Saturday, July 2, 2011 | By: Klent

Haha! Lablayp nga naman, haha!

Kanina PE ko at lahat kami irregular student.. den may nakilala akong 4th year Med.Tech.. actually hindi ko siya kilala, nagkakilanlan lang kasi pareho kaming Med.Tech.. hindi ko na maalala exactly ung mukha niya ngayon pero natawa ako sa pinag-usapan namin, hehe..

Tinanong niya ako kung marami daw bang "chiks" sa section namin..

Sabi ko naman, marami naman pero hindi ko sila kilala kasi isang oras sa isang buong linggo ko lang sila nakakasama at hindi ko pa sila nakakausap..

Tinanong niya ulit ako kung marami daw bang maganda sa room namin..


Sabi ko nga mayroon naman pero hindi ko lang sila kilala kasi hindi nga kami close sa mga babae.. kasi ang mga babae sa likod nakaupo at kami naman sa harap..

Den sabi ko sa kanya, maganda din iyong 3rd year na member ng student council ng MT at madalas tambay (rendering work) sa Med.Tech office... which is kilala niya pala iyong name pero hindi ko siya kilala, atleeast pareho kami ng tinutukoy

Sabi niya, me sumusundo na daw dun eh.. malaki ang braso at bato-bato daw ang katawan nun.. Siya pa daw ang nagbubuhat ng bag nung babae, hehe.. Ayaw niya na daw makigulo sa may pumoporma na, baka magkagulo pa, hehe..

Den kinuwento niya sa amin kung ilan daw ang magaganda sa 2nd, 3rd at 4th year na MT.. tawa naman ako.. haha!

Sinasakya ko ang kuwentuhan namin kahit hindi ako gaanong interesado pero ang highlight nito.. tinanong ko siya ng medyo stupid na tanong.. xD

"kuya may girlfriend ka na ba?"

ang sagot niya ay wala pa daw kaya naghahanap daw siya.. haha!

Ahem, excuse me lang ha.. ANG PAG-IBIG, HINDI HINAHANAP 'YAN.. KUSA IYANG DUMARATING (although wala akong enough basis duon dahil hindi pa ako nagkakaroon ng karelasyon pero opinyon lamang iyon). For example, mahal mo iyong isang tao, hindi ka naman mahal, wala rin.. Interesado ka sa isang tao, hindi naman siya interesado sa iyo, wala rin. Para sa akin, hindi hinahanap ang pag-ibig, kundi kusang dumarating ito sa tao.. kung kumpatible kayo, eh di magiging kayo talaga. (wish ko lang hindi ako tamaan, huh.. haha!)


Although hindi appropriate na nakikialam ako sa buhay nang may buhay pero wla lang.. natawa lang ako.. hehe.. xD

Good evening! :P

0 comments:

Post a Comment