Sunday, April 29, 2012 | By: Klent

kuryos lang talaga

Mahigit isang taon na rin ang lumipas nang nahiligan ko ang pagtingin sa mga litrato at aktwal na bus sa Pilipinas. Naaantig ako sa mga ito dahil ito ang pinakamalaking pampublikong transportasyon sa lupa. Ang paghanga ko ay nauwi sa pagiging curious kung paano nga ba ito binubuo o ginagawa mula sa pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit na bahagi at detalye nito. Nahihiwagaan ako kung paano ito nabuo mula sa mga pinagsama-samang bahagi hanggang sa isang finished product. 
Subalit wala akong kakayahan na gumawa ng sarili kong bus at lubos na kulang na kulang ang aking kaalaman sa mga ito. Kaya naman gusto kong malaman ang mga bahagi nito at kung paano ito binubuo kahit mga ideya man lang. Tumitingin na lamang ako sa internet at mga conversation ng mga bus enthusiasts dahil kahit papaano, kahit kaunti ay natututo ako sa mga pinag-uusapan nila. Bukod pa doon, marami pa akong gustong malaman tungkol sa paggawa ng bus at mga bus sa Pilipinas. Kung mabibigyan ako ng pagkakataon na magpunta sa pagawaan o compound ng bus gaya ng Santarosa Motorworks, Inc., lubos kong ikatutuwa iyon at tiyak na hinding-hindi ko malilimutan iyon. =D

(parang paulit-ulit na iyong sinasabi ko?)

Labo-labo

Pahina nang pahina. Hindi na kasing liwanag gaya ng dati. Sino ba ang mag-aakala na aabot sa ganoon. Kaya pa kaya ang isang malaking kwarto? Tatagal pa kaya ito o maaupos din ang munting liwanag na nalalabi? Makayanan pa kaya nito pagdaan ng malakas na ihip ng hangin? Walang kasiguruhan pero nakasalalay mismo sa sarili ang tagal ng liwanag nito.
Subalit ano nang mangyayari kung pati ang munting liwanag ay maglaho na? Mahanap pa kaya ang gusot na papel sa loob ng silid? Maging kaaya-aya pa kayang tingnan at sulatan ang munting papel kahit na mayroong gusot? Subalit kahit lagyan ng pandikit, hindi na maibabalik ang dating malinis at maayos na anyo nito. May tagpi, may tahi, may tupi, may gusot, may lukot. Hindi ito gaya ng tela na kapag dinaanan ng plantsa ay magiging maayos muli. Itatapon na kaya ito o gagawan ng paraan para muling mapakinabangan?
At kung sakaling mapakinabangan man, magiging maayos pa kaya ito sa lahat ng klase ng panulat? Makakasalamuha ba ng lahat ng uri ng panulat ang papel na ito? Tiyak na may malinaw  at mayroon ding malabo, at mayroon ding hindi na talaga uubra dito. Mababasa pa ba ang nilalaman o hindi na pag-uukulan ng panahon? Maging katanggap tanggap pa kaya ang ito?

Walang kasiguruhan. Walang katiyakan. Magkakaroon lamang ng katiyakan kung susubukan ang mga tanong na naglalaro sa laman.
Saturday, April 28, 2012 | By: Klent

random? na naman

hindi ko alam subalit parang may pinaghuhugutan
hindi ko alam pero parang ayaw ko na

parang unti-unti na akong nawawalan ng interes
parang unti-unti na akong nagsasawa..

