Tuesday, September 27, 2011 | By: Klent

Anlabo..

Gusto kong gumawa ng bagong storya..
iyong maiba naman.. iyong hindi na kathang isip lamang.. hindi na iyong ibang tao..
pero hindi eh.. ayoko.. ang paggawa ko kasi ng storya ay
depende sa kung kailan susumpungin..
depende sa kung anong nararamdaman ko at hanggang kailan ito tatagal..
depende kung may gusto akong ipahiwatig/iparating sa storya ko
depende sa trip ko..
ewan, hindi ko alam.. gusto kong gumawa pero tinatamad ako.. pakiramdam ko parang walang sense kung gagawa ako o sisimulan ko.. mamaya trip ko, bukas ayoko na ulit at magpapaulit-ulit lang.. gusto ko pero tinatamad ako.. haha!

gagawa ako ng fansign (ano raw?)
actually hindi siya fansign.. gusto ko lang sanang isulat ang pangalan niya sa isang colored pattern or way.. den un lang.. trip lang..
kaso tinatamad ako eh..
kaso depende sa mood kong gawin
kaso depende sa trip kong gawin
ewan, sadyang malabo.. baka pag inumpisahan ko ngayon, tamarin na ako bukas.. baka lalong hindi pa matapos..

ewan, magulo, haha!
Tuesday, September 20, 2011 | By: Klent

Ang hirap magpalaki ng matanda..

Naiinis na naman ako sa tatay ko.. sa tuwing maagang uuwi galing sa opisina, hindi siya napipirmi sa bahay, bagkus sa tambayan (pasugalan) siya pumupunta.. nakakainis..

Para sa akin sobrang nakakahiya iyon.. nakakahiya talaga.. Hindi niya kasi maisip iyon dahil aliw na aliw siya sa pagpapakasawa sa tambayan niya.. 

Tapos uuwi dito na parang walang nagyari.. kung hindi magsusugal minsan naman makikipag inuman.. anu ba namang klaseng buhay iyan..

kapag sumakit ang paa o katawan, magtataka siya.. hindi niya ba naisip na kung ano ang lifestyle niya iyon ang dahilan ng mga karamdaman niya.. tapos lalabas na naman iyang gabundok niyang pride na ayaw bitawan.. walang paniniwalaan kundi sarili niya lang na naman..

minsan naman naiisip ko tatay ko iyan eh, wala akong ibang magagawa.. pero ang hirap kasing magdisiplina ng magulang.. basta mahirap ipaliwanag.. kung paano yatang nahirapan disiplinahin ng magulang ang anak noon, gayon din ang anak sa magulang ngayon eh.. 


Monday, September 19, 2011 | By: Klent

tri in wan bus stori na ito

1. Isang beses nakasakay ako sa bagong GD (Golden Dragon) na bus ng Saulog, hindi ko maalala kung anong body number.. Sa pinakaunahan ako nakaupo o 2nd to the first row yata ako nakaupo noon, tapos nagkukuwentuhan iyong driver ng bus na sinasakyan ko pati isa pang driver yata iyon o konduktor na nakisabay sa amin pabyaheng ternate.. Piang uusapan nila na iyong isang bus daw ng saulog particularly Saulog Transit Inc. 71720, natanggalan daw ng tv. Kasi iyong isang pasahero daw, eh diba lagi namang sardinas na siksik ang serye sa mga nabyaheng ternate-lawton na buses, sa tv kumapit tapos sinabihan daw ng either driver o nung konduktor na wag kakapit sa overhead tv kasi baka matanggal.. Sa kamalas-malasan, pumreno daw iyong bus, sa tv kumapit si pasahero, ayon, tanggal daw ang tv ng bus na iyon, haha!
Nasakyan ko nga iyong bus nilang iyon, pagtingin ko wala ngang tv, haha! Dalawang beses ko na siyang nasakyan at wala pa rin siyang tv, tyaga-tyaga sa radyo iyong bus nila, instead na makakanood sana ng movies, haha!

thank you lord

Matagal na itong experience kong ito, ngayon ko lang naipublish dahil sa sobrang dami ng gawain ko bilang isang estudynte.. Medyo simplified na lang ito kasi hindi ko na kayang ikwento in detail talaga hindi tulad nang first time kong ma experience..

Umorder ako ng locker sa school, tapos binigay sa akin ang number ng locker.. Hinanap ko iyon at since first time ko sa CEU, nagkamali ako ng locker na napuntahan, sa faculty pala iyon.. Sobrang gulong gulo na ang isip ko noon kung anong gagawin ko. Una sayang ang pera at pangalawa, tiyak na magagalit si mama kapag nalaman niya iyon.. Dumulog ako kay Lord, sobrang confused na ako nang oras na iyon.. Sinagot naman agad ni Lord ang prayer ko, tinulungan Niya ako, binigyan ng wisdom at presto, nahanap ko ang locker ko, haha! Ang swerte pa doon, 2 rows of large lockers lang ang area ng locker ko, ang maswerte pa, sa upper portion ang binigay ni Lord sa akin, ang galing lang. :))

Ang masaya pa noon, pauwi na ako, nakasabay ko pa ang best friend ko pauwi mula sa school, haha! Sadyang napakabuti ni Lord sa atin. :))

Ang pinakamahaba ng Ariel :)

