko nitong nagdaang semestre ako sumama, sayang talaga. First time kong maging 3rd year college at bawat experience ay mahalaga pero sayang eh, sayang talaga. Sayang iyong pagkakataong nakilala ko sila nang lubusan kung hindi ako namali ng desisyon. Subalit kahit anong pilit ko sa isip ko hindi ko magagawa iyon at lalong hindi ko na maibabalik ang takbo ng oras at panahon.

Gusto ko na lang gumala ngayon dahil nabitin iyong excitement na sana natapos ngayon araw na ito. Minsan mas iisipin mo pang huwag na lang magtiwala dahil mayroong punto na ang tao pare-parehong mga paasa. Ayoko nang umasa sa mga salita at pangako, mas lalo na akong magiging maingat sa mga salitang walang laman na binibitawan ng iba't ibang tao. TangNa talaga natapos ang isang semestre sa panghihinayang, hindi sa mga subject dahil p*** wala akong pakialam diyan, mas pinanghinayangan ko ang sana ay oras na makilala nang maigi ang mga taong naging parte ng unang semestre ng 3rd year college life ko. Kainis. Kainis.
Friday, July 20, 2012 | By: Klent

Walang signal kaya malabo

Ewan ko.
May mga pagkakataong may mga nami-miss akong mga tao. May mga pagkakataon din naman hindi. Minsan gusto kong isipin na gusto ko silang makita pero minsan din naman tinatabla ng kabaliktaran.
Saturday, July 14, 2012 | By: Klent

For her birthday! :))

One time I had a conversation with my friend, I told her that I wish I have a fair (mestizo) complexion. She asked me why. I answered that when you have a fair complexion, you would look handsome and attractive to women.
Her reply was an eye opener to me and yet an awful truth. She said that people nowadays, the youth, our current generation are too shallow. Teens nowadays are too shallow in choosing their standards in having a relationship with someone. They prefer to set their standards solely on physical attributes without giving regards to what is inside a person's heart and mind. Yeah, she's right. Teens nowadays just "fall" to someone with good looking appearance even though in the first place, they don't really understand what it means to "fall to someone".

Even though this conversation was happened long ago, I still can't forget it. Thanks to her my ignorance was decreased. It was a great eye opener. I made this post as a gift in her birthday. Anyway, thank Ai for the eye openener. Happy Birhday! :))

P.S. and because today is your birthday, you must check the grammar and punctuation in my Birthday note to you. ^^V
Tuesday, June 5, 2012 | By: Klent

Junior

Jun 13, first day of school bilang isang irregular 3rd year student. Irregular kasi mayroon pa akong mga pang 2nd year subjects na kinukuha. Kung itatanong mo pa kung bakit ako naging irregular, mahabang kwento pa iyon. 
Pero sa school namin, lalo na sa college namin, uso na ang umuulit ng subjects na binibigay per sem. Syempre bumabagsak pero hindi ibig sabihin noon, tanga lahat ng estudyante. Sadyang may mga professor lang talaga na ang hilig makipagkita sa mga estudyante niya sa susunod na semester. Maraming kwento, maraming spekulasyon, maraming hinala, maraming sabi-sabi tungkol sa 3rd year life ng college namin. Subalit ayokong manghusga agad nang hindi ko pa nasusubukan o nalalaman talaga. Mapalad iyong mga wagas na matalino at tunay na masipag sa college namin, sila iyong mga hindi na umuulit ng mga binigay na subjects at ibig sabihin wala silang bagsak. 
Ako bilang incoming irregular 3rd year(first timer) ng college namin, marami na akong nasaksihan at narinig na matatalino at magagaling sa klase na umuulit/bumabagsak sa mga 3rd year subjects namin. Bilang pag-iingat ko na rin dahil syempre ayokong umulit ng subjects at lalong ayokong magkaroon ng hindi magandang records sa grades, kailangan ko ng matinding sakripisyo.
Seryosong bagay ang pagsasakripisyo. Kung kailangan kong isakripisyo ang oras kasama ang mga kaibigan ko at sa paglilibang, gagawin ko matawid ko lang ng maayos ang mahirap na 3rd year life namin. Mahirap-halos lahat naman ng estudyante napapalaban kapag majors na eh.. pero sa kaso ng college namin, iba talaga. Hindi mo masasabi takbo ng utak ng mga professor namin subalit gaya nga ng sinabi ko kanina, ayokong mang-husga kung hindi ko pa naman nararanasan.
Malamang maraming masasaktan, maninibago at magbabago pero kailangan ko muna talagang magtiis, magtyaga, at magsipag sa mga majors ko. Sabi ng iba kumuha daw ng inspirsyon sa pag-aaral para lalong ganahan at lalong sumipag, ang sa akin lang, kailangan ko lang ng panahon na makapag-focus sa mahirap na parte ng pag-aaral ko sa pamamagitan ng pagsasakripisyo. Alam kong mahirap para sa lahat at hindi madaling tanggapin, pero alam kong kapalit naman ng konting sakripisyo ay mas mahabang nakagiginhawang paglalakbay para sa mga susunod na semester ng pag-aaral.
Tuesday, May 8, 2012 | By: Klent

