Monday, July 18, 2011 | By: Klent

Thank God talaga..

Nagkaroon ako ng porblema/shortage sa pera dahil sa printing issues na ginawa ko kanina sa school.. umabot kasi ng mahigit P120.00 ang nagastos ko na hindi naman worthy ng gastos o nasayang lang.. nagsisi talaga ako sa nagastos kong iyon at ang laki ng panghihinayang ko.. pero sa halip na mainis at magpakalugmok sa lungkot, ipinagdasal, ibinigay ko lahat kay Lord God ang anxieties, worries, at troubles ko.. lahat iyon binigay ko kasi binabagabag ako nang nangyari sa pera ko.. Balak ko sanang isumpa o ipagkanuno iyong computer shop pero kung tutuusin ako din naman ang may kasalanan, bakit doon ako nagpaprint. Gayon pa man, natutunan ko ngayon mula sa salita ng Diyos na huwag nating ibalik ang ginawa ng iba sa atin sa halip, i-bless na lang natin sila at si God na ang bahala sa kanila. Sinunod ko naman, tinigil ko na ang pag-iisip doon sa compter shop at mga nagastos ko, ibinigay ko nang lahat ng iyon kay God through prayer.

Pag-uwi ko nagdasal, kumain at natulog na lang ako at kakalimutan ang mga nangyari dahil ibinigay ko na kay God ang lahat. God works in many ways talalaga, paggising ko nang gabing ito, dumating ang biyaya.


Sobrang bait ni God kasi hindi ako nag-eexpect nang kapalit, binigay ko lang talaga sa kanya lahat ng dinaramdam ko.. Akalain mong binigyan kaming magkapatid ng tatay ko ng P200.00, :)). Grabe ang saya ko sa loob ko at sobrang nagpapasalamat ako kay God. Grabeng pasasalamat talaga, hehe.. Pero walang ibang nakakalam bukod sa amin ni God na ang laki ng nagastos ko kanina. :P

THANK YOU SO MUCH LORD GOD, HEAVENLY FATHER! AMEN!

1 comments:

Post a Comment