hindi ko alam..
sana pansamanatala lang ito..
Friday, April 27, 2012 | By: Klent

Longcut

Pauwi na ako kanina at sa tantiya ko, mga bandang 2:20 pm ay nasa Rizal Park na ako nag-aabang ng bus pauwi sa amin. Maya-maya may isa akong ka-batchmate noong high school na nag-aabang na rin ng bus at alam kong pareho kami ng byahe na sasakyan pero hindi ko siya pinapansin kasi hindi naman kami personal na magkakilala. Napansin ko ang tagal ng bus na byaheng Cavitex. Maya-maya ay may dumating at sa malayo pa lang ay tanaw ko nang standing na agad iyon. Nakita ko sumakay siya, nagpaiwan ako at muling naghintay ng bus dahil ayokong tumayo mula Lawton pa lang. Lang'ya pagsilip ko ng relo ko, 2 minuto na lang mag-aalas tres; halos 40 minutos na pala akong nag-aabang ng bus. May bus na byaheng Dasma doon (Cavite Batangas Transport Service 8355; nalaman ko sa ticket ko) at nag-aabang ng pasahero kaya napilitan na akong sumakay; napilitan na ako na sa Imus na lang bababa.
Sa sobrang curious ko din kung bakit walang bus na bumabyahe papuntang Cavite, tinanong ko iyong driver. Nalaman ko na binawasan na naman ang volume ng bus na pumapasok ng Lawton. Ang nadali dito ay ang mga bus na galing sa amin, sa Cavite. Nilimitahan ang byahe ng mga bus na galing sa amin (parehong galing ng Tagaytay at galing ng Ternate) hanggang sa Buendia lamang sila kahit na dapat ay Lawton ang byahe. Baka by June naman daw ay ibabalik na nila ang mga byaheng Dasma-Lawton at Ternate-Lawton na mga buses. Wala namang kasiguruhan iyong mga nalaman kong impormasyon mula sa driver, pero sana pahintulutan na agad nila sa madaling panahon at huwag nang hintayin ang June upang ang mga bus na galing ng Cavite ay muling makapasok ng Lawton. Ito ay para sa ikabubuti ng mga CaviteƱo at para na rin sa aming mga estudyante na nag-susummer class. xD

P.S. Tinamad na akong idetalye ng maigi iyong byahe ko pauwi; naputol na iyong momentum kasi naghapunan kami ^^V

IMBAha

Thursday, April 26, 2012, paalis ako sa bahay namin pasikat pa lang ang araw. Lagi ko kasing tinitingnan ang langit bago ako lumayo ng bahay namin para makita ko kung uulan o hindi. Kung sakaling uulan, makakabalik pa ako ng bahay para kunin ang payong ko (dahil tamad akong magdala ng payong ngayong summer) o kung hindi naman, didiretso na ako papasok ng skwelahan. Standing sa bus, hindi na bago sa akin iyon. Pagdating sa Baclaran, nakaupo na ako at naisipan kong umidlip. Nagising ako sa may kahabaan na ng Taft Avenue. Napansin ko, may mga patak na ng ulan sa bus, hindi ko gaanong pinansin iyon dahil baka hanggang ambon lang, pero sa loob ko nakaramdam na ako ng kaba kasi wala akong dalang payong at ayokong mabasa, lalo na't papasok pa lang ako ng skwelahan.
Monday, April 16, 2012 | By: Klent

Nakakaloko

Ang hirap mag-adjust.. lalo na kapag alam mong ang mahal mo..... umutot sa loob ng FX, haha! >:))


Seryoso na 'to, bilang isang estudyante, ang hirap mag-adjust mula sa pahinga mode papunta sa zombie mode kapag may pasok na ulit. Summer tapos may pasok? Oo, may pasok ako kasi may summer class ako, hindi dahil bagsak ako kundi dahil gusto kung mag-advance. Ang iba kasi iniisip na bagsak ang isang estudyante kapag nakarinig nang balita na mag-susummer class na kung tutuusin hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay ganoon.
Magsisimula ang summer term ko sa April 18, 2012 (Wednesday) hanggang May 25, 2012 (Friday). At kahit na isang araw na lang ang pagitan bago ako pumasok muli at maging estudyante na naman, hindi pa ako naghahanda ng kahit ano o kung ano man, as in walang pang paghahanda. Pero ang pinakamahirap gawin ay nag pag-aadjust. Halos lahat naman ng estudyante nag-aadjust kapag galing sa mahabang bakasyon pabalik sa kalbaryo ng pagpasok sa paaralan, pero para sa akin at bilang isang college student, ibang antas ng pag-aadjust na naman ang ibabalik namin mula sa pagpapahinga. Kung alam niyo lang kung gaano nakakapagod ang maging college student, haha! Pero sobrang sulit naman kapag nakapagtapos na, talagang determinasyon, sipag, tyaga at higit sa lahat, tiwala, at pananampalataya ang magdadala sa iyo sa tagumpay. :)
Sunday, April 15, 2012 | By: Klent

