Wednesday, July 20, 2011 | By: Klent

AirConyari

tama nga naman iyong kaibigan ko na si Byron.. "airconyari" lang iyong bus.. tsk. tsk!

papasok na kasi ako ng skul kanina tapos may Edmond Lines na sa may 7-11 Gahak na nagpupuno ng pasahero.. noong una ayokong sumakay kasi malakas ang pakiramdam ko na bulok na ang bus na iyon.. pero umusad siya ng konti at nakita ko na pwede pa palang m nag standing sa likod na madalas ayaw ng tao pero iyon ang part ng bus na maluwag luwag.. pinatulan ko na iyong bus sa pag aasam na makakapwesto ako sa likod.. pero sa kasamaang palad, ang dami nang tao sa loob at ang hirap nang sumiksik sa likod.. subalit ang pinakamalala, HALOS WALANG AIRCON IYONG BUS!! ang dami na ngang pasahero na nagrereklamo kanina sa loob eh.. mainit naman kasi talaga tapos pang airconditioned bus fare pa ang singil sa amin bilang pamasahe.. nakarating naman ako ng Manila City Hall pero sobrang pinagpapawisan.. mas malamig pa nga pagbaba ko ng bus eh.. nakalanghap ako ng malamig na hangin.. hindi na ako ulit sasakay doon.. sayang nga lang, wala siyang body number kaya hindi ko maaalala kung sakaling makikita ko ulit iyon.. marami naman na silang bagong unnits na bus ngayon pero ayoko na.. di na ko sasakay diyan.. pangit serbisyo.. sayang lang rin at hindi ko nakuha ang plate number para man lang atleast alam ko na iyon iyong bus na iyon.. anyway, hindi na rin naman na ako sasakay doon... dalawa na sila ngayon ng Joncy na hangga't maaari, iiwasan kong sakyan.. sayang nga lang, wala akong makitang eksaktong picture ng bus na iyon.. basta ang byahe niya is NAIC - LAWTON (v.v.)

HETO IYONG LINK SA ISANG PICTURE NG MGA BUSES NILA.. HINDI KASI MAKAPAG UPLOAD NG PICTURE EH.. 

1 comments:

Gillan ;) said...

hahaha chillax badzy XDD

Post a Comment