Wednesday, August 17, 2011 | By: Klent

CavitEXTRANDED >:( :| :))

Kahapon naman, pauwi na ako at ang nasakyan kong bus ay Richford Bus Lines (B.N. 1034) a.k.a. Ariel Express. Maliit na bus lang siya na naglalaman ng maximum seating capacity na 37 passengers. Astig ang turbo aircon nito na sobrang lakas at pati ang upuan nila, masarap sa likod. Ok naman ang byahe namin mula Lawton hanggang Coastal Road, seating capacity ang bus at may mga nasa sampo yata na standing na pasahero. Nasa kahabaan na kami ng Cavitex nang biglang may pumutok at nagpagiwang-giwang ang bus namin at naghiyawan ang mga pasahero, lahat iyan mabilis na nangyari. Buti na lang naitabi ng ayos ng driver ang bus namin, kung hindi baka tumipalon kami sa dagat sa Cavitex, mangyayari pa niyan, titilapon pa kami sa dagat sa Cavitex, bale 2nd accident sa skyway (kuno) iyon, haha! Kasi kwento (narinig ko lang) nung isang pasahero na nasa bandang unahan siguro (sa gitna kasi ako nakaupo lfet window side, 2x2 seats lang ang buong bus), nung pumutok iyong gulong ng bus (front right side), pilit daw ang kabig ng driver pakaliwa kasi kung hindi niya ginawa iyon, malamang tumilapon na nga kami sa dagat.
Ayun na nga, konpirmadong bus namin ang sumabog ang gulong, malala ang tama ng gulong as in putok talaga. Pero mas malala ang driver at ang konduktor, wala silang reserbang gulong at hindi man lang kami nailipat sa maluwang na bus, puro nakisiksik lang kami sa mga iba pang bus nila na dumadaan na punong-puno rin. Ang nakakainis naman para sa akin, 3pm ang labas namin at 6pm pa ako nakarating ng bahay dahil na-stranded kami doon sa Cavitex ng almost isang oras sa sobrang walang gaanong ibang bus ng Ariel ang dumadaan, IMBA! Ang problema pala sa Cavitex, kapag tumayo ka doon at may dumaang sasakyan, mararamdaman mong umaalog ang daan, hindi naman literal na umaalog pero mararamdaman mong parang lumilindol sa tuwing may dadaaang sasakyan, malamang malambot ang lupa noon.

Heto nga pala ang ilan sa mga pictures na nakuha ko gamit ang Nokia C6-00 5MP camera;





(kinuhaan ko lang ang area duon sa kung saan kami nastranded at magdidive sana :P)

1 comments:

Gillan ;) said...

omg!!! ano ba yang mga bus na yan... badzy ingat lagi wag ka ng sasakay jan no matter what... and about sa lupa nakow! siguro ehh minadaling maxado yan nakakatakot naman dumaan jan paano kung magiba ung lupa? >.<

Post a Comment