Mighty Bond

Magaspang?
Makasarili?
Sarado?
Nagpapanggap?

Siguro hindi lang talaga gustong gawin. Tinatamad. Hindi, hindi lang ganoon kasimple iyon. Tiyak na marami pang ibang mas konkretong mga sagot at paglilinaw ang nagkukubli sa naguguluhang isipan. Subalit bakit mayroong takot sa pagsabi ng katotohanan at paglilinaw gayong wala namang balak na pagsabihan? Tiyak na hindi malinaw ang lahat.
Subalit kahit basag na salamin man ang tingnan, ibinabalik pa rin nito ang dapat ibalik. Hindi naman binabaliwala ang ganoong katotohanan subalit pinangungunahan ng nalason na dibdib ang isipan. Inaalipin nito kung ano ang dapat na katuwang sa mga bagay-bagay. Hindi pa rin malinaw ang lahat at nakabusal pa rin ang isipan. Matagal na itong gustong sumigaw subalit pigil at tikom ang bibig. Sadyang humanap lamang ng paraan upang kahit papaano ay maisiwalat ang katotohanan:

.Hindi lahat ng plano at mga mungkahi sa isang pangkat ng tao ay napag-uukulan ng atensyon.
.Tiyak na ang bawat isang suhestiyon ay para sa ikaaangat o ikabubuti ng nagsambit ng mungkahi.
.Walang isang mungkahi na kung saan makikinabang ang lahat. 

Subalit ang ibang nais sambitin ng bihag na isipan ay hindi na lubos na mahalaga at sa halip ay mga hinaing na lamang.

.Mahirap humarap sa isang laban kung saan halos ang lahat ay nakapagsanay na nang mabuti at ang isa'y bagong miyembro lamang.
.Hindi lahat nang nagtutungo sa giyera ay makikipagdigmaan para sa kanilang ipinaglalaban, ang iba ay labag sa kalooban.
.Ang tagumpay ng isang pangkat ay hindi lamang nasusukat sa husay sa pag-eensayo, dapat ding bigyang pansin  ang kasiyahan ng bawat kasapi sa paraan ng pag-abot sa tagumpay.


