Thursday, July 28, 2011 | By: Klent

Haha! Ayos na hapon pauwi :))

Pauwi na ako, nakasakay naman agad ako ng bus Jethro Liner (B.N. 860) nga lang, hehe at least maayos naman na ang upo ko, haha! Pagsakay ko mula sa Lawton hanggang makarating kami ng Ospital ng Maynila, hindi pa rin puno ang bus namin, haha! Natawa na lang ako kasi mabilis na naubos ang mga pasahero na byaheng Cavitex kasi sunod-sunod ang daan ng mga Cavitex na bus, kasabayan nga namin sa Ospital ng Maynila ang isa pang Jethro Liner (B.N. 866) eh.. Sinisilip ko mula sa bintana ng bus namin hindi pa rin puno at ang iba pang Cavitex na bus na nakita kong dumaan byaheng Cavitex..
Sa Baclaran na nagpuno iyong bus na sinasakyan ko. Akala ko magpapakaapaw rin iyon sa standing sa mga sasakay sa Tambo pero dahil nga nagkalat ang mga Cavitex na bus pauwi na, aun, walang standing na naganap sa bus, namin, haha! Nagulat na nga lang din ako at seating cap. lang kami eh, hehe.. kung saan sobrang bihirang mangyari iyon... unless, un nga.. nagkalat ang mga Cavitex na bus.. ung Isa pang Jethro (866) na sinasabi ko, aun, mukhang binalak pang magpuno sa may tambo, kami nakaalis na, nauna na pauwi. :))
La lang, naaliw lang ako.. hehe.. sobrang bihira kasi talaga mangyari na walang standing pauwi eh lalo na't rush hour, haha!

0 comments:

Post a Comment