Saturday, December 15, 2012 | By: Klent

Ganoon talaga..

Minsan sa buhay ng isang tao ay darating iyong pagkakataon na kung saan maiisip mo na minsan may mga tao pala na sadyang dadaan lamang sa buhay natin subalit walang katiyakang sila'y mananatili bilang kaakibat natin hanggang dulo.

Minsan pala ang pagkakaibigan parang isang malamig na bugso ng hangin.
Minsan parang pampublikong sasakyan, maraming sasakay at bababa sa kahabaan ng byahe subalit iilan o walang tiyak na mananatili mula umpisa hanggang dulo.
Minsan parang laruang eroplano na masayang paliparin subalit nakakapagod habulin.
Minsan parang lobo na masayang hawakan subalit masaklap kapag napakawalan.
Minsan parang daloy ng tubig, mararamdaman mo subalit hindi mo mahahawakan.
Minsan parang waiting shed na panandaliang silong ng mga tao.
Minsan parang screw driver at turnilyo, may kombinasyon na hindi uubra sa dulo.

Siguro sadyang darating ang panahon na tanging sarili mo lamang talaga ang dapat mong pagkatiwalaan dahil walang katiyakan ang mga kaganapan sa pag-ikot ng buhay ng tao.

0 comments:

Post a Comment