Sa huli, naisiwalat man ang katotohanan, bihag pa rin ng nalason na dibdib ang isipan at tiyak na nilagyan ng piring upang lalong mabulag sa katotohanan. Inaasahan din naman ng bihag na maaaring humantong sa pagkabulag at pag-iwas, o mas malala pa ang paglisan matapos maisiwalat an katotohanan.
Ano't ano pa man, ang isipan ay dinidiktahan pa rin ng nalason na dibdib at hangga't walang katiyakan ang mga bagay-bagay, tiyak na ikukubli nito ang isipan sa mga bagay na magbibigay paglilinaw sa lahat.
Wednesday, July 27, 2011 | By: Klent

:/

Ang kagandahan sa isang maliit na grupo, tropa o barkada, nabibigyan ng atensyon lahat ng miyembro.. Hindi tulad ng isang napakalaking grupo, ilan ilang lang ang nabibigyan ng atensyon at sa pagpapasya ng isa, susunod na lang ang iba dahil hindi rin naman sila makaporma dahil sobrang dami nga..

Buti pa sa Tropang Oasis, sobrang mahal namin ang isa't isa bilang magkakapatid at lahat ng boses, tinig, hinaing, saloobin, o damdamin namin ay napapakinggan. Walang nagmamagaling, walang nagsusunod sunuran. Pantay patany kaming nagmamahalan bilang tropa.
Hindi tulad sa mga kaklase ko noong high school na sa sobrang dami namin ay hindi na nabibigyan ng atensyon ang bawat isa, bagkus kung sino lang na magaling, marunong at madalas at ma-boka ang nangunguha ng atensyon ng karamihan, hindi na napapakinggan ang mga muntig tinig na mayroon sa paligid. Madlas, kapag masyadong marami, hindi na natutupad ang pinaka rason ng pagkikita kita o pagkakamustahan.. nauuwi rin naman sa pilian, hindi rin nabibigyan ng pagkakataon ang iba na magsalita..
Tuesday, July 26, 2011 | By: Klent

No Other..

No other people can make me laugh like there's no tomorrow just like OASIS can do.. I really miss those freaking laughs of each of us. :))

I really miss those people :)) just reminiscing :)
Monday, July 25, 2011 | By: Klent

Iba eh..

Wala akong pakialam sa kung sino man ang makabasa nito.. gusto ko lang alisin ang gumugulo sa nagwawala sa loob ko.. May exam ako bukas, maaga pa pasok ko pero magpapahayag pa rin ako..

Mahirap malayo sa mga masasayang katropa.. lalo na't kaclose mo na..
Iba talaga kapag sila ang kasama, tawanang walang sawa..
Marami akong iba pang tropa, pero sadyang sila ay naiiba..
Sa kanila ibang saya ang nadarama, unique ika nga nila..

Ewan ko.. nagkaroon naman kami ng bonding ng mga kaklase ko noong High School (4-Einstein Pioneers SHS) pero parang may kulang, parang may kakaiba.. hindi ko maintindihan, hindi ko maunawaan, ako'y nahihiwagaan.. Ewan ko, hindi ko alam, parang kulang, parang hindi kumpleto, parang hindi isandaang porsyentong masaya.. Nandoon ang presensya ng bawat isa pero sa akin parang may kulang.. Parang may hindi ako maintindihan..

Ngayon naman dahil irregular ako pero may section ako sa Major Subject namin sa Med.Tech, sila na siguro ang ituturing ko na other group na "nakikita/nakakausap" ko lang kapag Majors namin.. Kasali rin ako sa groups nila kasi para sa mga announcements and assignments.. Nababasa ko ang mga posts ng mga trip/gala, at kung ano-ano pang bagay na pwedeng pagsaluhan ng mga tropa sa kanila.. Mga bagay na pinagkatuwaan, mga pangyayari, experiences nila.. Sa isang banda sa organ sa dibib ko, may kulang.. may hinahanap hanap..

Hinahanap hanap ko iyong pakiramdam na nakakatawa ako ng walang bukas, nakakatawang walang pakialam sa mundo, at higit pa doon, nakakatawa ako na kasama sila..
Syempre hindi mo lubusang nauunawaan ang sinasabi ko dahil hindi naman ikaw ang nasa lagay ko.. sadyang miss ko lang sila.. iba kasi ang pakiramdam talaga kapag sila ang kasama ko.. "wala kaming pakialam sa mundo" kapag sila ang kasama ko.. ibang iba talaga.. basta, iba, MALAYA KAMING NAGTATAWANAN, masayang-masya na parang walang bukas.. hindi iniintindi ang paligid, bagkus sa amin-amin lang naktuon ang atensyon ng bawat isa.. Sobrang miss ko na sila..
Saturday, June 4, 2011 | By: Klent

Day 26 - What you think about your friends

Ang mga kaibigan ko..

