Wednesday, July 27, 2011 | By: Klent

:/

Ang kagandahan sa isang maliit na grupo, tropa o barkada, nabibigyan ng atensyon lahat ng miyembro.. Hindi tulad ng isang napakalaking grupo, ilan ilang lang ang nabibigyan ng atensyon at sa pagpapasya ng isa, susunod na lang ang iba dahil hindi rin naman sila makaporma dahil sobrang dami nga..

Buti pa sa Tropang Oasis, sobrang mahal namin ang isa't isa bilang magkakapatid at lahat ng boses, tinig, hinaing, saloobin, o damdamin namin ay napapakinggan. Walang nagmamagaling, walang nagsusunod sunuran. Pantay patany kaming nagmamahalan bilang tropa.
Hindi tulad sa mga kaklase ko noong high school na sa sobrang dami namin ay hindi na nabibigyan ng atensyon ang bawat isa, bagkus kung sino lang na magaling, marunong at madalas at ma-boka ang nangunguha ng atensyon ng karamihan, hindi na napapakinggan ang mga muntig tinig na mayroon sa paligid. Madlas, kapag masyadong marami, hindi na natutupad ang pinaka rason ng pagkikita kita o pagkakamustahan.. nauuwi rin naman sa pilian, hindi rin nabibigyan ng pagkakataon ang iba na magsalita..


Basta mahal ko ang Tropang Oasis.. Malayo ako sa kanila pero ang kalooban ko hindi nalalayo sa kanila.. sa oasis, nabibigyan ako ng pansin at atensyon.. lahat kami nirerespeto ang bawat isa.. basta mahal ko ito, sobra..

nalulungkot ako kasi nagkukumpara ako ng mga kaibigan, pero hindi talaga maiwasan eh.. sa isa napapahalagahan at nababatid ang mga saloobin mo, sa kabila hindi.. alam kong masama pero hindi talaga maiwasan..
kinausap ako ni Ama ngayong gabi, prioritize ko pa rin daw ang mga salita Niya sa kabila ng mga nararamdaman ko, sundin ko ang kalooban at mga salita Niya sa kabila ng kung ano mang nararamdaman ko.. nahihirapan ako kasi pinangingibabawan ako ng nararamdaman ko.. PRIDE iyon.. sadyang lakas ng tama sa akin.. nakakainis, nakakalungkot.. nakakadagdag lang sa sama ng loob ang pesteng pride na iyan..

0 comments:

Post a Comment