Now it makes sense :)

Madalas naiingit ako sa mga taong halos complete package na (gwapo, matangkad, matalino, mabait, mapagkumbaba, mestiso, athletic, talented). Sila kasi iyong halos laging napapansin at laging nabibigyan ng atensyon. Madalas sila pa iyong habulin ng mga babae. Sila din kasi iyon madalas lapitin ng tao at lumalabas na sila na iyong parang superman).

Dapat ang ipapaskil ko lang dito ay kug gaano ako ka-bitter sa ganyan, pero may bigla akong naalala. "Maaaring halos kumpletos rekados na sila pero kung hindi si God at si Jesus ang naghahari sa puso nila, hindi ko sila dapat ka-inggitan o hangaan". 

Bilang isang Kristiyano, lahat ng tinatamasang biyaya ngayon ay galing sa Kanya kaya dapat ang lahat ng "credits" ay sa Kanya din. Ang Diyos ang nagbigay sa atin ng certain at unique features natin individually at siya lang ang tanging nakakaalam ng perfect set ng features na iyon. Ngayon kung ang isang tao ay nabiyayaan ng halos pagiging complete package na katangian, dapat niyang ipagpasalamat iyon sa Kanya at huwag nitong palalabasin na magaling siya bilang siya lamang. Ang tao, madali lamang maglaho sa lupa pero ang Diyos ay nananatiling buhay magpakailanman.

Sa halip, dapat hangaan at tularan ang mga tao (lalo na ang mga kabataan) na naka-focus ang mindset sa pagpupuri kay Jesus Christ. Sa aking pananaw, sila iyong tipo ng tao na sobrang ipinagpapasalamat nila ang lahat ng mayroon sila kay Jesus at sa kung sino sila ngayon. They do not create credits for themselves, instead they glorify God for all the blessings they have in their life. Alam nilang gifted sila ng characteristics pero higit pa ang pasasalamat nila sa Panginoon dahil sa mayroon sila. Sila ang tunay na astig at tunay na huwaran. :)

Man may have all the riches, wealth, power, and fame in the world but man are nothing without God.

P.S. Huwag ko sanang makalimutan ang tungkol dito. :P
Monday, April 9, 2012 | By: Klent

Kabataang Pinoy

Nakakalokong isipin na sa panahon ngayon, halos karamihan ng kabataan gaya ko ay umiikot na lang ang mundo sa mga social networking sites at mga games. Kabilang  rin ako sa kanila sapagkat aminin ko man o hindi, dumaan din ako sa ganyan.

Napansin ko kasi kanina na habang gumagamit ako ng Twitter, talaga namang kung ano ang pinaka-"talk of the town" ang siya ring lalabas sa mga top trending tweets. Mabilis ang transition at pagpapalit-palit ng mga ito na nagpapakitang aktibo ang mga kabataan sa pagpapalitan ng kung ano-anong ideya, opinyon at usapan sa pamamagitan ng social networking site na iyon.

Gayon din ang Facebook. Halos lahat na ng Pilipino lalo na ang mga kabataan ngayon ay may Facebook page na (add kita. biro lang :)). May mga pagkakataong gumagawa ng multiple accounts pero iisa lang naman may-ari, mayroon ding fan-page, mayroon ding kung anong posers, haters, at kung ano-ano pang pwedeng gawin sa Facebook. Marami pa, marami pang ibang trip ang mga kabataang pinoy ngayon sa pamamagitan ng social networking site, hindi ko lang alam kung ano pa ang mga ito.