Sa OASIS..
honestly, kau ung una kong naisip sa post na ito.. pero naalala ko marami pa pala akong ibang mga kaibigan, unahin ko na kau kasi kau ang unang naisip ko eh :)

Hindi ko sila hinanap, hindi rin nila ako hinanap..
Kung tawanan ang naging daan sa simula ng pagsasamahan
Tawanan din ang laman ng ala-alang iniwan
Hindi naman malungkot ang ending
Dahil ang tawanan mismo walang ending
Tropa ko sila, Tropa kami
Masayang-masaya lahat kami..
Iyon ang nagpapakilala sa pagkakaibigan namin
At iyon ay tanging yaman namin
Lubos akong nagagalak na tropa ko sila
Masaya ang lahat kapag magkakasama

ayoko na, haha! promise, tinatamad na iyong utak kong isipin ang iba kong kaibigan hindi naman sa ganun, wala lang akong masabi sa kanila right now.. may nasasabi kasi talaga ako kapag may namimiss ako ng sobra.. anyway, iyan na un. :D
Monday, May 30, 2011 | By: Klent

Day 21 - A picture of something that makes you happy


Hindi po pusa ang nagpapasaya sa akin. :)
What makes me happy are the times that I am with my friends. Marami din naman akong kaibigan at masayang masaya ako kapag kasama sila. Para sa akin, hindi ko matatagpuan ang kaligayahan sa mga bagay na walang pakiramdam, ang kasiyahan ay natatagpuan sa mga bagay na pinagbabahagian  ng pakiramdam. :)

Saturday, May 28, 2011 | By: Klent

Day 19 - Nicknames you have; why do you have them

hmmm.. nickname ko?

Klent pa rin naman ang nickname ko.. kung ano pangalan ko iyon din ang nickname ko, haha! Wala naman nang ibang tawag sa akin.. hehe.. Sa iksi ba naman ng first name ko paiiksiin pa? Haha!

Pero may isa akong matalik na kaibigan ang tawag sa akin GAKKEEEYYY.. ang tawag ko kasi sa kanya RENGGAY kaya ganun ang tawag niya sa akin, katuwaan lang naman pero nakakasanayan na rin. x) makikilala kong siya ang tumatawag sa akin nun kapag naririnig ko ang boses niyang tinatawag ako sa gaanoong ngalan. :)
Thursday, May 26, 2011 | By: Klent

Day 17- Someone you would want to switch lives with for one day and why

Hmmm.. siguro kung makikipagpalit ako ng buhay sa isang araw.. siguro pipiliin ko iyong Bespren kong si Byron.

Gusto ko lang maexperience iyong buhay niya sa isang araw at kung ano ba ang tipikal na gawain niya sa bahay nila.. Gusto ko lang malaman paano ba ang ugali at pakikitungo niya sa bahay nila..

Ang nakikita kasi namin sa kanya ay kung sino siya sa school noon pero hindi batid ninoman ang tunay na siya sa tahanan nila. Sabihin na nating parehas lang pero iba pa rin kasi iyong experience na na-expereince mo ung daily activities ng isang tao, at least kahit papaano makikilala mo pa siyang maigi.
Tuesday, May 24, 2011 | By: Klent

LIFEBOAT

Paano kung mayroon kang kaibigan na parang nalalayo na ng landas sa kabutihan? Anong gagawin mo? Manghihimasok ka ba sa kabila ng pagiging personal na buhay niya ito? Manghihimasok ka ba kahit hindi niya sinabing maaari kang manghimasok?

