Mahirap malayo sa mga masasayang katropa.. lalo na't kaclose mo na..
Iba talaga kapag sila ang kasama, tawanang walang sawa..
Marami akong iba pang tropa, pero sadyang sila ay naiiba..
Sa kanila ibang saya ang nadarama, unique ika nga nila..
Ewan ko.. nagkaroon naman kami ng bonding ng mga kaklase ko noong High School (4-Einstein Pioneers SHS) pero parang may kulang, parang may kakaiba.. hindi ko maintindihan, hindi ko maunawaan, ako'y nahihiwagaan.. Ewan ko, hindi ko alam, parang kulang, parang hindi kumpleto, parang hindi isandaang porsyentong masaya.. Nandoon ang presensya ng bawat isa pero sa akin parang may kulang.. Parang may hindi ako maintindihan..
Ngayon naman dahil irregular ako pero may section ako sa Major Subject namin sa Med.Tech, sila na siguro ang ituturing ko na other group na "nakikita/nakakausap" ko lang kapag Majors namin.. Kasali rin ako sa groups nila kasi para sa mga announcements and assignments.. Nababasa ko ang mga posts ng mga trip/gala, at kung ano-ano pang bagay na pwedeng pagsaluhan ng mga tropa sa kanila.. Mga bagay na pinagkatuwaan, mga pangyayari, experiences nila.. Sa isang banda sa organ sa dibib ko, may kulang.. may hinahanap hanap..
Hinahanap hanap ko iyong pakiramdam na nakakatawa ako ng walang bukas, nakakatawang walang pakialam sa mundo, at higit pa doon, nakakatawa ako na kasama sila..
Syempre hindi mo lubusang nauunawaan ang sinasabi ko dahil hindi naman ikaw ang nasa lagay ko.. sadyang miss ko lang sila.. iba kasi ang pakiramdam talaga kapag sila ang kasama ko.. "wala kaming pakialam sa mundo" kapag sila ang kasama ko.. ibang iba talaga.. basta, iba, MALAYA KAMING NAGTATAWANAN, masayang-masya na parang walang bukas.. hindi iniintindi ang paligid, bagkus sa amin-amin lang naktuon ang atensyon ng bawat isa.. Sobrang miss ko na sila..
Bakit hindi ko kitain? Bakit hindi ko puntahan? kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan..
Pero syempre, kailangan kong respetuhin ang oras at panahon nila.. gusto ko rin naman syempre, kailangan lang talaga ng tamang tamang panahon.. hindi man ngayon, bukas o sa makalawa, lubusan pa rin akong umaasa na matutupad iyon..
SOBRANG MISS ko na ang ubod ng
kulit
saya
tuwa
ligaya
halakhak
katatawanan
kalokohan
bait
tiwala
at
komportableng
tropa - ANG TROPANG OASIS

2 comments:
OMG! Speechless ako na naiiyak! Sobrang Miss ka na din namin badzy kooooo!
Grabe panigurado touch infinites times ang tropa drama mode itech haha pero sa kabilang banda magtatawanan pa din sa sobrang drama...
OMG! how i miss yung good times ng tropa, yung tatawanan ang pagkakamali ng isa pero madadagdagan ng iba pa, yung feeling na kahit alam mong napahiya ka na pero di mo inda kasi sagipan ito walang ganoong feeling kasi tropa "Care Free" ba...
OMG! grabe na itech *singhot*
sadyang miss ko na talaga kayo.. hindi na ako nakakatawa nang wagas mula nang hindi na tayo nagkita kita.. hehe..
Post a Comment