Kahapon pa dapat ito kaso sobrang pagod at istres ako kaya natulog na lang ako ng maaga. ^_^
Nagkaroon kami ng long quiz sa major subject, namin Analytical Chemistry particularly Quantitative Analysis. (Hindi naman talaga siya major kundi prerequisite lang para sa major subjects namin sa susunod na taon kaya lumalabas na major na rin siya.) As usual, mahirap, haha! 7 main questions iyon at may mga sub-questionsa sa loob, basically puro computation siya, hehe.. Halos mahigit 30 mins. ko yatang tinitigan ang kalinisan ng papel ko tsaka ako nakaisip ng paraan para maglagay ng panggap na sagot at kunyaring solution, haha!
Nag-bell, wala akong gaanong nasagot, halo-halong giniling na emosyon ang nadama ko.. parang malungkot na parang ok lang.. parang timang.
But in the first place (ehem), binigyan naman kasi kami ng mahabang panahon para magreview sa lessons namin mula pa start ng midterms, sa totoo nga lang, binalaan na kami bago pa man mag-Chinese New Year eh,, haha! Pero nagbasa ako, petiks, hindi ko sineryoso.. hindi ko feel, hindi ko dama.. Hindi ko, ay hindi lang pala ako, kundi kami. Hindi namin talaga maintindihan iyong turo ng professor namin na kung tutuusin parang madali lang iyong subject na iyon pero dahil sa pamamaraaan niya ng pagtuturo, lumalabas na mahirap ang subject namin na iyon. Kaya ang naging tendency, hindi ko na binigyan ng matinong atesyon ang mga notes ko dahil paano ko rereviewhin kung sa una pa lang hindi na namin natindindihan. Dumaan ang week-ends, gumawa lang ako ng konting rereviewhin para naman may masabing may nareview naman ako.. pero kung tutuusin, 1/4 pa lang iyong ng total lesson.. ang 3/4 hindi ko na binasa, tinamad na ako, hehe.. Hindi ko naman na naintindihan iyong iba eh..
Pero nitong nagdaang maghapon, naisip ko, sayang ang pagkakataon, sayang ang oras at panahon.. Siguro kung mas sineryoso ko pa iyong self-study kahit wala kaming naintindihan sa professor namin, medyo bawas siguro ang madadama kong konting regret/guilt.
Gayon pa man, kanina sa library sa loob ng tuloy-tuloy na tatlong oras, hindi ako umalis sa pwesto ko at sinulat kong muli sa malinis na papel ang lahat ng mga example na binigay sa amin. Sa paggawa kong iyon, doon ko lamang naisip na sana noon pa lang sineryoso ko na at mas piang-igihan ko ang pagbabasa kahit self-studuy lang ang mangyayari.
Ganoon talaga, nasa huli ang pagsisisi.. umaasa na lang ako na makbawi ako sa Midterm Exam namin doon... (kahit heavy ang impact ng nag-iisang long quiz.. kewl)
0 comments:
Post a Comment