Alam kong hindi sapat ang mga katibayan ko para mag-conclude na nalalayo na ng landas ang mga kaibigan ko pero hindi rin ako malayo sa posibilidad na mangyari iyon. Alam ko ring wala akong karapatang manghimasok sa buhay ng iba subalit bilang isang kaibigan, handa akong sumubaybay sa kanya/kanila. Noong una, natakot ako, nagtago ako, nagtakip ako ng mata sa mga posibilidad. Subalit walang mangyayari kung ganoon lang ang gagawin ko, hinarap ko ang mga ito sa kabila ng pagiging masakit sa mata. Susubaybayan ko sila kahit na hindi na maganda ang mga nakikita ko mula sa kanila dahil kaibigan ko sila. Kung sakaling humantong man sa pinakamalalang punto, sino na lang ang totoong kaibigan na aagapay sa kanila kung sakali mang magkagulo-gulo na. Mahirap mang sumubaybay sa mga bagay na hindi nakabubuti sa kalooban ng Diyos at mga bagay na masakit sa mata subalit gagawin ko pa rin iyon, magiging matapang ako upang harapin iyon dahil tropa kami at gagawin ko ang lahat sa abot nga aking makakaya para mabantayan ko sila. At kung sakali mang tuluyan na silang malayo ng landas, tutulungan ko silang makabalik sa ngalan ng ating Panginoong Jesus.
Naalala kong I'm a steward of God and my weapon is Faith and my armor is Trust to defeat the challenges, struggles and trials in life, both naturally and created by the devil.
Monday, May 23, 2011 | By: Klent

Sorry

Lord God,
Sorry po kung naging immature ako in all my ways and my acts. Sorry po kung naging immature and corrupt po ang aking isipan. Cleanse me Lord God, heal me from within. Make me whole and complete again through You. I humbly ask this prayer wholeheartedly. Let Thy will be done in my life, I trust in You Lord God, wholeheartedly. In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Sprit. Amen.

Sa iyo na nagkasala ako,
Sorry kung naging bitter ako. Sorry kung naging immature ako sa pag-iisip ko at sa mga kilos ko. Pasensiya na kung minsan nakakasakit ako nang hindi ko alam. Sorry talaga.
Saturday, May 21, 2011 | By: Klent

Day 12- How you found out about Blogger and why you made one

Ok ganito kasi iyan.. nagsimula ito kay Lorraine Anne Monzon Sauler a.k.a. neng, sistah, sis.. etc. =)

Ininvite niya ako dati sa Tumblr kaya gumawa ako ng account.. den inexplore ko at natuwa naman ako.. Sa katagalan, lumalabas na parang iyong dapat na blog ko ay parang nagiging blog ng para sa crowd. Ibig ko bang sabihin ay lumalabas na trying hard ako doon na iplease iynog mga followers ko doon. Ewan ko, hindi ko naman sinisisi si neng o hindi ko naman ibig sabihing pangit ang Tumblr, symepre nasa tao naman iyan kung ano an perspective niya sa isang bagay at kung paano niya ito ginagamit o pinapakinabangann. :)

So dinelete ko iyong Tumblr account ko kasi namali ako ng gamit at gumawa ako ng blogger. Ginawa ko iyon bilang online diary kasi kapag isusulat ko, nakakatamad xD at mas madali kasing iaccess o itype kesa isulat (syempre depende pa rin 'yan sa tao) pero somehow na-adopt ko na iyong modern technology kaya gumawa ako ng online blog.

Noong una nga makikitaan pa rin ako ng signs ng pagpplease sa mga makakabasa pero tuluyan na ring nawala kasi AKIN ITO, LUWALAN KO ITO NG SALOOBIN KO kaya hindi dito involved ang pleasure ng mga taga-labas. Kung mapapnsin nga, naka-ilang palit ako ng blogger name dahil sa issue na ito eh pero final na yang name na iyan BILANG ONLINE DIARY. 

