Nanaginip ako mlapit na raw ang end of the world.
Nasa laboratory kami ng mga kasamahan ko at dumadalas na ang system malfunction at kung ano-anong sira which is hindi naman nangyyri noon. Maya-maya pa nagdadatingnan na ang mga mutant friends ko at sinasabing aalis na raw sila dito lalo na si ape. Lumabas kaming team sa labas ng laboratory para makita kung ano nang nangyayari sa labas, malakas na ang hangin at isolated na ang area namin, kami na lang ang naiwan.
Biglang nalipat ako sa congested/rural area ng makati at ang mga tao din doon ay nagkakagulo na. Nakikita ko sa mga lcd windows ng mga buildings na end of the world na raw at kung sino-sinong reporters ang mga pinapakita doon sa lcd tungkol sa mga kaganapan sa kani-kanilang mga bansa. Pero doon sa lugar na kinatatayuan ko, instead of makigulo rin sila sa kaguluhan, nagpaparty na lang sila at nag-iinuman dahil inaabangan daw nila ang dec. 21, 2012 which is ilang minutes away na lang.
Maya-maya nalipat naman ako sa isang lugar na binabaha at nakasakay kami (may 2 akong kasama na babae) sa kuliglig na minamaneho ng isang japanese girl na naka-mini skirt. Pinag-usapan at pinagtatalunan [iyong mini skirt niya kasi kung may parang protector iyon o wala para hindi siya masilipan] namin sa loob ung pananamit nung babae. Kitang-kita sa labas ang pagbabaha at may nakita din akong isang japanese girl na naka-mini skirt din at nandoon siya sa malayo na mistulang isang baliw.
HIndi ko alam kung nalipat ang panaginip ko o naihatid lang kami nung japanese girl sa ppuntahan namin pero para siyang binahang refugee camp din na abot din naman ng tubig. Nag-ikot ikot kaming pamilya sa iba pang lugar na pwede pang lipatan kahit na ang baha ay hanggang dibdib na. Maya-maya nakarating kami sa parang isang mataas na kubo at nakita naming may iba't ibang lahi/foreigners na doon sa refugee camp na iyon sa loob ng dalawang malaking rooms. SInabi nina mama na maghanap pa daw kami kaya nagpatuloy kami sa paglusong sa baha at habang papalayo kami doon sa refugee camp na iyon, padilim na nang padilim ang nararating namin at wala nanag tao.. madalas ang mga lumalangoy na mga sawa at kailangang hindi ka kumilos para hindi ka matuklaw. Pero napansin kong palayo na kami ng palayo sa maliwanag na refugee camp na iyon at wala na ring tao sa ibang lugar kaya bumalik kami doon sa naunang refugee camp tapos tinanong ako nina mama kung bakit daw ako bumalik, sabi ko natatakot na ako at wala nanag ibang tao doon kaya dito na lang tayo. Pero nung nasa kalagitnaan kamoi noon kanina, umiiwas kami sa mga sawa at hindi ko namalayang nakalunok ako ng isa, sinabi ni mama na iluwa ko daw iyon pero hindi ko na magawa, nasa utak ko na siya at nakabakat iyon sa ulo ko.
Hindi ko maalis kahit anong pilit ko buti na lang nagising ako [pero nananaginip pa rin ako], doon naman ako napadpad sa sakayan ng bus sa sta.cruz manila pero iba ang itsura ng sta.cruz, yet inasahan ko pa rin ang senses ko na iyon iyon. Nakasama ko sa pila ng bus ang kakilala ko na babae pero hindi ko siya eksaktong mamukhaan kung si badz ba iyon kasi sa malayo si badz at kinusap ko pa nga sandali.. ptumalikod ako sandali at paglingon ko si Angie naman ngayon iyon kasama iyong isa niya pang kaibigan. Kinuwento ko sa kanya laaht ng panaginip ko at mula sa malayong tulay doon mismo sa panaginip na iyon, may isang higante akong nakita. Napamura ako sa nakita ko dahil akala ko sa panaginip lang tlga iyon, un pala totoo [pero nananaginip pa rin ako nito]..
Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari pero buti na lang nagising na ako, sobra ang takot at kaba ko pagkagising ko. Nagising ako mga around 4am pero tinype ko muna sa cp ko iyong panaginip ko pero hindi ko rin nmn natapos kaya dito ko na kinumpleto. THank God nagising pa ako sa bangunot na iyon.
Dear Blog: UPDATE
7 years ago
1 comments:
kapag ako nananaginip parang bangungut lahat . hindi na ordinaryo sa akin ang mga kakaibang panaginip. *like
Post a Comment