Wednesday, December 21, 2011 | By: Klent

A heartbreak without a heart

Nagbukas ako ng Facebook ko, isa sa mga newly added items sa News Feed ay siya at ang kanyang post lang ay "^^". Binisita ko ang profile niya at nakita kong nakatag siya sa album ni N (high school tropa ko). Nacurious ako kung bakit, binuksan ko ang album, viniew na din... Alam mo iyong pakiramdam na sa una, matutulala ka den dudurugin ung loob mo sa nakita mong mga pictures.. Magkasama sila sa UP, hindi ko alam kung kailan iyon pero ang mas masakit, amy mga ilan silang pictures na sobrang lapit nila na akala mo sila iyong magkasintahan. Sobrang durog ako sa mga nakita ko, as in durog na durog. Oo masakit, sobrang sakit..

Bigla kong naisip, akala ko ba handa ako kung sakaling mangyari man ang ayokong mangyari, pero hindi pala. Handa lang ako sa salita, pero sa pagharap sa katotohanan, hindi.. Sobrang durog ako, as in durog. Alam kong hindi mo dama ang nadama ko kanina pero totoong masakit pala talaga iyon. Masakit sa pakiramdam iyong kahit hindi naman kayo, nasaktan ka pa rin sa mga nasaksihan mo. Siguro kaya naging masakit iyon kahit sinabi kong handa akong tanggapin kung hindi man maging kami, ay dahil iyong kaibigan ko pa noon ang mukhang magiging kasama niya hanggang dulo ng buhay niya. Sobrang sakit talaga kanina.. Bigla ko na nga lang naikwento sa kaibigan ko iyong sakit na nadama ko kahit alam kong medyo naguluhan siya sa akin.

Pagkatapos noon, sobrang dami kong inisip, pilit kong dinidivert ang utak ko sa pag-iisip sa nasaksihan ko. Subalit sa huli, medyo nagulo talaga ang utak ko sa nasaksihan ko. Gayonpaman, buti na lang sinabi sa akin ng isang kaibigan ko na mayroong rason ang Diyos sa pagkuha sa atin ng mga bagay-bagay na mahalaga sa atin. Salamat sa kanya at kahit papano medyo nahupa ang nagkakagulo kong isipan. Sumunod noon, nagreflect na ako at humarap ako sa Diyos.
First of all, I have to completely trust God's plans in my life for He knows me best. He knows my everything, my troubles, sorrows, fears, and pain. He even knows my very strengths and weaknesses. I've learned that, maybe the reasons that God has taken her away from me are because I'm not prepared physically, mentally, socially, and spiritually enough to be with her. Or it could be that, He take her away from me so that I can focus in Him. But in a larger sense, both situation give greater glory to God. I don't know what He plans for my life, but one thing is for sure, He plans the best for me for I am His son. And now, the great challenge that lies ahead are to continuously, faithfully, and obediently trust in Him and in His plans for me without expecting any personal result. Whatever happens, I will trust God whenever he give good or bad situations in life. 
God is the greatest healer. Amen. :)

3 comments:

Gillan ;) said...

cheer up badzy :)
God has plans for us tama ang iyong kaibigan na nagsabi nian..

pwedeng close lang sila as in bestfriend pwede naman yun wala namang impossible sa mundo :)

Klent said...

tama k dian badz :)

sabi nga din nung isa ko pang kaibigan, pictures pa lang naman un, hindi pa naman confirmed eh.. hehe..

Gillan ;) said...

kaya nga kasi badzy and2 lng naman.... *ehem* *ehem* haha gets mo na yun hahaha chaaaar!!! imy badzy :D

Post a Comment