Isa pa sa mga kina-"aadikan" ng mga kabataang pinoy ang online games, WLAN games at kung ano-ano pang laro na pwedeng pag-ubusan ng panahon. Madalas kasama nila ang mga kaibigan nila sa paglalaro para nga naman mas enjoy. Mayroon din naman na Facebook games lang ang hilig pero wagas naman magbabad sa mga ito gaya ng kapatid ko na adik sa Tetris.
Pero naisip ko, kaya ko rin palang pigilan ang adiksyon ko sa mga games. Dati rin akong adik sa online MMORPG games na halos mula sa pagdilat ng mata hanggang sa bago matulog sa madaling araw, iyon ang kaharap ko. Subalit na-"overcome" ko iyon nang dumating ang panahon na nag-crash ang game na nilalaro ko sa pc ko sa hindi malamang kadahilanan. Ilang araw din akong naghirap dala ng adiksyon ko. Subalit sa katagalan, naglaho din ang adiksyon at ang pagnanasa ko sa mga online games at na-divert ko naman ang oras, panahon at atensyon ko sa paggawa ng ibang mga bagay. Sa ngayon, paminsan-minsan na lang ako naglalaro sa Facebook at ang pinaka-gamit ko na lang dito ay ang pakikipag-usap sa mga kaibigan kong malayo sa akin.

Subalit naisip ko kanina, kapag hinayaan mong mawaldas o maubos ang oras mo sa mga nabanggit sa itaas, lalabas na sila na ang may hawak sa iyo at kontrolado na nila ang oras at panahon mo. Hindi ko naman balak na hamakin ang mga gawain ng mga kabataan ngayon dahil iyon ang pinili nilang gawin sa buhay nila, ang sa akin lang sana huwag natin hayaang kainin tayo nito at umabot sa puntong hindi na natin kilala ang sarili natin.

Lahat po ng sinabi ko ay mga opinyon ko lamang. Kung medyo na-offend man po kayo, ako na po ang humihingi ng pasintabi. Nagbabahagi lamang po ako ng aking saloobin. Maraming salamat. :)
Sunday, April 8, 2012 | By: Klent

compiled learned thoughts


  • Life is always in a fast paced mode. 
  • Things here on earth are uncertain. Time and changes doesn't wait. 
  • Take chances whenever there are but never regret when you've taken one or some. 
  • It is our choice that creates the results so choose wisely.


  • When you close you're eyes, everything has changed the moment you wake up. 
  • Treat the problems as challenges. 
  • Suicide must never be an option. 
  • Don't look how far you have to go but look how far you've reached. 
  • Treat every situation as stepping stone to grow and to be mature. 


  • Value every person who care for you for they are more precious that material treasures but do not curse the people who dislike you. 
  • Love your parents because you can't have another unique set of them. 
  • Cherish every moments you have with your friends. 
  • When you give your heart to someone, be sure it is final. 
  • Pictures will be the greatest living visual souvenir of the memories you have.


  • I almost forgot, there's only one you. It's normal to be jealous but never underestimate what you have within yourself.

Enjoy life the way it is. Enjoy both the ease and hardships. Remember, you have only one of that so have the most of it.
Monday, April 2, 2012 | By: Klent

GOD IS LOVE: Ten Commandments - Layman Style

GOD IS LOVE: Ten Commandments - Layman Style: Someone has written these beautiful words. Must read and try to understand the deep meaning of it.  They are like the ten commandments to f...

Holy Week post

.Thank you Lord for always giving me time - 24 hours a day, 7 days a week, 365 days in a year, to enjoy life and all the blessings we deserve.
.Sorry that I always think about myself; if I only think how to spend my time everyday to enjoy my personal happiness without even thinking to thank You.
.Sorry that I lavish myself with the earthly pleasures.
.Sorry that I couldn't keep my promises to You just like what I always say in my prayers.
.Sorry that I do not pray on purpose, thinking about the sins that I have done the whole day.
.Sorry that I forget to go to Your house to praise You.
.Sorry that I keep records of wrongs from the people around me.
.Sorry that I have a hardened heart; a heart of pride.
.Sorry that most of the time I forget about You.
.Today, I don't want to ask anything from You anymore. I would just let the things happen the way, the time, the place, and the purpose You want it to be. I would just let the faith and trust to you grow from me through time.
.In Jesus mighty name, Amen.