Kanina pauwi ako, nasakyan ko ang Ariel Express 1097 with plate no. TYL 498.. Base sa experience ko kanina, 66 seaters ito at ito na ang pinakamahabang bus ng ariel, astig lang... :))
iyon nga lang, kapag nasa loob ka, may nag*squeak* na part sa loob ng bus.. hindi ko lang alam kung saan banda particularly kasi inaantok na ako at natulog na lang ako pauwi  pero rinig ko iyong ingay sa loob.. siguro sa upuan ng driver iyon,, ewan, hindi ko sure..
ang ibang bus naman kasi ng Ariel, kahit overloading na at maingay ang tv, kapag finocus mo iyong pandinig mo, ang maririnig mo lang ay tunog ng aircon, astig lang ulit. :)

Sunday, September 18, 2011 | By: Klent

Na update ako bigla...

Nag dahil sa blog ko, na update ako sa aksidente ng Saulog Bus Transit, Inc. sa NLEX..

kasi may nagsearch sa internet ng tungkol sa aksidente sa saulog.. den naregister iyon sa blog ko kasi siguro naligaw sa blog ko.. tinype ko ngayon iyong mismong words na sinearch din nung nagsearch tapos aun nga.. may naganap ngang aksidente, as in nitong sept. 17 sa nlex sangkot ang saulog bus transit, inc...

ang concern ko doon, iyon din kasi ang isa sa mga sinasakyan kong bus pauwi.. makakaapekto ang balitang iyon sa kita at dami ng mga pasahero nila.. syempre mas ibayong pag iingat dapat ang gawin..
Saturday, September 17, 2011 | By: Klent

Wala, umalis, tulog

Ano ba pwedeng gawin? Marami akong options eh, 3..

1. magpaka depress ako sa bawat sasabihin at pakikitungo ko sa nanay ko

2. magretaliate ako at hindi ako magpatalo sa kanya

3. magpakamanhid at masanay sa ganoon ng ganoon


wala, umalis, tulog ang utak ko ngayon..
nakaharang sa pinto iyong dibdib ko, hindi makapasok iyong delivery ng dugo
kaya kung ano2ng katarantaduhan iniisip ko..

Thursday, September 15, 2011 | By: Klent

Salamat kapatid

May isa akong kaibigan na lalake sa Christian din sa skul, minsan naming napagkwentuhan ang mga babaeng pinopormahan namin.. Nagkwento na rin siya nang tungkol sa mga kakilala niya ng kani-kanilang laove life..

Sa kaibigan kong ito ko lang natutunan na, bilang isang Kristiyano, wala nang hihigit pa sa mga plano ng Diyos para sa atin, higit pa sa kung ano ang hangganan ng alam at kakayanan natin. Ganoon din ito sa pag-ibig, ang mga plano ng Diyos ay higit sa kaya nating gawin para sa minamahal natin. Natutunan ko na, kung talagang kayo, ibibigay siya ng Diyos sa iyo sa tamang lugar at tamang panahon. Hindi ibig sabihin na single ka ngayon, wala nang gagawin ang Diyos tungkol sa buhay pag-ibig mo. Mayroon kapatid, mayroon siyang plano para sa iyo, basta't maniwala at magtiwala ka lang sa Kanya. Kung magkahiwalay man kayo sa mahabang panahon, kung talagang siya ay para sa iyo ayon sa plano ng Diyos, hindi siya maaagaw ninoman dahil siya ang itinakda sa iyo ng Diyos. :) Single pa lang din naman ako, hindi na ako nagmamadali dahil ngayon, mas naunawaan ko na bilang isang Kristiyano ang buhay pag-ibig.
Noon kasi, nagmamadali ako, madalas naguguluhan sa kung ano ba ang mga dapat gawin kapag nagmamahal, kapag gusto mo ang isang tao, kung ano ang mga hakbang na gagawin mo, paano mo papakitang mahal mo siya, at ang mga desisyon sa buhay pag-ibig na pipiliin mo. May mga bagay kasi noon na mahirap at masakit tanggapin at isipin. Ngayon, hindi na ako nalilito, nababalisa o naguguluhan, mas naunawaan ko na nang maigi ang mga bagay-bagay tungkol sa ganyang usapin sa Kristiyanong paraan. Salamat sa kaibigan kong iyon na nagpaalala sa akin na ang Diyos ang bahala sa buhay pag-ibig natin at nagpaalalang walang ibang makahihigit pa sa mga plano ng Diyos sa buhay natin. 
Friday, September 9, 2011 | By: Klent

bago na pala, luma pa rin ako

matagal-tagal na rin ang huli kong dalaw dito sa blog ko (blogger) at nagulat na lang ako sa isang malaking pagbabago..

ang dami palang bagong features, o sadyang napag-iwanan lang ako nang panahon? siguro naging malinis at medyo makabagong tingnan kung ikukumpara sa format noon..

tagal ko na ngang huling nagpost eh, hehe.. minsan kasi tinatamad din ako magpost dahil kung ano-ano pinagkakaabalahan ko, at madalas abala sa pag-aaral... pero karamihan  ng gusto kong ikwento o ibahagi ay mga daily experiences pero naka-draft lang sila kasi wala akong time kapag weekdays para mag-dwell sa blogger..