Sunday, July 24, 2011 | By: Klent

Parang ang bilis lang..

Nitong mga nagdaang araw, parang ang daming pangyayari ang hindi ko namalayang dumaan sa buhay ko..

parang ang daming kaganapang hindi ko naitala o naisulat para man lang maalala o bilang pabaon..
subalit kung itatala ko man, hindi rin magiging maganda ang magiging bunga nito..
karamihan sa mga ito ay hindi magagandang pakiramdam, emosyon, at karanasan..
mas makabubuti pa nga sigurong hindi ko na sila naitala at muling maalala pa..

ang emosyon nga naman, parang hangin lang..
nandyan, dadaan sandali, maya-maya'y mawawala, mapapalitan
minsan pa parang bato, wala kang maramdaman, hindi sa manhin o kung ano man
kundi sadyang wala ka lang emosyon sa naturang pangyayari o pagkakataon
palibhasa'y nakatuon sa mga gawain kaya hindi na mabigyang pansin ang mga ito..

gayunpaman, mabuti na rin iyon dahil hindi rin naman ganoon kaganda, ang mga kaganapang nagdaan
hayaan na lang tangayin, sa hangin ay anurin..
hayaan na lang maglaho, nang sa gayo'y hindi na manggulo..

2 comments:

Gillan ;) said...

tama pero emosyon ang pinaka magandang bagay dahil dito di mo namamalayan na may napapasaya ka at may naililigtas ka :]

Klent said...

:]

Post a Comment