Thursday, September 15, 2011 | By: Klent

Salamat kapatid

May isa akong kaibigan na lalake sa Christian din sa skul, minsan naming napagkwentuhan ang mga babaeng pinopormahan namin.. Nagkwento na rin siya nang tungkol sa mga kakilala niya ng kani-kanilang laove life..

Sa kaibigan kong ito ko lang natutunan na, bilang isang Kristiyano, wala nang hihigit pa sa mga plano ng Diyos para sa atin, higit pa sa kung ano ang hangganan ng alam at kakayanan natin. Ganoon din ito sa pag-ibig, ang mga plano ng Diyos ay higit sa kaya nating gawin para sa minamahal natin. Natutunan ko na, kung talagang kayo, ibibigay siya ng Diyos sa iyo sa tamang lugar at tamang panahon. Hindi ibig sabihin na single ka ngayon, wala nang gagawin ang Diyos tungkol sa buhay pag-ibig mo. Mayroon kapatid, mayroon siyang plano para sa iyo, basta't maniwala at magtiwala ka lang sa Kanya. Kung magkahiwalay man kayo sa mahabang panahon, kung talagang siya ay para sa iyo ayon sa plano ng Diyos, hindi siya maaagaw ninoman dahil siya ang itinakda sa iyo ng Diyos. :) Single pa lang din naman ako, hindi na ako nagmamadali dahil ngayon, mas naunawaan ko na bilang isang Kristiyano ang buhay pag-ibig.
Noon kasi, nagmamadali ako, madalas naguguluhan sa kung ano ba ang mga dapat gawin kapag nagmamahal, kapag gusto mo ang isang tao, kung ano ang mga hakbang na gagawin mo, paano mo papakitang mahal mo siya, at ang mga desisyon sa buhay pag-ibig na pipiliin mo. May mga bagay kasi noon na mahirap at masakit tanggapin at isipin. Ngayon, hindi na ako nalilito, nababalisa o naguguluhan, mas naunawaan ko na nang maigi ang mga bagay-bagay tungkol sa ganyang usapin sa Kristiyanong paraan. Salamat sa kaibigan kong iyon na nagpaalala sa akin na ang Diyos ang bahala sa buhay pag-ibig natin at nagpaalalang walang ibang makahihigit pa sa mga plano ng Diyos sa buhay natin. 

2 comments:

Gillan ;) said...

badzy paano ung matatandang dalaga at binata? *curious lang* :))

Klent said...

un din ang hindi ko alam..

pero may naisip ako ngayon-ngayon lang, may plano pa rin naman ang Diyos sa kanila.. ang hindi natin natin alam, kung inalam ba nila ang balak ng Diyos sa buhay nila o sa kabilang buhay nila matatagpuan ang tunay na kaligayahan, o kung naging magulang o asawa sila, baka hindi maganda ang naging bunga..

hindi natin alam, walang nakakaalam.. tanging Siya lamang :)

Post a Comment