Papasok ako kanina ng school at naisipa kong umalis ng bahay ng mga quarter to 7 para atleast 5 mins. byahe sa tricycle papuntang gahak at 10 mins. abang ng bus.. Aba! Akalain mo nga namang nagkaubusan na naman ng mga bus na byaheng Lawton, haha! Heto na naman si killer instinct na nagsasabing mag-Baclaran na lang ako at mag double rides (-_-) na lang.. Buti nakasabay ko sa pag-aabang ng bus iyong kapitbahay namin na estudyante din na nag-aaral sa Maynila. 30 mins. kaming mahigit na nag-abang ng bus na byahenh Lawton kasi sobrang wala talagang dumadaan at kung mayroon man, punong punong puno na.. Hindi na nga kami pinaparahan sa Gahak (7-11) eh.. Akala ko talaga hindi na kami makakasakay noon kasi 30 mins na ang dumaan mula 7 am sobrang tumal ng mga bus (na-experience ko na noon). Buti na lang, after 30 mins, nagsunod sunod na ang dating ng mga Lawton buses, pero ang nasakyan namin ng kakilala ko ay Joncy (8023) kasi iyon ang unang dumating, sumunod na lang ang Saulog, Jethro, at Ariel. Pero ang malupit, himala, ang nasakyan kong Joncy ay ang lakas ng aircon at kung titingnan, medyo konti pa lang naman ang damage nito, haha. Iyong ibang bus kasi nila, laspag na ang loob eh, dagdag pa ang mga nakikisabay na ipis, whew, sayang nga lang walang pictre sa internet ng Joncy 8023 pero halos parehas lang din naman siya ng ibang tipikal na Joncy. Ay bago ko makalimutan, wala pala kaming tiket diyan, haha, hindi na nag issue iyong konduktor, ewan ko kung bakit. :)
Pauwi naman ako, ang nasakyan kong bus ay Jethro Liner 866, iyong sinasabi ko kahapon na kasabayan ng naskayan ko din na Jethro Liner 860. Tama nga ang obserbasyon ko kahapon dahil nung nasa Tambo na kami, nagpaka sagad sagarang puno ang bus na ito, haha! Hindi naman na ako nagtaka at nagulat pa kasi kitang kita kahapon na talaga namang tumambay pa ito nung naunahan ng Jethro na sinakyan ko kahapon eh, haha!
Dear Blog: UPDATE
7 years ago
0 comments:
Post a Comment