Tuesday, July 26, 2011 | By: Klent

Usapang bus tayo..

Wala rin, haha! Kinain ko din iyong mga sinabi ko na hindi na ako sasakay ng Edmond Lines. xD (Airconyari)
Bakit kamo? paano ba naman, two consecutive days (Monday, Tuesday) nang nasasakyan ko ito papasok.. Alanganin namang mamili pa ako ng bus na sasakyan ko papasok, eh di nagkanda-late late naman ako.. Kailangang ibaba ang pride at sumakay na lang talaga kung ayaw malate. Sa kabutihan naman, ang nasasakyan ko namang units nila ay mga bago gaya nito..
Tutal nasabi na rin naman ang mga bagong bus units, and Edmond Lines yata ay may KIA GRANBIRD unit (structure ng bus) gaya ng nasa itaas, 2x2 seating arrangement with Air Suspension (see Google). Ok naman ang AirCon ng bus, siguro dahil bago pa kaya ko nasabing ok pa at malamig naman sa loob. Kahit na 2x2 seaters lang siya, maluwag iyong space na ma-oocupy ng isang nakaupo.. iyon bang space na mayroon ka kapag nakaupo ka na sa bus, both space sa gilid at harap, pwede ka na ngang mag-dekwatro eh o kaya mag slouch.. :))

Ngayon balik tayo sa sinasabi kong hindi na ako sasakay, iyon nga, nabale wala rin iyong pangako ko na hindi na ako sasakay sa mga units ng Edmond Lines dahil sa past experience ko diyan. Pero sumakay rin naman ako nung umaga kasi papasok na ako noon eh at bawal na maarte kung ayaw ko nga malate.
Heto nga pala links ng picture ng units ng Edmond Lines na may hawig diyan:
Edmond Lines B.N. - 1208 (nasakyan ko ito kanina papasok:)))
hindi ko maibahagi iyong picture niyan kasi may copyright sa flicker.. eh doon pa naman madalas makakita ng PUB's :))

Tapos noong papauwi naman ako noong monday, 3pm noon, ang nasakyan ko naman papauwi ay EHV Lines (ewan ko ba ang dami nang magkakaibang pangalan ng bus na bumabyahe pauwi ng Cavite). Nakakatuwa kasi ang luwang luwang talaga ng mauupuan mo kahit 2x2 seaters lang siya at ang laki nga ng space na pwede mong maoccupy as passenger, naaliw lang ako kaya enjoy ako sa byahe noon eh.. Pang-inis lang dahil tumambay sa Baclaran para magpuno ng mga pasahero pero nakauwi naman ako ng maayos. :D
EHV LINES (Naic-Lawton v.v.)


At kanina naman, pauwi na ako, ang malas ko pa.. tsk, tsk! Nao. g-aabang ako ng bus na byaheng Cavitex pauwi dahil doon naman ako talaga dumadaan pauwi para mabilis.. Antagal ko nang nag-aabang sa tapat ng Sta. Isabel College ng bus na Cavitex.. syempre ang instinct ko na noon, kapag matagal ang dating ng bus, naiipon nang naiipon ang mga pasahero. Kaya naman naisip ko, kapag may dumaan na kahit isa lang sasakay na ako. May dumaan nga, pagsakay ko naman standing na.. anak ng tinapa. Tumuloy na ako sa loob kahit gulat ako na standing na agad.. inisip ko na lang na para mabilis makauwi.. Laking inis naman kasi puno na kami sa loob, talikuran na nga ang standing eh.. Kung saan saan pa rin nagsasakay. Iritable na nga ang ibang pasahero eh, kasama na ako doon pero hindi na lang ako umiimik.. Ang hilig kasing magbabad sa mga pwedeng pagsakyan ng mga tao gayong hindi man lang ba naisip ng drayber at konduktor na punong puno na iyong bus nila.. Ang mahal pa ng pamasahe, 32! dapat 30 lang eh.. bakaw din!  Muntik pa kaming masiraan sa Coastal Road kanina, laking abala pa noon kung magkaganoon.. tsk2! Kainis lang eh.. Heto iyon oh.. RMS LINES 1001.. bago nga iyong bus, luma naman ang utak ng nagmamaneho plus walang galang na konduktor.. lang wenta..


RMS LINER 1001

Pero pag-uwi ko, napanood ko iyong aksidente sa SKYWAY, iyong sa Dimple Star Transport..

For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV


DIMPLE STAR TRANSPORT accident at Skyway

grabe iyong nangyari sa bus.. sa panahon ngayon parang padami na ng padami ang mga aksidente mula sa mga bus eh.. nakakatakot pero totoo.. maraming sanhi ng mga aksidenteng iyan.. ang iba pa doon ay bunga ng isa pang bunga ng problema.. Halimbawa, kapag ang isang bus/konduktor ay nakikibundary lang sa may-ari ng bus.. ang tendency niyan, dadamihan nila (as in madami) ang pasahero para malaki din ang porsyento nila.. hindi na nila pansin kung hirap na ang mga pasahero pati ang bus nila.. maari pang magresulta sa aksidente ang ganyan.. problema ng ng mga namomorsyento, problema pa pati ng mga pasahero... marmi pang ibang factors na sanhi ng mga bus accidents gaya ng simpleng kapabayaan ng driver, problema sa makina, atbp.
Dapat din sigurong i-refine o iupgrade ang batas para sa mga bus companies at pagpapasahod sa mga bus driver/konduktor.. Sabi nga sa GMA NEWS tv.. mas inuuna pa ang sariling kita kaysa sa kaligtasan ng mga pasahero.. Gayon pa man, INGATZ na lang. :)


Links sa mga pictures:

2 comments:

Post a Comment