Ok ganito kasi iyan.. nagsimula ito kay Lorraine Anne Monzon Sauler a.k.a. neng, sistah, sis.. etc. =)
Ininvite niya ako dati sa Tumblr kaya gumawa ako ng account.. den inexplore ko at natuwa naman ako.. Sa katagalan, lumalabas na parang iyong dapat na blog ko ay parang nagiging blog ng para sa crowd. Ibig ko bang sabihin ay lumalabas na trying hard ako doon na iplease iynog mga followers ko doon. Ewan ko, hindi ko naman sinisisi si neng o hindi ko naman ibig sabihing pangit ang Tumblr, symepre nasa tao naman iyan kung ano an perspective niya sa isang bagay at kung paano niya ito ginagamit o pinapakinabangann. :)
So dinelete ko iyong Tumblr account ko kasi namali ako ng gamit at gumawa ako ng blogger. Ginawa ko iyon bilang online diary kasi kapag isusulat ko, nakakatamad xD at mas madali kasing iaccess o itype kesa isulat (syempre depende pa rin 'yan sa tao) pero somehow na-adopt ko na iyong modern technology kaya gumawa ako ng online blog.
Noong una nga makikitaan pa rin ako ng signs ng pagpplease sa mga makakabasa pero tuluyan na ring nawala kasi AKIN ITO, LUWALAN KO ITO NG SALOOBIN KO kaya hindi dito involved ang pleasure ng mga taga-labas. Kung mapapnsin nga, naka-ilang palit ako ng blogger name dahil sa issue na ito eh pero final na yang name na iyan BILANG ONLINE DIARY.
Another thing is mula ng ginawa ko itong personal diary ko, hindi na ako nagpopost ng status sa Facebook, bitter kasi ako eh, haha! Wala lang, mas gusto ko lang private iyong mga post ko kahit may sense man o wala, bitter lang talaga ako pero na-adopt ko na. :) What I mean is kinasanayan ko nang dito na lang magpost ng mga saloobin ko since blog/online diary ko naman ito, "kea ka nga nagblogger eh" sabi ko sa sarili ko, haha!
Komportable ako dito dahil iilan lang ang makakabasa ng contents nito. Syempre, pwede namang hanapin sa internet iyong blog ko pero hindi ko ito vulgar na ipinagkakalat sa public, kung sino lang ang gustong bumasa, hayaan ko silang bumasa. Isa pang gusto ko dito, maaari kong ibahagi iyong mga certain posts na gusto ko lang i-share pero hindi necessary na parang i-advertise ko iyong blog ko, just for sharing lang ng ilang thoughts. :) Wala naman akong intensyong ikumpara ito sa ibang blog sites kasi first of all masama ang magkumpara at second, may kanya-kanya tayong preferences sa kung anong gusto natin pero ang mahalaga, marunong tayong rumespeto sa kung ano ang gusto ng bawat isa. :)
0 comments:
Post a Comment