Another thing is mula ng ginawa ko itong personal diary ko, hindi na ako nagpopost ng status sa Facebook, bitter kasi ako eh, haha! Wala lang, mas gusto ko lang private iyong mga post ko kahit may sense man o wala, bitter lang talaga ako pero  na-adopt ko na. :) What I mean is kinasanayan ko nang dito na lang magpost ng mga saloobin ko since blog/online diary ko naman ito, "kea ka nga nagblogger eh" sabi ko sa sarili ko, haha!

Komportable ako dito dahil iilan lang ang makakabasa ng contents nito. Syempre, pwede namang hanapin sa internet iyong blog ko pero hindi ko ito vulgar na ipinagkakalat sa public, kung sino lang ang gustong bumasa, hayaan ko silang bumasa. Isa pang gusto ko dito, maaari kong ibahagi iyong mga certain posts na gusto ko lang i-share pero hindi necessary na parang i-advertise ko iyong blog ko, just for sharing lang ng ilang thoughts. :) Wala naman akong intensyong ikumpara ito sa ibang blog sites kasi first of all masama ang magkumpara at second, may kanya-kanya tayong preferences sa kung anong gusto natin pero ang mahalaga, marunong tayong rumespeto sa kung ano ang gusto ng bawat isa. :)
Friday, May 20, 2011 | By: Klent

Day 11- Another picture of you and your friends

picture uleet? haha! nalulunod na sa pictures... xDD

by group na lang ulit.. :)) medyo matrabaho kpag individual eh.. xDD

1. 4 - EINSTEIN PIONEERS SCIENCE HIGH SCHOOL :)))
eto naganap nung graduation noong 4th year :D
Saturday, May 14, 2011 | By: Klent

Day 03- A picture of you and your friends

This is a repost of Day 03- A picture of you and your friends of 30 Days Doodle Challenge due to the malfunctioning performance of Blogger. The original post was posted on Thursday but unfortunately it got lost due to the system malfunction. I will repost this but the corresponding date of posting will not be followed anymore due to inconsistencies. (dami mong alam redundant naman, haha!)

Gusto ko sanang ilagay iyong mga pictures ko noong elementary with my tropa kaso mahirap maghanap ng pictures at matagal mag-scan kaya magsisimula na lang ako sa HS.

Tuesday, April 12, 2011 | By: Klent

yey!

at last ,back here in cavite.. ou alm q nakakasawa at nakakaasiwa ang buhay istres d2 subalit gayun pa man.. masarap ung may nasasabhan k ng pagod at inis..

ung napagtatanungan m ng mga bagay2..

ung mapagkakatiwalaan m kahit nakatalikod ka..

ung alm mong aalalayan ka kapag nd mna kaya..

ung maalala ka khit wala ang iyong presensya..

at higit sa lahat.. UNG HANDANG PAKINGGAN KA AT MAKINIG SA IYO NG WALANG SAWA

 pre, Byron Jon (a.k.a. pre, tol, bespren) I. Gelera, salamat pre!


Alm ko masyado aqng expressive s mga cnsb q pero gus2 qlng maging 22o..

kasi alm qng 22o ang bespren ko

minsan nga lng medyo isip bata ako pero sensya na pre ha, qng minsan nagiging immature aq.. hayaan m, blang araw, darating din ung maturity na "tinatawag" nila.. hehe..
cnxia n qng minsan suplado aq, nd lng pla minsan (hindi qna bngo ung tnype q, hehe) most of the time pla.. hehe..

basta pre salamat sa wlaang sawang pakikinig sa akin kahit na medyo me sayad ang takbo ng utak ko minsan.. hayaan mo bespren, balang-araw, babawi ako.. pramis..
Thursday, March 31, 2011 | By: Klent

=)

Never take for granted the friends you have for they are like treasures deep in the sea and only few people can  find them. You're lucky you have them! :)
Sunday, March 13, 2011 | By: Klent